CHAPTER 9🌿✨ -Treasure

Start from the beginning
                                    

"Bye Keia! See you around." sabi ko sabay mahinang tawa habang paalis siya.

Feeling ko nagchampion ulit ako dun ah.

Nang makalayo na si Keia ay muli na akong humarap kay Erik.

All smiles ko siyang tiningnan bago iniabot pabalik sa kanya ang bulaklak at nagsalita.

"Tara na, 'Erik'" sabi ko na ginagaya ang tono ng maarteng pagbigkas ni Keia sa pangalan niya.

"Tsh, simpleng Erik lang hindi pa mabigkas nang maayos." bulong ko pa sa sarili ko.

Dahil doon ay malakas naman siyang tumawa pagkatalikod ko dahilan para lingunin ko siya ulit. "Wag kang tumawa hindi ako natutuwa sayo."

Pero imbes na tumigil ay tumawa pa rin siya at inakbayan ako habang naglalakad kami patungong parking lot.

"Ako, tuwang tuwa Love. Ang galing mo dun." tumatawa pa ring sabi niya.

Hinampas ko naman siya sa braso. Sayang saya pa rin siya oh.

"Kainis. Para kanino ba kasi yang bulaklak na yan ha? Ipapahamak mo pa ako e. Yung totoo Erik, magtatayo ka ng flowershop?"

"Syempre para kanino pa ba, edi malamang sayo." natatawang sabi niya. Ay para sa akin ba? Sorry naman. "Pero Love ang bilis mo dun ah. Parang pwede ka nang mag artista. Talino." maloko namang sabi niya.

I rolled my eyes. Duuuuh, magaling kaya akong mag inarte kay Mama Bob bata pa lang ako.

"Duuuh syempre naman. Ako pa ba magpapatalo. Hah, Erik never. Never. Wag ako." confident na sabi ko.

"Kaya mahal na mahal na mahal kita, that's my girl." sabi niya bago ako hinalikan sa pisngi at ginulo ang buhok.

Yes, I'm definitely his girl.
-----------------------------
PAGKADATING na pagkadating namin sa party ni Ate Vice sa isang bar ay kaagad kaming sinalubong ng mga kaibigan namin na nandoon din sa party.

Nandoon halos lahat ng mga artistang kaibigan at katrababo naming dalawa ni Pogs. Ganoon kasi kalawak ang mga kaibigan at mga kakilala niya kaya halos lahat ng katrabaho namin ay nandito din.

Sayang nga lang at wala si Yenggay ngayon dahil nagbakasyon siya kasama ang asawa niya sa ibang bansa.

Nagparty lang kami nang nagparty. We literally enjoyed the night. Hindi naman ako sobrang mahilig sa mga ganitong party pero nag eenjoy naman ako.

Kaunting usap kasama ang mga kakilala at kaibigan. Ganoon talaga, syempre buhay showbiz.

"Oh Ge, bakit naman nakaupo ka lang diyan? Ubos na ba ang energy?" napalis naman ang pagtitig ko sa mga nagsasayawang mga tao sa dance floor nang biglang dumating si Ate Cynthia. Iniabot niya sa akin ang isang glass ng wine bago umupo sa kaharap ko na couch.

"Nagrerecharge lang Ate. Napagod akong makipagchikahan e." sabi ko naman at uminom nang kaunti mula sa baso.

"Uhuhm. Tama yan, magrecharge ka talaga kasi mukhang may ihahatid ka pa pauwi mamaya. Kaya hinay lang sa pag inom." sabi naman ni Sir Erickson, ang manager namin ni Erik.

Natawa naman ako at napailing. Mukha nga. Inilapag ko ang baso sa lamesa bago ko iniikot ang paningin ko.

Nasaan nanaman kaya yun?

"Ate Cynthia nasaan na nga pala si Erik?" tanong ko naman. Kanina ko pa nga siya hindi nakikita. Nasaan na nga kaya yun?

"Sus nandiyan lang yan sa paligid. Huwag mo din muna masyadong alalahanin yun. Malaki na yun."

"Eto naman, masyadong natataranta kapag nawawala sa paningin niya ang Pogs niya." dagdag pa ni Ate Cynthia bago sila tumawa.

Ako nanaman ang napagtripan nila.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now