Chapter 32: Text

3.9K 99 3
                                    

Chapter 32: Text 

Lucky's POV

*Knock*

     "Lucky? Are you done?"

     "Oo, tapos na." sagot ko bago buksan ang pinto.

     "Tara na baka malate pa tayo." 

Sumakay kami sa kotse ni Maica at pinaandar na niya ito papunta sa school. Ito ang unang araw sa school. Sa bagong school na parang mall sa laki. Si Maica maaga na gising yan, siya na ang excited. Samantalang ako, kinakabahan dahil walang Maica akong kaklase. Sino nalang ang kakausapin ko sa room?

     "Ready ka na ba?" masayang tanong ni Maica.

     "Yup, handa na ako." 

Ang totoo niyan hindi pa talaga ako handa. Mga ilang minuto ay nakarating na kami sa school. Naglalakad kami ni Maica sa hallway.

     "Lucky dito na ang building ko. Kita nalang tayo mamayang break ah." sabi ni Maica at tsaka pumunta sa building nila. 

Gusto kong pumunta kay Maica. Gusto kong sumama sa kanya pero bawal. Dahil magkaiba kami ng course. Papunta ako sa building ko, sa building ng HRM. Matamlay akong naglalakad. Hindi ko alam kung bakit. Siguro natatakot ako na mag-isa nalang ako. Tama, takot na akong mag-isa. 

Sa buhay natin kailangan marunong ka tumayo mag-isa, hindi yung aasa tayo sa iba. Paano na nga lang kung wala na sila? Edi parang sinabi mo na wala ka na din. Ang dami kong natutunan sa buhay. Pero bakit ang isang 'to hindi ko ma-apply sa sarili ko.

Habang naglalakad ako bigla may bumungo sa'kin o sadyang 'di ko talaga nakita.

     "Sorry." paumanhin ko sa lalaking nabangga ko.

Hindi nagsalita ang lalaki bagkus tumango lang siya sa akin at naglakad na parang walang nangyari.

     "Ang weird." 

Pumasok ako sa room namin. Ang dami namin. Naghanap na ako ng upuan, umupo ako sa bandang likuran. Tutal wala naman akong kilala dito. Pero itong mga kaklase ko parang magkakilala na sila kasi may ilan nag-uusap, yung iba naghaharutan, yung iba nag-aasaran. Siguro magkaklase na sila dati. Ang hirap maging freshman.

Biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng palda ko.

You have 1 message

Yan ang nakalagay sa screen. Tinignan ko kung sino ang nagtext. Bigla nalang ako nabuhayan ng loob.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~  

Zack;

Musta ang school? Ingat ka lagi ah. Usap tayo mamaya. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Sa simpleng text lang bigla akong naganahan. Para siyang charger, tuwing malolowbat ako lagi siya nandiyan para i-full charge ulit ako. Nakangiti akong nagreply sa kanya.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~  

To: Zack

Ok. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 


Yan lang ang reply ko. Ewan ko ba! Parang kinakabahan ako magreply sa kanya, siguro dala lang 'to sa usapan namin dati ni Maica na ang topic ay siya. Pinag-isipan ko ng maigi kung anong pwede ireply pero yan lang ang nasend ko.

I Married my Maid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon