Episode 10 " She's Back?"

6.4K 215 16
                                    

[Ivan POV]

"Daddy kailan uuwi si mommy?"tanong sa akin ng anak ko.

Napahinga ako ng malalim sa tanong ng anak ko, anong isasagot ko?

"Dong Matt halika muna dito may ipapakita si LolaYa sayo  come here"napahinga ako ng maluwag ng tawagin ito ni Nanay Cholling, thanks to Nanay Cholling kasi ayokog sagutin ang tanong ng anak ko, sasakit ang ulo ko dahil di ko alam ang isasagot.

"Okay! I'm coming LolaYa"malumanay na sagot ng anak ko at pumunta sa kusina.

Si Nanay Cholling ay yaya ko noong bata pa lang ako, at ngayon ang anak ko naman ang inaagalagaan niya, siya na rin ang tinuturing kung pangalawang ina since birth siya na ang nag-aalaga sa akin, itinuring ko siya tunay na ina, yung mother ko kasi simula nong mag fifteen years old ako ay one week kulang makasama yun after 4 years dahil doon sila sa France nanatili ng ilang taon.

Inaamin ko maraming pagkukulang sa akin ang mga magulang ko lalo na si daddy Alfonzo isang beses ko siyang makasama twing mag bakasyon sila dito sa Pilipinas, kahit one week sila ma bakasyon dito sa Pilipinas ay busy parin sa business niya, busy sa mga old friend niya dito sa Pilipinas samamtalang di nila ako binigyan ng time para maka usap manalang, kahit kamustahin lang ako hindi nila ako binigyan ng halaga, dahil puro business ang iniisip sa lahat ng oras.

Si Mommy Shane naman whole day ko siyang kasama at maka bonding pero ni minsan di ko na naramdaman ang pagiging ina niya sa akin, nag bobonding kami pero ang pinag uusapan ay business naman, kinakamusta ang lahat business na minamanage ko.

Hindi naman ako galit sa kanila dahil pinilit kung intindihin ang mga magulang ko, kahit papano magulang kuparin naman sila.

"Dong Matt diba gusto mo matuto kung paano magbake ng cake para sa birthday ng baby robot mo?...."rinig kung pag-uusap ng anak ko at ni Nanay Cholling, nag papaturo kasi itong si Matt mag bake ng cake para sa kanyang paboritong robot na regalo ng mommy niya, bago kami iniwan ng anak ko.

Bumalik ako sa pagtatype ng loptop ko at inaasikaso ang kunting problema sa company ko, may inayos lang ako sa company namin dahil nagkaproblema.

Hindi na ako pumunta sa building ng company ko dahil malakas ang ulan ngayon, at saka wala akong gana pumasok.

Tatlong araw na simula nong na hospital ang anak ko nong inatake siya ng sakit niyang hika, one year old si Matt noon ng malaman namin ni Brilliana na may sakit siyang Hika o yung tinatawag ng doctor na Asthma, kadalasan kapag sobra ang iyak ni  Matt ay doon aatake ang sakit niya.

Noong nandun kami sa office ni Glenn noong isang araw, nong napagmalan ni Matt na mommy niya si Grace Celestine, nakikita kung masaya ang anak ko ng magkita sila ulit, nakita ko kung gaano sumaya ulit ang anak ko nong time nayon, pero nong umalis si Grace dahil may nangyari sa kapatid niya, ay doon na umiyak ng umiyak ang anak ko, kahit anong gawin ko, kahit anong paliwanag ko sa kanya hindi siya nakikinig sa akin, dahil gusto na niya makasama ulit si Brilliana, ilang beses kung pinaliwag sa anak ko na hindi niya mommy ang nakita niya pero kahit anong gawin ko pinagpipilitan niyang si Grace Celestine ang mommy niya.

Huminga ako nang malalim, apat na araw nalang uuwi na dito ang mga magulang ko at hindi ko alam ano ang gagawin ko.

*DingDongDingDong*

Wanted Wife Where stories live. Discover now