"Chapter 6: Felicity"

149 14 6
                                    

BABALA:

Ang POV sa story ko ay based sa POVs of my characters. Pero sa ibang chapters ko, meron rin akong PPOV. Since meron akong character na kapangalan ko, gagawin kong "Avreel's POV" kung naka-POV sa lead character ko, and "avreelCuatro' POV" kung naka-POV sakin. Para na rin maka-iwas ng confusions, diba? Then yung POV ko, third person yan. Kung may napansin kayong mali, pakmisabi ha.. hehehe.. keep reading and enjoy<3

=====================================

*avreelCuatro's POV*

Nagulat si Lance sa pagsampal ni Avreel sa kanya. Sa tinding pagkagulat, di na n'ya namalayan na ilang minuto na rin s'yang natulala pagkatapos ang nangyari kanina. Bumalik lamang s'ya sa realidad nung tinabig ni Felicity ang kanyang balikat.

"Lance? Okay ka lang ba?"tanong ni Felicity sa kanya.

Okay lang ba s'ya? Yan ang pa ulit-ulit n'yang tinatanong sa kanyang sarili kanina pa. kakagaling pa nilang dalawa sa accounting office, may kina-elangan pa kasi s'yang ayusin na papeles para ppormal na s'yang maging isang estudyante sa SGU. 

"Lance?" tawag ni Felicity nang di n'ya masagot ang unang tanong n'ya.

"Ahh, oo. Okay lang ako." sagot ng binata

"Pagpasensyahan mo na lang si Avreel ha? Paniguradong may importanting dahilan yun kaya di s'ya makaka-attend ng meeting." paliwanag sa kanya ng dalaga.

"Bakit? Ganun ba ka importante sa kanya ang pag papa-spa n'ya kesa sa meeting na to?"

Nagkibit balikat lang sa kanya ang dalaga at inaya s'yang pumasok sa SSC office nila.

Nakapasok na sila sa office. Manghang-mangha s'ya sa office ng SSC. Malinis, organisado, at halos lahat ng kakailanganin, andito na. Meron rin s'yang nakikitang plaque at mga certificates na nasa ding-ding at nasa shelves.  Meron ring mga miniatures na buildings na sa tingin n'ya any isang proposal ng SSC para sa SGU. 

"Andami naming achievements nuh?" komento ni Felicity.

"Ahh, oo nga eh. Bilib na bilib ako sa inyo, lalo na sa'yo. Ikaw naman atah may kagagawan halos n'yan eh." sagot ni Lance kay Fel. Napatawa s'ya sa komento n'ya. Ano kayang ginawa ng babaeng yun dito, tanong n'ya sa kanyang sarili.

"Naku! Hindi noh. Para nga akong walang na-itulong d'yan eh." tanggi ni Fel.

"Wala? Weh? Di naman ata eh. Halos ikaw kaya ang nasa pictures eh. yung pictures kung saan tinatanggap mo ang mga plaques at certificates."

"Kasi ako yung president. Pero lahat ng yan di naman ako ang may idea n'yan eh." sagot ni Felicity nang naka ngiti pero medyo mapait.

"Bakit? Kanino bang mga ideang yan?" tanong uli ng binata.

"Kay Avreel." sagot ni Felicity saka s'ya tumayo at kumuha ng snacks sa snack bar nila.

'Lahat ng yun idea ni Avreel?' sa isip ni Lance. Di s'ya makapaniwala na sa kabila ng kaartehan sa katawan ng babaeng yun, s'ya pala ang utak sa lahat ng mga ito. 

~~~~~~~~~~~~~~

*Felicity's POV*

Dinala ko si Lance sa office ng SSC dahil sa mga files na kelangan n'yang permahan para sa rfequirements n'ya sa school. Napansin kong panay titig si Lance sa mga plaques at certificates sa shelves. Kaya naisipan kong kausapin s'ya tunkol rito.

"Andami naming achievements nuh?" biro ko sa kanya.

"Ahh, oo nga eh. Bilib na bilib ako sa inyo, lalo na sa'yo. Ikaw naman atah may kagagawan halos n'yan eh." sagot n'ya sakin. Sabi ko na nga ba eh, yan ang iniisip n'ya. Na ako ang rason kung bakit successful ang SSC.

&quot;The IT Girl and the Robin Hood&quot;[under construction]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα