Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya, nakangiti akong tiningnan so sir Poul.

Sinasabi kuna nga ba lasing lang siya ng sabihin niya sa akin na gusto niya akong ligawan noon pa.

"Yan din po ang iniisip ko sir Poul, nagulat talaga ako sa sinabi mo sakin kagabi, na hindi totoo yung pinagsasabi mo sa akin kagabi"nakangiti kung salita kay sir, mabigat itong huminga at tumingin saglit sa akin at saka napa-iwas at binalik sa daan ang mga mata, ngumiti ito at huminga ulit ng malalim.

"I t-thought y-your mad at me, hindi mo kasi ako gaano pinapansin"sumulyap ulit so sir Poul ulit sa akin at ngumiti, ganun din ang ginawa ko saka niya binalik ang tingin sa daan.

"Ehmm"rinig kung tumukhim si George sa likod at mahina pa itong napasipol-sipol kaya napalingon ako sa backseat, nakangisi parin ito ng malapad habang busy kakalaro sa cellphone ko ng World Domination, kunot noo ko siyang tiningnan dahil kanina pa ako naguguluhan sa ngisi ng kapatid.

"Grace saang street ng Gonzalez mansion?"tanong ni sir Poul sa akin nasa tapat na kami ng malaking gate ng Gonzalez Subdivision, huminto ang kotse ganun din ang dalawang Van sa likod ng kotse ni sir Poul.

"Dyan sa street nayan sir Poul, pagpasok natin sa gate nito, straight to the left at may nakikita tayong malaking mansion sa ikalawang mansion sa right side doon ako nagtatrabaho"turo ko sa left side ng street, nakahito parin kami dahil e cheneck pa kami ng mga security guard.

Binuksan ni sir Poul ang bintana ng kotse niya at nakipag-usap kay kuya Edo at manong Garry.

"Pasensya na ho sir, hindi po kayo pwedeng pumasok kapag wala kang permit at wala ding resedenteng nagbilin na magpapasok ng bisita, maliban nalang kung may kilala kayong patunay na dito nakatira ay baka makakapasok kayo dito, yun kung meron"paliwanag ni Manong Garry kay sir.

"Eh sir itong kasama ko...."bago pa natapos si sir Poul sa sasabihin niya ng mag react si kuya Edo kaagad nf makita ako, kumaway ako kay kuya Edo habang nakangiti sa kanya.

Nakita ko naman na nagkulay puti ang mukha ni kuya Edo na kinataka ko, tinapik-tapik niya si manong Garry na nakatulala din nang makita ako.

"M-ma'am...... pasensya napo, segi po pasok napo kayo dito"utal na tanging salita ni Manong Garry na namumuti din ang mukha na kiankaba ko, anong nangyari?

At sabay sabay nilang binuksan ang gate para makapasok kami.

"Huh? Akala ko ba bawal dahil......?"takang bulong ni sir Poul, nakita kupa ang pamumutla ng dalawang security guard ng gate na sobrang kinataka ko.

Napakamot nalang ng ulo so sir Poul dahil bakas sa mukha niya na naguguluhan din.

Napangiti naman ako ng matanaw ko ang mansion ng mga Gonzalez.

Namimiss kuna kasi ang anak ko....natigilan namann.

Teka.. anak ko?....

Napangiti ulit ako.

Namimiss kuna ang anak ko, segurado akong nagwawala ito kahapon ng malaman niyang wala ako sa bahay.

Sana sa bata nalang ako nag-paalam kahapon, bak tama ang hinala ko na nagwawala ito dahil sa wala ako, baka iniisip na Naman nito na iiwan ko sila.

Napa-iling naman ako ng di oras, na kinataka ni George at sir Poul.

"Ate?/ Grace?"sabay nilang tanong sa akin, natawa naman ako at ngumiti.

"Wala"nakangiti kung sagot.

Huminto ang kotse ni sir Poul sa tapat ng mansion ng mga Gonzalez, nagpito ng tatlong beses si sir Poul at saka hinarap ako.

Wanted Wife Donde viven las historias. Descúbrelo ahora