7 - Not Perfect

Começar do início
                                    

Napaawang ang bibig ni Yuan ng may mapagtanto. Nasabi na ni Kevin na nasa ibang bansa ang pamilya nito habang wala ng mahal sa buhay ang driver.



"Lucas... where's your family?" mahinang tanong ni Yuan na nasuklian lamang ng isang tipid na ngiti.



Nanatiling nakatingin si Yuan sa binata hanggang sa tumayo ito. Muli itong ngumiti ng tipid saka hinayaan si Mariz na pumalit sa pwesto nito kanina.



Ilang minutong binalot ng katahimikan ang matalik na magkaibigan. Hindi alam kung sino ang mauunang magsalita. Kapwa maraming gustong sabihin, pero kapwa din nagpapaubaya na hindi mauna.



Isang baryo na lamang bago ang kina Kenzo noong huminga ng malalim si Yuan. Hindi pa rin niya magawang tumingin kay Mariz ngunit nilakasan niya ang loob na magsalita.



"Sorry--"



"It's not your fault!" Mataas man ang tono ay pabulong itong sinabi ni Mariz. Nakakuyom ang mga kamay nito na natatakpan ng sleeves ng jacket ni Kenzo na kanyang suot.



"Still, I'm--"



"What the hell, Yuan? How many times do I have to tell you that you don't have to blame yourself for every negative thing that happens around you?"



Hindi nakasagot si Yuan. Lalo niya lamang nilunok ang lahat ng gustong sabihin ng magsimulang umiyak ang kanyang bestfriend.



Hindi na nag-abala si Mariz na pahiran ang kanyang mga luha. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Yuan, I'm saying this for the nth time, we are not perfect."



Napayuko si Yuan ng marinig ang paboritong linya ng kanyang bestfriend sa tuwing pinapagalitan siya nito dahil sa mga kadramahan niya sa buhay. Ilang segundo pa ang lumipas at hindi niya nagawang mag-angat ng tingin.



"But you know what?" Kahit na patuloy ang pagagos ng mga luha ay ngumiti si Mariz. "I think you're more than that. Even the most perfect person is not qualified to be my bestfriend, Yuan. Ikaw lang. Ikaw ang nanalo. You won the title."



Saglit na tumawa si Mariz saka muling nagseryoso at tumingin ng diretso sa mga mata ni Yuan. "Please, keep that title."



Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan ni Yuan ang sariling mga luha. Niyakap niya si Mariz. "As long as you keep yours."



"Hindi pa nagsisink in sakin ang lahat, though naiyak ko na yata lahat ng tubig sa katawan ko..." Saglit na tumigil si Mariz para punasan ang kanyang mga luha. "Mazon needs me. I need to be strong for Mazon. Kenzo... I've always been thankful that I have him but it's just now that I realized how really lucky I am to have him by my side."



"He keeps you stabilized," nakangiting sabi ni Yuan na sinangayunan din ni Mariz.



"But, you're my life support. Please, dont die."



"Kakatahan mo lang ano ba?" biro ni Yuan ng magsimula nanamang umiyak ang kaibigan. Tutulungan niya sana itong punasan ang pisngi pero agad itong umiwas.



"Eww, no. Puro dugo ka kaya!" pabirong pagsusungit ni Mariz sa kaibigan.



"Gaga, kakayakap mo nga lang sakin," ganti ni Yuan at nagtawanan sila.



"Do you know how scared I was when I saw Joy earlier? What if I was Cel? What if Joy was you? Damn, Yuan, susunod ako agad!"



"Tanga ka ba? Pano si Mazon at si Kenzo?"



2025Onde histórias criam vida. Descubra agora