Chapter 4: I'm Not Just a Girl

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami. The two went straight to their rooms, habang ako ay nanood na lang ng telebisyon. I spend the rest of my hours by watching tv, bago magtungo sa LordsVille para sunduin ang tatlo.

Ipinarada ko na ang sasakyan sa cafe na nasa harapan ng school at lumabas. Kalahating-oras pa bago sila mag-uwian, kaya nagtungo muna ako sa cafe na nasa harapan ng school.

"Good afternoon, Maam." The girl in the counter greeted me with a smile on her face.

I just nodded and ordered. Pagkatapos ay lumabas na ng cafe at naupo sa mga silyang nasa labas nito. I crossed my leg and take a sip on my coffee, watching the cars passing by. Then a suddenly memories popped out in my mind. When I looked at the huge gate in front of me. The gold plated school's name written above.

LordsVille Academy...

The school where everything started. Where many students involved in my mission. Where I met Trigine, the Queen wanna-be. Where I met the martyr, Stephanie. Where I found a great friends. Where I learned to make friends and cared. Where I experience being bullied. Where I met Gunner. The school where I created chaos. The school I saved.

I scoffed.

Nahh... LordsVille, own a big part of my life, ha?...

Nahinto na lang ako sa pag-iisip nang makitang magbukas ang gate ng school. The pupils bid their goodbyes to their friends, even the school guards. Tumayo na ako at itinapon sa basurahan ang cup na ininoman ko. Pagkatapos ay naglakad palapit sa sasakyan dahil nakita ko na ang kambal na kalalabas lang ng gate. They waved to their friends, hanggang sa makita ako ni Toshi. Toshi stopped and looked their left and right. Nang wala siyang makitang sasakyan ay mabilis niyang hinila si Riyu at tumawid ng kalsada papunta sa akin.

"Hi, Mom!" Toshi said and hugged me.

"Hey. How's school?" Tanong ko.

He smiled. "The usual, Mommy. I got the highest score on our activity." sagot niya.

"You did great. But don't forget to play also." Sambit ko.

Tumango naman siya kaya ginulo ko lang ang buhok niya at tinapunan ng tingin si Riyu na abala sa pagkain ng cotton candy.

I sighed. How to get rid on his sweets obsession.

"I told you, don't eat too much sweets. Masisira ang ngipin mo, Riyu." Paalala ko.

Tinignan niya ako at biglang nagulat. "Oh! You're here, Mommy." Aniya at mabilis na itinago ang cotton candy sa likuran niya na parang hindi pa ako napansin. "Uhm- pangalawang cotton candy ko pa lang po ito." Aniya at ngumuso.

Huminga na lang ako ng malalim. "Okay. Get inside, hihintayin pa natin ang kuya niyo." Sambit ko. Tumango naman ang dalawa at ginawa ang sinabi ko.

Habang ako ay nakasandal lang sa sasakyan at hinintay si Colton. Mas nauuna kasi ang uwian ng mga bata kumpara sa Junior. I just crossed my arms and tapping my feet while waiting. Paminsan-minsan ay sinisilip 'yung kambal sa loob ng sasakyan. Toshi busy with his books, while Riyu is busy eating his cotton candy.

Ibinalik ko ang tingin sa gate na muling nagbukas. Nagsilabasan na ang mga estudyante kaya umayos na ako ng tayo. I looked at every students coming out from the gate, but my forehead creased when the last student came out was not the one I've been waiting for.

Minutes passed but there's no signs of Colton. Hanggang sa isara na ang gate. May mangilan-ngilan pang estudyante na tumatambay sa harap ng school o 'yong iba ay naghihintay ng sundo nila. Mas lalong kumunot ang noo ko nang may mapansin akong estudyante na nagtatakbuhan patungo sa hindi kalayuan. May mga sinasabi sila na hindi ko naman maintindihan dahil malayo ako sa kinaroroonan nila. But based on their faces, something happened. Hanggang sa maramdaman kong uminit ang katawan ko. Bigla na lang akong kinabahan sa hindi malamang kadahilanan.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK III]Where stories live. Discover now