CHAPTER 12

505 13 1
                                    


                     *Barbie's PoV*

"BWESIT!  Akala siguro ni Dwight na hindi ko tutuhanin ang banta ko sa kanya na magpapakamatay talaga ako pag-hindi pa siya umuwi dito. Hindi rin kasi aalis itong moron 5 na ito hangga't hindi pa sya umuwi. Syete lang ! Patawag-tawag pa ako kanina eh, wala naman akong napala! Ako pa tuoy ang napahiya! Mwesit! mwesit!" Ngitngit ko habang binuksan ang pinto ng aking kwarto.

Nang mabuksan ko na ang pinto ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at humarap sa moron 5. Tininignan ko sila mula ulo hanggang paa .

"Ano?! Wag nyong sabihing pati dito sa loob ay susunod kayo?! Matutulog na ako kaya bad night! " Badtrip kong sabi sa moron five at padabog ko silang pinagsarhan ng pinto.

                *BLAAG!*

"AARRGGHH..!!! Buwesit! Mababaliw ako dito!!!" Umalingaw-ngaw na sigaw ko  ng sumalampak sa kama.

Dwight, you have no idea how much you ruined my life. You don't...

Hindi ko talaga maintindihan kong bakit ba talaga ako nandito sa mansyon ng mga Mariano. Na kong bakit ganito nalang kahigpit sa akin si Dwight. Ni hindi ko nga sila ka anu-ano...

-Si Dwight. Aksidente lang ba talaga ang pagtatagpo naming dalawa? O planado lang talaga nila ito lahat para mapunta ako sa poder nila. Una sa cafeteria, nung nabangga ko sya at nabuhusan ko ng juice ang polo shirt nya dahil sa may pumatid sa paa ko. Yun yong unang pagtatagpo ng mga landas naming dalawa. Pangalawa sa bar, yong muntik na akong tangayin ng damuhong mukang paa at kong hindi pa dumating si Dwight para tulungan ako, baka nawala na ang virginity ko sa mga oras na yon at panghuli, sa condo niya.Yun yong araw na hinding-hindi ko basta makakakimutan, dahil yun yung araw na kong bakit ako napunta dito sa mansiyon nila dahil sa pagsisinungaling ni Dwight na buntis daw ako at sya ama tapos ako wala man lang nagawa para ipagtanggol ko ang sarili ko sa mga kasinungalungan ng bakulaw na yon! Lutang ang diwa ko. Hindi ma-sink in sink in sa utak ko ,  Grrr...!

Si daddy, kaya ba hindi sya nagalit ng sabihin ni Dwight na nabuntis nya ako dahil parte iyon ng plano nila. Hindi ako bobo para hindi malaman ang plano nila. Pero bakit?? Bakit gingawa nila ito sa akin???
Ito ang malaking katanungan na bumubuo sa isipan ko...

Totoo kayang fiancée ko si Dwight?
Yung K of A Ceremony na ginanap at  bloody bloody promises naming dalawa para saan yon? Bakit may ganoon? Imbes na mag-thumb mark kami sa pagpirma , hand print na may dugo namin ang kinailangan at ginamit. Nakakakilabot ! Bakit may ganito? Bakit nangyayari to saken?
At ito pa yong pinaka- worst! Nung nagtungo ako sa office room ng daddy ni Dwight dahil nandun si Dwight. Asar na asar ako nung time na yon dahil hindi nya ako sinalihuhan sa pagkain kaya nag emote ako at pinuntahan ko sya, kakatukin ko na sana ang pinto nang bigla akong tumigil dahil sa narinig kong pinag-uusapan ako nila Dwight at Mr. Jones. Na nasa paligid lang daw ang mga kalaban at kahit anong oras ay pwede silang salakayin at kunin daw ako. Kaya nung matapos ko yong marinig ay umalis na ako at nagtungo sa aking kwarto't nagkulong para makapag-muni-muni...

Di kaya isa syang Dark Knight?
Wag naman sana. Dahil pagnangyari yon, ay ituturing ko talaga syang isang  matinding kaaway at baka mapatay ko pa sya kong nagkataon. Pero hindi ko kayang pumatay ng tao. Ang kaya ko lang ay manakit ng tao. Dahil pagginawa ko yon, para narin akong katulad ng mga Dark Knights na walang kasing sama! Kumikitil ng buhay ng tao para lang sa isang layunin...

Mata sa mata ...

Ngipin sa ngipin ...

Mga kampon sila ng demonyo!!!

Ang "Aisis" Sila ang nagturo sa akin kong paano maging malakas at matapang. Faint hearted daw ako dati nung una nila akong makilala, kaya may isang parte ng memorya ko na binura nila dahil daw ito ang nagpapahina sa akin. Laking pasasalamat ko noon nung naging parte ako ng grupo nila. Pero dahil na rin sa hindi ko na kinaya ang mga ipinapagawa nila saken ay umalis na ako sa grupo nila. Ito mga bagay na pilit kong itinago at ibinaon ko na sa limot para mamuhay ako ng normal. Pero bakit ngayon ay naungkit na naman. Hinahabol at hinahabol parin ako ng mga nakaraan ko...

" Si Daddy. Ano kaya ang koneksyon nya sa mga Mariano?
Nasaan na kaya sya ngayon?
Bakit Simula ng napunta ako dito sa mansiyon ng mga Mariano ay hindi manlang niya akong magawang bisitahin dito o tumawag manlang? " isang malalim na buntong hininga ang ginawa ako't umidlip nalang. Nakakapod mag-isip at mag-puzzle ng mga bagay-bagay na mahirap buuin kong hindi mo naman ito aalamin....

To be continued...

A/N: Thanks 4 reading!

Vote, comment, share are highly appreciated!

~kamsa-


Living, In The Arms Of My Demon KingWhere stories live. Discover now