CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have

Bắt đầu từ đầu
                                    

----FLASHBACK----

🗾:Event sa isang Casino sa Tagaytay

"Salamat po Ma'am Angeline, mag iingat po kayo sa byahe." sabi ng guwardiya ng casino na pinagperform-an ko.

"Maraming salamat din po ulit!" ganting bati ko naman bago ako sumakay ng sasakyan ko.

Haaaay isang araw nanaman ng trabaho ang natapos. Salamat naman.

Nang umandar na ang sasakyan ay naisipan ko nang tingnan ang cellphone.

Pagkabukas ko palang ay kumunot na ang noo ko nang makita ko ang mga tawag at texts ni Erik.

235 text messages

157 missed calls

Anong nangyari?

Dahil sa kinabahan na rin ako ay napagpasyahan ko na tawagan na lang siya.

*Calling Love*

Wala pang tatlong ring ay sinagot niya na kaagad.

"Hello Love, anong nangyari, may problema ba?" kaagad kong tanong

Sandaling walang sumagot sa kabilang linya hanggang sa nagsalita na siya.

"Meron, ikaw."

Ano daw?!

"Ako?" itinuro ko pa ang sarili ko na para bang kaharap ko lang siya ngayon "Teka teka ano bang pinagsasabi mo? Anong problema sa akin?"

"Nagtatanong ka pa."

"Aba syempre magtatanong ako kasi hindi ko alam diba? Para kang sira alam mo yun? Ano nga kasing problema?"

Narinig kong bumuntong hininga siya

"Bakit ba kasi ganyan ang suot mo?!" halos pasigaw niyang sabi.

Ha?

Tiningnan ko ang suot ko.

"Bakit? Wala namang problema ah. Anong mali sa suot ko?" sabi ko naman

Nakasuot ako ng red na lace dress na above the knee na may nakapatong na coat.

Anong problema e balot na balot na nga ako.

May konting padibdib lang kasi syempre hindi naman mawawala yun pero, ano bang problema niya?

"Anong walang problema? Hindi ba mali yan? Bakit napakaiksi niyan? Kaunting galaw mo lang tumataas na. Sino bang nagpasuot sayo niyan ha?!"

"Wala, ako lang ang pumili. Hindi naman masagwa ah. Ang simple na nga ng suot ko oh."

Tsaka paano niya ba nalaman?

"Pinanood kita kanina sa live ni Ate Irene. Kitang kita ko kung paano ka titigan ng mga lalaki doon." sabi niya

I rolled my eyes

"Oh eh natural nagpeperform ako. Anong gusto mong gawin nila aber?"

I heard him groan in disbelief. "Ugh di mo talaga ako naiintindihan."

"Ay alam mo rin? Oo hindi talaga kita maintindihan. Para kang laging bago nang bago."

"Ang sinasabi ko lang naman, marami namang pwedeng ibang suotin. Hindi mo kailangang magpakita ng katawan."

Nainis naman ako lalo sa sinabi niya.

Talaga bang sinasabi niya na nagsshow-off ako?

Secrets Beyond the StarsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