Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na dahilan para magsitayuan ang mga buhok sa balat ko.

"A-anong ginagawa mo?"

"Doing my obligation as your husband. You better keep your words, hon. Ayokong niloloko ako." He whispered huskily on my ears. Bago pa ako makapag react ay hinagkan na niya ako sa pisnge at labi.

"Sweet."

Dinilaan nito ang kanyang labi na muntik ng magpakawala ng self respect ko. Bakit ba napaka rupok ko pagdating sa lalaking ito? And why is he such a fine specimen?

Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kusina. Parang ibang Jonas ang nakasama ko kani-kanina lang. Ibang-iba sa Jonas na asawa ko for almost eight years. Iyong lalaking araw-araw ay ipinagtatabuyan at sinusumpa kami dahil sa pagdating namin sa buhay niya.

Ganun na ba talaga niya kami gustong mawala sa buhay niya? Hindi ko na kayang maghintay pa ng isang taon bago kami umalis sa puder niya. I realized that everyday is a wound to my children. Kung maaari ko namang gawin ngayon bakit hindi. Baka kasi pag hinintay ko pa ang next year sirang-sira na ako pati ang mga bata.

Wake up call ko na siguro kagabi. Ipagsigawan ba naman ng asawa mo kung gaano niya pa kamahal ang ex niya.

Ipinasantabi ko muna ang mga hinanakit ko sa buhay at napagdesisyonang akyatan ang dalawa sa kani-kanilang mga kwarto.
Nagtaka ako ng hindi ko madatnan si Janisse sa kwarto niya kaya dumiretso ako sa kwarto ni Jaiden dahil may instances na tumatabi si Janisse sa kuya niya kapag hindi siya nakakatulog.

Sa halip na natutulog na Janisse at Jaiden ang madatnan ko, nadatnan ko ang dalawa na nakakandong sa ama nila.

Parang biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Nakasandal ang dalawa sa dibdib ng ama nila habang nakapikit pa rin ang mga mata nila.

I coughed to get his attention and our eyes met pero iniwas ko rin kaagad 'yon.

"K-kailangan niyo ng pumasok. Ako na ang bahala sa dalawa. Maghanda ka na rin." Malumanay kong sabi dito habang naglalakad papalapit sa kanila.

Bago ko pa makuha si Janisse sa ama nila ay bumukas na ang magaganda nitong pares ng mata. He was beaming at me.

"Good morning, dada. I had a nice dream po. D-daddy carried me po and hug me." Nakangiti niyang kwento sa akin.

No, anak. It's not a dream.

"Good morning din baby. Ang ganda naman ng dream mo. Bakit hindi ka kaya mag good morning kay daddy mo." Sabi ko habang malapad na ngumite.

Nakita ko naman ang pag laki ng mga mata ni Janisse. Nagising din si Jaiden sa ingay.

"Good morning, mama." Ang humihikab na bati nito sa akin.

"Good morning din, kuya."

"D-Daddy! Dada, kuya, si Daddy!" Manghang sigaw ni Janisse sa akin. Napatingala rin si Jaiden sa ama niya. Kahit hindi halata ay napansin ko rin ang pagbabago ng kanyang ekspresyon.

"G-good morning, d-dad." Ang narinig kong sabi ni Jaiden sa ama.

"Good morning, daddy!" Ang masayang bati ni Janisse dito.

Ngumite naman si Jonas sa dalawa at hinagkan ito sa noo. Pansin ko na medyo nag-aalangan at awkwar ito. Naiintindihan ko naman dahil bago sa kanya ito. Basta maging ama lang siya sa mga anak niya.

"Good morning, bud. Good morning, angel. I'm sorry kung napagalitan kayo ni Dad kahapon." Hingin paumanhin nito sa dalawa.

"It's okay po, daddy." Sabi ni Janisse habang nakalingkis pa rin sa ama. I know he was craving for his father's love, silang dalawa. And now that it's here madaling lumambot ang puso nila.

Tumalikod ako dahil tumulo na talaga ang luha ko. Ganito 'yon eh. Ito 'yong pinangarap kong gigising sa akin araw-araw. Kahit dalawang buwan lang sapat na 'yon. Sapat na 'yon para baoning ala-ala ng mga anak namin para kahit malayo man kami kay Jonas ay hindi magtatanim ng galit ang mga bata sa kanya.

I have to be contented with this so we could move forward. For the better.

-----------------------------------------------------------
Super last chapter dahil nabitin rin ako hahahaha. Thanks sa support guys! Love you all ❤😌 ciao!

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon