Chapter 7 "The kids"

145 15 1
                                    

Avreel's POV

Nakakainis talaga!! Kahit ilang araw na after my reservation in Spa Martier pero di pa ako naka-move on. Kung di lang kasi ako na-bad shot ng lalaking yun, meron na sanang branch ng Spa Martier dito. GAH!! Kala n'yo pupunta lang ako for my own pleasure? Duh of course not!! Kelangan kong pumunta doon para i-convince silang mag-franchise ng business nila dito sa school namin. Pero dahil sa ANTIPATIKONG iyon, nawala ang concentrations ko at ng gana ko na pumunta sa NY. Kakainis!!! Buti na lang at weekend ngayon. No sign of Lance Rio Alvarez.

Weekend. . . Weekend. . . WEEKEND!!

OMG!! I need to pack my bundle's of joy to donate it sa aking charity. SHOCKS! I need to call my secretary too para for the apparel para sa mga bata. My osh time is running.

*dialling Ms. Austenberg*

"Hello Ms. Austenberg? Is everything ready for my charity? I really forgot about the charity."

"Yes Ms. Leviste. Everything is ready. I also added some school supplies aside from the clothes and goods."

"Ahh thank God. Thank you Ms. Austenberg. I really like your initiative. Good job." then I cut the line.

Buti na lang at maaasahan ang secretary ko. She's been working for me since 16. It's our family tradition na kasi na everytime we reach the age 16, we should work our ass out para mapalago ang aming Php. 500, 000.00. Good thing I have brains kaya nakapagpatayo ako ng SARILI kong business.

Okay I need to prepare na. It will be a very long day. Kayo ba naman, mga bata ang kaharap, kalaro at kung anu-ano pa, kaya n'yo ba?

=================

Felicity's POV

Saturday na pala. Di ko man lang namalayan. Andami ko kasing ginagawa eh. Andaming homeworks and quizes. Buti na lang at natapos ko na yung preparations ko for my charity. Isa kasi yhun sa requirement ng aming religious subject na dapat meron kaming kanya-kanyang sinusuportahang organization. Buti na lang at by group s'ya kasi kung hindi, paniguradong kakapusin ako sa pera. Galing ng school namin nuh? Nakakatulong pa kami sa mga mahihirap.

*Tok Tok Tok*

"Pasok" sabi ko. Naghahanda ako para sa aking charity event nagn pumasok ang kakambal ko, si Brandon.

"Ganda talaga mo ate."

"Suz, nambola ka pa. Eh ano naman ang ikinaganda ko, eh isang simple shirt and pants lang naman yung suot ko."

"Yun na nga ate eh, kahit na simple ka, maganda ka pa rin."

"Kasing ganda ni Avreel?" napakamot ng ulo si Don-Don sabay ngiwi. 

"Tingnan mo, di mo nga masagot yung tanong ko." sabay pasok sa walk-in closet ko.

"Ate, iba si Avreel, iba ka rin. Mag-ayos ka lang, baka mas gumanda ka pa kesa sa kanya." kaya nga mahal na mahal ko tong kapatid ko eh, napaka-bias sa ate.

"Nako naman Don-Don,"sabay pisil ko sa cheeks n'ya kaya napa-aray s'ya,"love mo talaga ako nuh? Sige na umalis ka na para matapos na ako rito." sabay bitaw ko sa pisnge n'ya.

"Ate naman eh, wag na ngang Don-Don eh, di na ako bata. Sige na alis na ako, bilisan mo ha ayokong mag-antay."

"Opo sir."sabay tulak ko sa kanya palabas.

Haay, grabe talaga tong kapatid ko. Pano kaya kung magpaganda ako? Magkasing ganda na rin kaya kami ni Avreel?"

========================

Avreel's POV

I'm currently in my car nang may madaanan ako one block away from my venue. I pitied the girl and the boy near the street. They're scavenging. Eww? Ang gross naman.Pero nakaka-awa talaga sila. They are so malnourish and filthy. GOSH!! I really hate those parents na inaabandona ang mga anak nila. Ang lakas ng loob gumawa ng bata pero pinapabayaan lang. The nerve!!

Dahil di na ako nakatiis, I asked my driver to stop the car. Then dali-dali akong lumabas para kausapin yung mga bata.

"Hey kid, where's  your parents?" I asked them. They only stared me with questioning look. Nagkatinginan ang dalawang bata then pinagpatuloy ang ginagawa nila. O-M-G!! Did they just ignored me?

