Chapter 51: Thunder, Sun, and the Wind

2.7K 61 5
                                    

Chapter 51: Thunder, Sun, and the Wind

Lucky's POV

Tinaas ko ang mga kamay ko at nilasap ang sariwang hangin na dumadampi sa buong katawan ko. Sobrang tahimik dito, tanging ang hangin lang na naririnig ko.

Ang sarap sa pakiramdam. Nakita ko bigla nalang dumilim ang kalangitan, uulan ata. Bigla nalang ako nakarinig ng kulog kaya napatakip ako sa mga mata ko. Naramdaman ko nalang na may tumakip sa tenga ko kaya dumilat ako. 

Nakita ko siya sa harapan ko. May malaking ngiti sa kanyang mga labi.

     "Zack? Anong ginagawa mo dito sa probinsya?" tanong ko sa kanya.

Tinanggal niya ang mga kamay niya sa tenga ko. "Binibisita ang babaeng mahal ko." sabi niya sabay kiss sa noo ko.

Bigla akong napaatras sa ginawa niya. Magtatanong pa sana ako kung bakit niya nagawa yun nang biglang lumabas ang araw. Nawala ang madilim sa kalangitan at kulog. Napalitan ito ng liwanag at siyang pagdating ni Lhunar.

Teka bakit naman napadpad dito si Lhunar sa bahay namin?

Naglakad siya palapit sa akin at bigla bigla nalang hinawakan ang kamay ko.

     "Te-teka lang! Bakit ka nandito?" nauutal na tanong ko.

     "Hindi ba ako welcome dito sa inyo?" bigla lumungkot ang mukha niya.

     "Hindi naman sa ganun. Nakakapagtaka lang kasi."

     "Namiss kasi kita kaya pinuntahan kita dito." sabi niya sabay ngiti.

Naramdaman ko nalang na nakangiti na pala ako sa kanya. Nakakahawa ang ngiti niyang yun.

Bigla nalang akong napapikit dahil naramdaman ko muli ang sariwang hangin na naramdaman ko kani-kanila lang. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Lhunar sa kamay ko kaya napadilat ako. Nakita ko siyang nakatigin sa gawing likuran ko kaya napalingon ako.

May nakatayo doon.

Pati ba naman siya nandito? Ilang araw na ba ako nandito sa probinsya? Ganun nalang ba nila ako kamiss kaya kahit si Slade nandito narin.

Nakatayo lang si halimaw doon mga sampung hakbang ang layo samin. Nakatingin lang ito sakin. Naghihintay akong lumapit siya o kaya tawagin ako pero hindi niya nagawa. Tumalikod ito at naglakad palayo.

Anong nangyari sa kanya?

Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Lhunar sa kamay ako. Susundan ko siya. Maglalakad na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Lhunar at Zack. Sabay pa nilang iniling ang ulo. Pero hindi ako sumunod sa kanila. Sinundan ko parin si halimaw. 

May sapak din kasi minsan yung lalaking yun.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakarating ako sa loob ng hospital.

     "Teka bakit nandito ako?" tanong ko sa sarili ko.

May magic ba ako? Kanina lang nasa probinsya ako kasama nila Zack at Lhunar tapos bigla nalang ako nandito sa hospital. Namamaligno na ata ako.

Bigla nalang ako natumba at naupo sa sahig dahil nabubunggo nila ako sa dami ng tao dito. Lahat sila ay nagmamadali at bakas sa kanilang mukha ang pagtataranta. Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko. 

Napatingin ako sa suot kong damit may dugo ito pati narin sa mga kamay ko.

Nataranta ako bigla. Hinanap ko sa kamay ko at katawan kung nasugatan ba ako pero wala akong nakita. Saan ko nakuha 'to? Sinubukan kong tanggalin sa dugo sa kamay ko, pinunas ko ito pero hindi parin mawala.

I Married my Maid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon