CHAPTER 33

362 10 0
                                    

                  *Ethan's PoV*

"DWIGHT!" Malakas na tawag ko sa pangalan ng gago kong pinsan na naka-parada ang kotse at ang isang case ng beer nito sa tapat ng mansyon. Habang sya naman, ay parang gagong naka-tanaw sa harap msmo ng mansyon...

Malayo palang kasi ang kotse ko sa mansyon, ay napansin ko na agad  ang ang kotse ni Dwight na naka-hinto sa labas ng gate  at may case ng beer na naka-lapag doon. Nang makita ko ng malapitan  ay nakita ko siyang  naka-sandal sa gilid ng kotse nya at may hawak na isang bote ng beer. Kaya yon , naiisipan kong ihinto ang makina ng sasakayan ko't bumaba na para kunin ang atensyon nya na, nagawa ko naman.

Kunot noong napa-lingon ito saglit sa direksyon ko , maya't maya ay itinuon na nito ang tingin sa hawak nyang beer at itinugga ito. Matapos nya namang tunggain ang beer, ay matalim naman nya akong tinitigan. Nagtagis ang mga bagang ko't napa-kuyom ng palad .

"Sige lang titig kapa, dahil bubulagta kang gago ka!" Sabi ko sa isip at hakbang papalapit sa kanya.

"Anung trip mo sa buhay at dyan mo naisipang iparada yang kotse mo 't yang isang case ng beer ?! Dto pa talaga sa labas ha Dwight?! Really?! Wala ka bang balak ipasok yang kotse at beer mo sa loob at dun ituloy ang paglaklak sa mga beer mo nayan?!" Habang niraratsyada ko sya ng mga tanong ay, pabilis ng pabilis naman ang hakbang ko papalapit sa kanya.

"Pang ilang bote na ba yang nainom mo ha?!" Inis na turo ko pa sa bote ng beer na hawak nya ngayon.

"Tsk!" Yan lang ang tanging naisagot ng gago kong pinansan at tumangga ulet.

"Kupal ka talaga Dwight. Tignan ko lang kong di maapektuhan sa sasabihin ko sa ngayong kupal ka!"

"Hanggang kailan mo balak iwasan si Barbie ha?! Akala mo siguro hindi namin alam ang mga ka-gaguhang pinag-gagagawa mo sa kanya! TANG INA KA DWIGHT!" Bago pa man ito maka-sagot ay tumama na ang kamao ko sa kanya. Nabitawan nito ang hawak na beer at nabasag. Napasadsad din ito sa gilid, dahil sa lakas ng impact ng pagkaka-suntok ko sa kanya.

"F*CK!" Mura nyang sabi at pagkatapos ay pinunasan nya ang gilid ng labi nya na may dugo.

Hindi pa ako nakuntento't  linapitan at pinitseran ko pa ito.

"TANG INA MO! ANONG KLASE KANG FIANCEE AT KING OF BC! IKAW PA NAMAN ANG RANK 1 SA GRUPO , PERO IKAW ITONG WALANG UTAK! NASAN BA ANG UTAK MO, NASA BABA?! NAPAKA-WALANG KWENTA MO TALAGA GAGO KA!" Halos alugin ako sa galit na nararamdaman ko habang sinasabi ang mga salitang yon sa harapan nya. Matapos ko naman yong sabihin , ay itunulak nya ako at lumayo saken habang naka-hawak pa sa labi nya na pumutok.

"Minsan napapa-isip talaga ako, na kung bakit  sayo pa ipinag-katiwala ni lolo anak ni propesor M. Imbes na dapat ina-alagan at preno-protektahan mo sya ngayon, ay maslalo mo lang syang inilalagay sa kapahamakan! Para malaman mo Dwight at ng magising ka sa katotohanan, responsibilidad mo si Barbie kaya kahit anong mangyari hindi mo dapat sya pinapa-bayaan. Alam mo dapat ang mga nangyayari sa kanya! Ito para alam mo at makalog yang utak mo! Marami ng mga ispiya ang ipinadala ng Dark Knights para manmanan si Barbie.  Napansin namin yon nina Spade , nung mga araw na hindi ka umuuwi ng mansyon. Kahit saan lang sila uma-aligid-aligid. Kaya nung mga araw na wala ka sa tabi nya, ay to do bantay kami sa kanya. 24 hours walang palya. Hindi lang masyadong napapansin ni Barbie dahil palagi syang nag-kukulong sa kanyang kwarto. Lumalabas lang sya pagpumapasok sa skwela. Buti nga ngayon  ay kinaka-usap na nya kami at nakakapag-aliw-aliw narin sya ngayon.

"Alam mo rin ba na nang dahil sayo ay nagka-lagnat si Barbie? Tsk! Bakit ko pa nga ba sinasabi ang lahat ng ito  eh, wala kanaman yatang paki-alam sa kanya. Nag-send ka pa nga ng picture message sa kanya, kasama yong pokpok na Sidney na yun!" Pagkasabi ko yon sa kanya ay kunot noong napa-baling lang ito saken na mas lalong ikina-init ng noo ko.

"F*CK YOU KA DWIGHT! PARA ANO HA?! AISSHH...S-SHIT!" Ginulo ko pa ang buhok ko dahil sa inis.

"Think before u click Dwight. Hindi mo ba na factor out ang iisipin nya at reaksyon nya sa ginawa mo ha?!" Gigil kong sabi. Matapos yon binagyan naman nya ako ng Isang nakaka-lokong ngiti.

"Tsk! Ako naman ang mag-tatanong sayo insan, bakit ka ba masyadong affected sa kong ano ang nararamdaman ni Barbie?"

"Are you in love with her? Inlove ka ba sa fiancée ng pinsan mo??! Mahal mo ba ang taong mahal ko ha Ethan?!" May diin ang bawat salita na binibitawan nito at tila nag-aapoy ang mga nito na naka-tingin saken.

"Bakit hindi ka maka-sagot?! Usapang lalaki sa lalaki Ethan. Inuulet ko, are you in—" Hindi ko na pinatapos si Dwight sa kamyang sinasabi dahil deritsahan at buong tapang kong sinagot ang tanong nya na nagpa-bato sa kinatatayuan nya.

"YES!"

        —A moment silence—

"Mahal ko ang fiancee mo, and I will make her fall for me." Pambabasag ko pa sa katahimikan.

"Hindi ako katulad mo na , inayawan ka lang ay umayaw kana rin. "

"Alam mo Dwight, ang pag-ibig para lang yang patimpalak. Paano mo maipapanalo ang Laban, kung sa umpisa palang ay sumusuko kana agad. Kaya kong ako sayo, habang may oras kapang natitira para ipanalo
ang laban. Kumilos ka na , dahil baka maipanalo pa ng iba at sa bandang huli ay pagsisihan mo pa" Pagkatapos kung sabihin yon lay Dwight ay agad na tinalikuran ko na sya, para kunin ang kotse ko na naka-park din sa gilid para igarahe na't mapuntahan na si Barbie sa loob. Baka malagot  na naman  ako sa kanya dahil sa tagal kong bumalik.

To be continued..

PS expect typos & errors
I'm not a professional writer

Vote , comment, share...

~kamsa


Living, In The Arms Of My Demon KingWhere stories live. Discover now