PROLOGUE (PART 3)

142 8 0
                                    

ABADDON SCHOOL:
THE LAST FIGHT


Prologue (Part 3):

Maraming nagbago sa nakalipas na panahon. Grumaduate kami ng matiwasay pagkatapos ng dalawang beses naming pagkakasangkot sa madugong trahedya na nangyari sa amin.

Nagkanya-kanya kami ng landas at pinagpatuloy ang buhay namin. Noong nakaraang buwan lamang ako grumaduate kasama ang kupal na si Gino.

Hindi ko alam bakit kami palagi ang magkasama. Pusanggalang 'to! Hindi na nagsawa sa akin. Ako nga sawang-sawa na sa kanya.

"Lin," tapik sa akin ni kumag.

"Ano?" Inis kong sabi sa kanya.

"Sa'n ka magtatrabaho?" Nilingon ko na siya.

"Gino naman, lumayo-layo ka na sa akin, akala tuloy nila may bawal na relasyon tayong dalawa. Bakit ba kasi parehas tayo ng course?"

Kumibit-balikat lang siya sa akin, "malay ko. Parehas yata takbo ng utak natin." Pusanggalang niyan.

"Tapos sasama ka rin sa akin kung sa'n ako magtatrabaho? Lumayo ka nga! Baka nababakla ka na sa akin, ha!?" Sabi ko rito.

"Hoy! Lalaking-lalaki ako! Nagkaroon na nga ako ng 4 na exes," ngisi niya sa akin.

Umiling ako rito.

"Ikaw? Ilan na ex mo?" Pang-aasar niya. Sige lang. Ilulublob kita sa kumukulong tubig.

"Kaysa naman sayo fuck boy!" Sabay layas ko sa kanya.

Ewan ko ba rito kung bakit ko siya sinama. Ang kasama ko talaga dapat si Fayce pero langya may date siya.

"Hindi ka na mabiro, Dude! Bakit kasi 'di mo ligawan iyong dati nating  classmate na si Jessa. Since college, patay-patay na sa'yo iyon. Binabalaan pa mga babaeng lumalapit sayo."

Umiling ako rito. Ayoko masangkot sa mga relasyon na iyan. Gastos lang at baka maging under pa ako.

"Wala akong panahon d'yan, Gino. Alam mong ayokong pumasok sa relasyon kung 'di pa ako handa."

Pumasok kami sa supermarket at kumuha ng big cart.

"Sus! Baka naman---"

Pinutol ko ang sasabihin niya, "Tagal na nu'n, Gino, ilang years na ba sila ni Ivan? Saka alam ko na talaga ang posisyon ko kay Debra. Ayoko lang talaga." Tumango na lang siya sinabi ko.

"Ano ba bibilhin? Pusanggalang Fayce 'to, inuna pa date bago tayo samahan." Naiinis kong sabi.

"Kalahating sakong bigas, apat na argentina corn beef, tatlong kilong baboy and manok, apat na san marino, dalawang taling petchay, dalawang tali---"

Inawat ko siya, ang gulo ng listahan. Nasa canned goods kami tapos napunta sa fresh meat.

"Sunod-sunorin natin. Nakakalito. Sino gumawa ng listahan?" Kinuha ko sa kanya ang listahan. Ang haba. Three days lang naman kami magbabakasyon pero mukhang pang-isang linggong supply namin 'to.

"Si Rey," sabay tawa ng siraulo.

"Canned goods muna tayo, then, fresh meat. Huli natin iyong bigas." Tumango naman siya.

Umabot kami ng kalahating oras bago natapos sa pamimili.

Nandito kami sa pulang bubuyog at kumakain. May sobra pa sa perang binigay ni Fayce.

"Seryoso na ba si Fayce sa latest girlfriend niya?" Tanong ng isa.

Kumibit ako sa kanya, "malay ko sa kanya. Gawain niyo niyang tatlo, dapat alam mo."

Abaddon School (Part 1&2) Onde histórias criam vida. Descubra agora