CHAPTER 13

496 13 0
                                    

                *Author's PoV*

Nasa kanyang sariling kwarto si Dwight at nagmamadali itong magayos ng kanyang gamit para makaalis agad ng mansion.
Ayaw nya kasing maabutan sya ni Barbie na nandidito sya sa mansyon, lalong-lalo na sa kalagayan nya ngayon. May mga pasa't galos kasi ito sa mukha at maging sa ibang parte ng katawan nito dahil sa maiging pagsasanay.

Ilang linggo na rin kasing hindi nakikita ni Dwight si Barbie.
Miss na miss na kasi nya ito, kaya napagdesisyonan nyang umuwi muna ng mansyon para masulyapan ang mukha ng dalaga at para na rin kumuha ng gamit. Pero ang hindi alam ni Dwight, na sa pagmamadali nyang iyon ay naunahan na pala sya ni Barbie na makapasok sa kanyang sasakyan...

Madaling araw kasi ng dumating si Dwight ng mansyon at sa mga oras na yon ay gising na ang diwa ni Barbie.
Paikot-ikot lang ang dalaga sa loob ng kwarto nito na parang di mapakali. Hindi kasi sya makatulog ng maayos dahil sa dami ng iniisip nito. Nang makaramdam sya ng uhaw ay lumapit sya sa may pinto para lumubas at kumuha ng maiinom. Hindi pa nga nahahawakan ng dalaga ang siradora ng mapansin nyang parang gumalaw umano ito kaya agad na kumaripas sya ng takbo pabalik sa kanyang higaan at nagkunwaring natutulog.

Pagkabukas ng pinto ng kwarto, ay agad na tumambad kay Dwight ang mahimbing na tutulog na si Barbie.
Lumapit sya sa kama at tinitigan ang mukha ng dalaga. Hindi mapigilan ni Dwight na mapa-ngiti ng makita nya ng malapitan ang mala angel nitong mukha pagtulog. Para kasi itong tigre paggising. Mabangis!

-Nang mapansin ni Barbie na parang may humahaplos sa mukha niya, ay imumulat na sana nya ang kanyang mga mata, nang bigla nalang may dumampi ng halik sa mga labi nya.
Hindi pa nga nya na imumulat ang kanyang mga mata, ay alam na nyang si Dwight ang humalik sa kanya dahil sa nalasan nito ang mala menthol nitong labi. Matapos ang halik na iyon, ay bumulong naman ito sa tenga nya. Pagkatapos nun ay pinakiramdaman nya muna ng mabuti ang pag-alis ni Dwight sa tabi nya. Nang marinig nya ang pagsara ng pinto, ay agad na bumagon sya sa kanyang pagkaka-higa para sundan umano si Dwight...

Dahan-dahang pinihit ni Barbie ang door knob at pagkatapos nun ay sumilip sya sa labas para tignan si Dwight at nang makita nyang pumasok ito sa kabaling kwarto nito ay kagat labi syang napa-ngiti. Mas lumawak pa ang ngiti nito at napa-bulong pa ito ng yes at napa-aja ng mapansin nyang wala ang mga bodyguards nya labas ng pinto. Kadalasan kasi pag-pumapasok sya sa kwarto nya ay parating nasa labas ng gilid ng pinto ang mga bodyguards nya upang bantay sya. Kaya ganito nalang ang galak nya ng pamansin na wala ang mga bodyguard nya para bantayan sya . Kaya walang atubilung nagmadali syang bumaba at sa pagbaba nyang yon, ay dun! Nakita nya ang mga bodyguard nya at ang mga maids na umaaligid-aligid at pakalat-kalat. Dahil sa wala man lang nakakita at nakapansin sa kanyang pagbaba, ay agad na nakalabas sya ng wala manlang kahirap-hirap...

Sa paglabas niyang yon, ay agad nyang natanaw ang kotse ni Dwight at mas kapansin-pansin dun ay bukas umano ang pinto ng kotse nito. Kaya agad na kumaripas sya ng takbo papunta sa loob ng kotse.
Nang maka-pasok na sya sa loob , ay naglulusot naman sya papunta sa may backseat . Ulo pa nga lang nya ang naiilusot ay agad na hagip nya sa peripheral vision nya si Dwight. Napatigil sya saglit at tumingin sa binta. Nakita nya si Dwight na may bitbit na bag at nakayukong naglalakad papalapit sa kotse nito. Napa-tambling tuloy sya ng wala sa oras sa pagmamadaling hindi maabutan ni Dwight. Nagyuyuko pa sya't nagsisik sa ilalim para lang hindi sya makita umano nito. Para syang pusa na nagtatago sa ilalim sa takot na mahuli ng kanyang amo.

Timing rin lang nang makatago na ito ay sya namang pagpasok ni Dwight sa kotse. Pinakiramdaman ni Barbie ang sasakyan, nang marinig nya ang tunog ng pagsara ng pinto ay dun na sya pinag-pawisan ng malagkit . Pero agad din namang napawi ng maramdaman nyang ini-start na ni Dwight ang engine para paandarin ito. Isang ngiti ang gumihit sa mga labi ni Barbie. Ngiting tagumpay kong baga...

To be continued...

Living, In The Arms Of My Demon KingWhere stories live. Discover now