CHAPTER 4🌿✨ -Contract

Start from the beginning
                                    

"Hindi naiintindihan? Paano mo nasabi Ge, hindi ba wala na akong ginawa kundi intindihin ka kahit hindi ko alam kung may patutunguhan pa ba tayong dalawa? Ako pa ang hindi nakakaintindi ha?"

Hindi na ako umimik. Alam kong totoong nasaktan siya. Ke iyon man ang totoong sinabi ko o hindi, alam kong hindi lang iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganyan siya.

Nasasaktan siya sa tuwing sinasabi ko yun sa iba.

Oo mahal namin ang isa't isa pero hindi pa pwede. At nasasaktan din ako sa tuwing nakikita ko na nahihirapan siya.

Kung pwede ko lang sana sayong sabihin kung bakit hindi pa pwede, Erik, ginawa ko na. Kaso hindi, kasi ayaw kong mahirapan ka pa. Ayokong pilitin mo lang ang sarili mo sa akin dahil sa naaawa ka.

Buong biyahe muli kaming naging tahimik. Walang may gustong magsalita sa amin.

Halos hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras. Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng bahay.

See? Nakarating kami nang hindi niya naikwento sa akin ang mga nangyari sa araw niya.

Nang huminto na kami ay agad ko nang inayos ang mga gamit ko at pagkatapos noon ay bababa na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan para mapatigil ako.

"Love, I'm sorry." mahina pero rinig na rinig kong sabi niya.

Hindi ko alam pero pagkarinig ko sa boses niya at noong tinawag niya akong Love ay parang biglang lumambot muli ang puso ko. Parang gusto kong umiyak.

Narinig kong bumuntong hininga siya bago nagsalitang muli.

"Sorry kung naging sobrang babaw ko nanaman. *sigh* Hindi ko lang kasi maiwasan, minsan kasi sa tuwing naiisip ko kung ano ba talaga tayo natatakot ako. Natatakot ako na baka dahil hindi ka naman sa akin, bigla ka na lang mawala."

Humarap ako sa kanya. I held his face bago ako naman ang nagsalita.

"Bakit ako mawawala sayo? Hindi naman ako mawawala sayo Pogs e, ikaw nga natatakot ako na baka mawala ka sa akin. Baka mapagod at magsawa ka na. Sorry Pogs, sorry kung kailangan mo pang mahirapan ng ganito."

"Alam kong ang OA at ang bakla pakinggan pero iyon ang totoo Love, natatakot akong mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita kahit pa ano tayo ngayon. Hindi ako nagrereklamo, alam mo naman dj ba na kahit anong mangyari maghihintay ako? Hihintayin kita Ge, pangako yan. Sorry." pagkasabi niya noon ay hinawakan niya ang pisngi ko and there, he kissed me in the forehead.

That gesture of him never fails to make me remember why I love this man so much.

Bukod doon, siya pa rin ang humingi ng tawad sa kabila ng mga nasabi.

"Mahal kita." he said that while looking straightly into my eyes.

"Mahal din kita. Huwag ka nang mag-iisip nang ganoon ha?" and I answered back.

--------------------------

MATAPOS ang ilang sandali pa naming pag uusap ni Erik ay napagpasyahan ko nang pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa loob ay tanging ang mga alagang aso ko lang ang sumalubong sa akin.

Napatingin naman ako sa orasan. Alas dose na pala ng madaling araw. Malamang kanina pa tulog sila Ate Irene at Mama Bob.

Tumungo na ako diretso sa kwarto ko sa itaas at doon naghanda na para matulog. Haaay sobrang haba ng araw ko, at bukas mas nakakapagod naman na araw ang haharapin ko.

Actually halos isang oras din kaming tumambay ni Erik sa loob ng kotse niya para magkwentuhan at mag usap. Ganoon kami, isa sa mga pinakagusto ko kay Erik ay yung ugali niya na hindi siya pumapayag na matutulog kami nang magkaaway.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now