CHAPTER 9🌿✨ -Treasure

Start from the beginning
                                    

Itetext ko na rin sana ulit si Pogs nang matigilan ako nang makarinig ako ng pamilyar na tawa sa hallway pagliko ko.

Pagkaliko ko pa lang ay nakumpirma ko na nga agad ang hinala ko. Tama nga, tawa pa lang niya alam na alam ko na.

Tumaas ang kilay ko nang wala sa oras. Anong meron? Bakit sila magkasama?

"Oh Angeline, you're here din pala! Hello!" bati sa akin Kei at bumeso pa pero nanatili lang akong nakatingin kay Pogs na nakatingin din sa akin na parang sinasabi na agad na 'let me explain'.

"Magkasama kayo?" kaswal namang tanong ko kay Kei.

Kalmado pa ako pero naiinis na din ako. Kalma lang Ge, masamang manakit ng hayop. Dog lover ka nga diba?

Anong meron, nagbonding sila? May field trip ba sila na hindi ko alam?

"Ah yeah, *chuckles* kasi galing akong flower shop. I was also buying some for Ate Cynthia kasi. Then ayun, accidentally nakita ko si Erik doon, he's also buying flowers. So ayun, sumabay na ako sa kanya papunta dito. Wala kasi akong dalang car e." masayang sabi naman ni Kei

Tsh, wala ba siyang pang-taxi o Grab para makisabay pa siya?

Napatingin naman ulit ako sa dalang bulaklak ni Erik. Isang bouquet ng red roses.

"Ah, I see." nakangiti ko ring tugon sa kanya bago ibinalik ang tingin ko kay Pogs na parang kabadong-kabado na.

"Nagulat nga ako nung makita ko siya doon. Imagine, isang Erik Santos mukhang may gusto yatang ligawan." panunundyong sabi pa ni Kei

I smirked habang nakatingin kay Pogs. Mukhang kinakabahan talaga siya. Hmmmn.

"Ay weh? May pinopormahan ka na nga ba, Pogs? Parang wala ka naman yatang nababanggit sa akin." makahulugang sabi ko.

He looked at me intently. Parang sinasabi niya na 'ano bang ginagawa mo Ge?' pero I just ignored him and looked at Kei.

"Oo nga naman Erik. Sino bang pinopormahan mo? Para kanino din ba yang flowers na yan, we wanted to know."

"Uhmmm... kasi ano... Lov---" sabi naman ni Erik habang akmang iaabot sa akin ang bulaklak pero bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay inunahan ko na siya.

"Ah eto ba, ah sa 'kin 'to. Diba Pogs?" sabi ko naman at kinuha yung bulaklak sa kamay ni Erik.

I saw how much shock is written on Kei's face.

"Ang ganda, thank you Pogs! I love it, kaya sayo ako eh!" sabi ko pa sabay kindat at kunyaring sinipat ang bulaklak.

"I-is that for you?" takang tanong naman ni Keia.

I nodded. "Hmmmn. Diba Pogs?" tanong ko ulit dahilan para mapatingin muli si Kei sa kanya.

"A-ah, yes. It's really hers." sagot naman ni Erik habang tensyonado pero matamis na nakangiti sa akin.

"H-Ha, but I thought..." di ko nanaman pinatapos si Kei dahil nagsalita na ulit ako.

Shookt ka ghourl?

Nginitian ko siya.

"Sa akin 'to kasi pinabili ko 'to sa kanya. Birthday kasi ni Ate Vice at pupunta kami sa party kaya nagpabili ako ng bulaklak. Magkano nga 'to Pogs?" sabi ko naman at inilabas ang wallet ko.

Doon naman ay halos mapanganga silang pareho sa sinabi ko... Lalong lalo na ang mahal kong si Erik Santos. See?

"Ah haha, I see. I thought... Ah never mind." medyo tensed din na sabi ni Kei "Uhm so paano, I'll better go now. Mag iingat kayo. Bye Angeline, bye Erik see you around." sabi niya sa amin at muling tumingin kay Erik bago nagsimulang maglakad na palayo.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now