"Ah mistress, baka di ka maintindihan." Huh? Why would-, Oh! Right! How silly of me.

"Bata, hoy, asan yung mga magulang n'yo?" I asked again.

"Kuya, tinatanong tayo oh." sabi nung batang babae sa kuya daw n'ya.

"Wag mo na lang pansinin, ipagpatuloy mo na lang yung ginagawa mo." sagot nung kuya n'ya. SHOCKS! Nagagalit na ako ha. Patience Avreel, patince. Bata pa sila.

"Hoy," sabay hatak ko sa batang lalaki,"pagkinakausap ka, sasagot ka. Wag kang bastos, okay?" sabi ko.

"Eh kung tumabi nalang HO kayo. Sagabal ka lang sa min eh." sagot nung lalaki habang pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Aba, nakakinis na ha.

"Bata, kaya kita tinatanong dahil gusto ko kayo alokin na pumunta sa charity event ko. Pakakainin kayo, bibigyan ng damit, aalagaan. So ano? May magulang pa ba kayo, o wala?" tanong ko ulit habang pinipigilan kong mapasigaw.

So? Deadmahan lang? Aba tong batang to ahh. Avreel, breathe in, breathe out.

"Ahh, wala na sila ate." sagot nung batang babae.

Uy, buti pa tong batang to, sumasagot ng matino. Hmm.

"Eh asan na sila bata?" tanong ko sa batang babae. 

"Wag ka na ngang epal boy. Kaloka ka ha. Hmp!" saway ko dun sa lalaking bata.

"Hindi ko po alam eh. Kami na lang ng kuya ko eh." sagot ng bata na medyo mamasa-masa pa yhung mata. Ang insensitive ko naman. Hmm, pano kaya to? Gusto ko talagang tulungan s'ya eh.

"Eh bata, since wala na kayong mga magulang, gusto n'yo bang sumama sakin?"

Biglang natigilan ang dalawa. Nagkatinginang muli. Pero yung batang lalaki, binalewala pa rin ako habang yung batang babae, parang interesado sa alok ko.

"Hmp, gusto n'yo ampunin ko kayo?" alok ko.

"Wag na. para ano? Para gawing alila? Wag na uy!! Masaya na kami sa lansangan." so meron na pala silang history sa usapang ganyan.

"Eh ano pa't mayaman ako kung pagtatrabahu-in ko lang kayo? Alam n'yo kasi bata, nag-iisa lang ako. I wanted to have younger siblings, pero wala. Gusto ko maranasan kung pano maging ate. Ano na? Payag na ba kayo?" medyo nag-aalanganin yung batang lalaki habang yung kapatid n'ya interesadung-interesado kaya sinulsulan ko pa.

"Pag-aaralin ko kayo. Titira kayo sa bahay ko. May swiming pool dun then madaming pagkain."

"Talaga ate?" tanong nung batang babae. Ang cute-cute n'ya. Kahit na dirty s'ya, alam kong cute na cute pa rin s'ya,

"Oo, marami ring mga toys dun. Then malambot ang kama."

"Kuya, payag ka na. Sige na kuya. Gusto kong maka-ligo sa wiming pool."

"Eh pano namin masisiguro na totoo yang mga sinasabi mo at di ka sindikato?" 

"Duh?,"then I rolled my eyes,"Sa mukha kong to, sindikato? You've must be kidding me." batang to, gawin bang sindikato ang beauty ko?

"Oo nga naman kuya. Sige na payag ka na."

Nag-iisip pa yung batang lalaki. Tinitignan n'ya ako like he's checking me out. Then he look at his younger sister na kulang na lang lumuhod sa harap n'ya. Then tingin naman ulit akin, then sa kapatid n'ya. In the end, he sighed in defeat at pumayag na.

Dahil pumayag sila, sumakay na ulit kami sa kotse ko then we're heading to our venue. Dun ko na lang sila aayusan.

============================================

A/N:

So? Alam kong boring ang chapter na ito. I know your seeking for kilig moments pero saka na lang yun. I have purpose on why ganito muna ang ginawa ko. Just keep on reading lang ha. basta I have an idea kung pano tatakbo tong story kong to, okay? heheh, so enjoy the next chapter :D

"The IT Girl and the Robin Hood"[under construction]Where stories live. Discover now