Chapter 30: B.L.U

4K 108 1
                                    

Chapter 30: B.L.U

Lucky's POV

Nandito ako sa kwarto at nakatitig lamang sa huling text niya sa akin. Isang araw na ang nakalipas noong umalis siya. Isang malaking blanko parin ang utak sa kung bakit siya umalis. Wala akong nakuhang magandang rason galing sa kanya kung bakit kailangan niyang pumunta sa state.

     "Bakit ba ako laging sumusunod sa mga habilin!" inis kong sabi sa sarili ko.

Bigla nalang ako napaiyak. Naaalala ko sila, yung mga mahahalaga sa buhay ko, yung mga malalapit sa akin at yung  mga tinuturi kong kayamanan na meron ako ay bigla nalang naglalaho.

*knock*

Napapunas agad ako ng luha at inayos ang sarili ko. Binuksan ko ang pinto at si mama ang bumungad sa akin.

     "Anak may bisita ka sa baba. Kaibigan mo daw."

Kaibigan? Sino?

Bumaba ako para makita ko kung sino siya. Nakakita ako ng isang model nakaupo sa upuan namin.

     "Lucky! Ikaw na ba yan?" tanong niya sakin. 

Hindi ko alam kung mahihimatay ba ako, dahil kinakausap ako ng model na 'to.

Lumapit pa ako sa kanya dahil nakakainggit ang taglay niyang kagandahan. Tumayo siya at isang akward na mukha ang sinagot niya sa akin.

     "Hoy, Lucky! Hindi mo na ako kilala? Ako 'to si Maica."

Maica? Si Maica na 'to?

     "Maica! Ikaw ba yan? Wow lalo kang gumanda!" sigaw ko sa kanya kasabay ng pag alog ko sa balikat niya.

     "Akala ko may model na bumisita samin." dagdag ko pa.

     "Kahit kailan napakapraning mo. Ikaw ang lalong gumanda satin. Hindi nga kita agad nakilala eh."

Napatawa nalang ako. "Teka gusto mo ba ng maiinom? Juice?" 

     "Hindi na, ok lang ako. Ang layo pala ng bahay niyo."

     "Paano mo pala nakita ang bahay ko?" pagtatakang tanong ko.

     "Sinabi sa akin Zack."

Hindi ko mapigilan malungkot sa tuwing nababanggit ang pangalan ng taong umiwan sa akin ngayon.

Hinatak ko si Maica palabas ng bahat. Nagpunta kami sa tambayan namin ni Zack, 'di naman malalo sa bahay. Dinala ko siya dito dahil baka hindi ko na makayanan pa ang sarili ko at hindi makapagpigil ng nararamdaman ko, at baka doon pa ako sa bahay umiyak. Magtataka si mama sakin kung bakit ako umiiyak.

     "Bakit mo ko dinala dit—Wow! What a nice view!" napamangha nalang si Maica.

     "Ang ganda diba. Dito kami laging tumatambay ni..." 

Hindi nalang ako napahinto. Isa kamay lang ang naramdaman ko sa likod ko. Hinihimas lang ito ni Maica.

     "Sa mga oras na ito, kailangan ni Zack ng suporta mo. Yoiu need to be strong to him."

Kuminot ang noo ko. "Para saan."

Nagbikit-balikat si Maica at naupo nalang. Mukhang wala siyang balak sabihin sakin kung ano yun. Tumabi ako sa kanya.

     "Ano palang pinunta mo dito?"

     "Hindi pa ba na sabi sayo ni Zack yung about sa pag enroll mo?"

Yun pala ang pinunta niya.

     "Nasabi niya. Yun nga yung pinag-iisapan ko kanina bago ka dumating."

I Married my Maid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon