CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have

Start from the beginning
                                    

"Ay teka ha, pati ba naman ikaw ganyan ang iniisip sa akin?"

Nasaktan ako.

Palagi akong nakakarinig mula sa ibang tao ng komento tungkol sa pananamit ko. Pati ba naman sa kanya ganito ang maririnig ko?

Of all the people na akala ko ay naappreciate ako.

"Intindihin mo kasi ang rason ko Love. Hindi ko gusto na binabastos ka ng mga tao kaya manamit ka nang maayos." medyo mahinahong sabi niya.

"Eh bakit maayos naman ang dami ko ah." pagdadahilan ko

"Akala mo lang para sayo, pero sa paningin nila hindi maayos yun."

"Oh edi problema na nila yun." naiiritang sagot ko.

"Aish, ingatan mo naman ang sarili mo, ano ba Angeline?!"

"Alam mo ang OA mo, lahat na lang ng isinusuot ko pinoproblema mo. Pero pag ibang babae yan kung makatingin ka wagas."

"Oh bakit biglang ako naman? Kailan naman ako tumingin sa ibang babae ha?"

"Ewan ko sayo, bahala ka sa buhay mo!"

----END OF FLASHBACK----

Nakakaloka. Oo, damit ko lang ang pinag-awayan naming dalawa.

Madalas talaga naming pag-awayan ang suot ko. Actually, palagi siyang ganoon.

Madalas ay nagtatalo kami sa tuwing may event ako at masyadong revealing ang suot ko.

Hindi man halata ay conservative si Erik lalo na pagdating sa akin.

Kaya nga sa tuwing may event ako ay hindi pwedeng hindi ko ipapacheck ang susuotin ko sa kanya bago ko gamitin. Nagkataon lang talaga kahapon na biglaan ang show ko kaya hindi ko na naitanong sa kanya.

Minsan nga feeling ko siya ang stylist ko. Kaya naman kapag hindi approve sa kanya, hindi pwedeng suotin at kailangang maghanap ng iba.

Pero sa totoo lang naiintindihan ko siya. Alam ko naman na nag-aalala lang siya. Si Erik yung tipo ng tao na mas pinapahalagahan ang pagkatao mo kaysa sa panlabas na itsura. Isa yan sa mga masasabi kong dahilan kung bakit ako noon nagkagusto sa kanya.

Nasanay na ako ganoong eksena, ewan, siguro lang noong nakaraan ay pagod ako at naramdaman ko lang na parang naging OA na siya.

Pero ngayon ay naiinis na rin ako. E kasi naman, hindi niya talaga ako sinundan?!

Grabe, nadisappoint ako sis.

Buong akala ko ay susundan niya ako. Alam mo yun, kagaya nung mga nasa teleserye.

Yung kapag nagalit si girl susunod si boy tapos mag iiyakan sila at magmomoment?

Ganon. Ganon ang nasa isip ko pero wala. Ni usok ng sasakyan ni Erik wala akong nalanghap sa kalsada nakauwi na ako at lahat.

Sabagay, wala nga pala siyang dalang kotse. Ang sabi ni Ate Irene ay ihinatid daw si Erik ng driver niya sa bahay kanina.

Siguro ay pagod na nga siya para magdrive pa.

Mainit ang ulo ko na ipinark ang kotse ko sa garahe at sandali kong sinilip ang loob ng bahay bago ako tuluyang pumasok.

Okay sige na, titigilan ko na pag-iinarte ko makikipag-usap na ako sa kanya.

Inaakala ko na nandoon pa rin siya. Ganoon kasi siya sa tuwing nag aaway kaming dalawa.

Nasanay na nga si Ate Irene na sa tuwing nag-aaway kaming dalawa ay maaabutan niya si Erik na naghihintay lang sa sala.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now