Chapter 8

5.7K 137 1
                                    


♬ Ring! Ring! 


Ang ingay naman 'nun.


♬ Ring! Ring! 


Tumayo ako at lumapit sa kanya.


     "What the hell you're doing!?" sigaw niya sa akin.


Sinipa ko lang naman ang upuan niya bigla siyang napatayo nang sipain ko ang upuan niya.


     "Ang ingay ng cellphone mo kita mong natutulog yung tao." bulyaw ko. 


     "Tsk!" sinamaan niya ako ng tingin.


Kinuha na niya ang phone niya at sinagot iyon. Hindi naman ako tsismosa kaya bumalik na ako sa upuan ko at yumuko na ulit. Gusto ko nang umalis dito.


     "WHAT!" sumigaw na naman siya.


Problema niya?


     "Kailangan bang sumigaw?" sabi ko.


Nakaside view ang mukha ko kaya tanaw ko ang mukha ni halimaw na halos magsalubong ang kilay niya. Nakakunot din ang noo niya at ang sama ng tingin sakin.


     "Shut up old man!"


Umiwas siya ng tingin sakin pero nakakunot parin ang noo at kulang nalang magdikit na yung kilay niya. Tatanda agad siya sa ginagawa niya. Parang ang dami niyang pinagdadaanan. Ganyan ba talaga siya? Laging galit sa mundo, masungit at mukha siyang bad boy o kaya nagrerebelde sa pamilya. Hindi ko malaman kung paano siya nagka-girlfriend o nagkaroon ng mga fans sa ganyan ugali. Kasi kung ako tatanungin, hindi ko gugustuhin yung ganyang tao.


     "No! I said no. I didn't mean to do it. What?! Alone? Bring them back! Fuck!"


Umaalingaw ang boses niya sa loob ng kwarto. Panay sigaw niya doon sa kausap niya. 


     "Tsk... rude." bulong ko.


     "Narinig ko yun." Sobrang sama na naman niya makatingin sakin. 


     "Grabe lakas naman ng pandinig mo ah. Galing!" sabi ko sabay nang mahinang palakpak sa kanya.


Hindi kami magkakasundo nito, I swear to god.


     "Fuck! Gawin mo kung anong gusto mo!" sigaw parin niya sabay hagis sa cellphone kaya napatayo agad ako. Tumama ito sa pader dahilan nang pagkalat ng mga ilang parte ng cellphone niya sa sahig. 


     "Sayang naman yung cellphone!" 


Pinulot ko ang cellphone niyang nasa sahig. Basag na ang screen nito. 


     "What the fuck are you doing?"

I Married my Maid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon