Chapter 37: He saved me

3.8K 91 0
                                    

Chapter 37: He saved me

Lucky's POV

     "Lucky, gising na."

Nagtalukbong lang ako ng kumot pero nagawa niya paring hatakin yun pababa.

     "Gising na."

Hindi ako sumagot, hindi ako dumilat. Tumalikod lang ako at nilagay ko ang unan ko sa mukha ko.

Gaya sa kumot ko kinuha niya ang unan ko. Naiinis na ako kaya bumangon ako at hinarap siya.

     "Ano ba? Natutulo—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Nanlaki lang ang mga mata ko.

     "Tara kain na tayo." sabi niya at sabay ngiti.

Totoo ba 'tong nakikita ko? Bumangon ako at lumapit sa kanya. Tinignan maigi.

     "Bakit ka nandito?" takang tanong ko sa kanya. Panaginip ba 'to?

     "Hindi mo ba ako namiss? Nagmadali pa naman ako bumalik tapos ganito lang." sabi niya at lumakad siya paalis sa harap ko.

Dali akong tumakbo papunta sa kanya. Nagulat nalang ako sa ginawa ko. Niyakap ko siya kahit na nakatalikod siya sakin.

     "Ganito mo ba ako i-wewelcome Lucky?"

Tumangon lang ako kahit na nakatalikod siya.

     "Welcome back, Zack." masayang sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

Namiss ko 'tong lalaking 'to. Bumitaw din ako sa pagkakayap sa kanya.

     "Tara kain tayo. May lakad pa tayo." aya niya.

     "Teka, may pasok kami."

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti siya. Teka! Bakit siya ganyan? Hindi ako sanay. Hinila na niya ako at pinakain ng niluto niyang pagkainpara samin dalawa. Tahimik lang kami kumain. Napapasulyap ako kay Zack.

Nandito na nga siya. Ang saya ko. Ang saya saya ko.

Pagkatapos namin kumain inutusan niya ako na maligo na. Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Matapos kong maligo nagbihis na ako. Nadatnan ko siyang nanonood ng tv. Hindi ko siya nilapitan, tinitigan ko lang siya.

Pumayat si Zack. Ang laki ng eyebags niya.

     "Sige ka matutunaw ako."

Halos mapatalon ako sa gulat. Tumayo siya at lumapit sakin. Sobrang lapit na kinabog ng puso ko. Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko.

     "Hinding hindi na ako aalis sa tabi mo Lucky." seryosong sabi niya.

Tumango ako bilang sagot. Nakaramdam ako ng kaba nang tignan niya ang mga labi ko.

     "Zack." mahinang sabi ko.

Napaatras ako ngunit lumalapit parin siya sakin hanggang sa wala na akong maatrasan pa. Nakasandal na ako sa pader. Nacorner na niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at ang isang kamay niya ay sa baba ko makahawak. Napatingin ako sa mga mata niya. Ang seryoso niya.

     "Lucky." mahinang sabi niya. "Namiss kita."

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ka ganito Zack?

Pumikit siya at siyang paglapit ng mukha niya sa akin. Napaurong lang ko kahit na wala na akong uurungan pa. Napapikit na rin ako dahil hindi ko na alam kung ano gagawin ko.

Bigla nalang ako niyakap ni Zack kaya napadilat agad ako.

Umuubo siya habang yakap niya ako.

     "Zack ayos ka lang?" 

I Married my Maid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon