EPILOGUE

180 22 2
                                    

Epilogue:

LINCOLN'S POV

Ang daya! Ang daya! Akala ko makaka-alis kami ng ligtas sa demonyong laro na n'yon pero hindi pala.

Bakit kailangang isa pa sa amin ang mamatay. Bakit si Faye pa? Bakit?

Nandito ako sa labas ng room ni Rey. Hindi ko siya kaya tignan. Naaawa ako sa kanya. Wala pa ni-isa sa amin ang nagsasabi tungkol kay Faye. Wala pa.

Ngayon pa lang.

"Alam kong nagsisinungaling ka lang, ivaaaan! Pakiusap, dalhin niyo ko kay Faye. Pakiusap."

Ayan na naman siya. Simula sabihin nina Ivan at Debra ang totoong nangyari kay Faye. Ganyan na siya. Hindi na rin gaano kumakain.

"Debra, dalhin mo naman ako Faye. Pakiusap. Alam kong nagsisinungaling lang kayo. Hindi pa siya patay. Hindi pa!"

Narinig ko na lang ang pag-iyak ni Debra.

Papasok na sana ako ng makita ko si Fayce na pumasok sa loob.

"Fayce, Brod, nasaan na ang kakambal mo? Pakiusap naman oh, dalhin mo ako sa kanya. Miss kona siya eh. Lintik naman kasing IV na to eh."

Ayokong nagiging ganyan si Rey.

"Urgh! Tanggalin nyo na 'tong swero at mga nakaturok sa akin. Waaaaaah! Gusto ko na umalis!"

Tumayo na lang ako. Aalis na dapat ako ng marinig kong magsalita si Fayce.

"ANO BA REY! UMAYOS KA NGA! PUSANGGALA NAMAN BRO! TOTOO LAHAT NG SINABI NILA DEBRA, P-PATAY NA ANG KAPATID KO. PATAY NA!"

Doon narinig ko ulit ang iyak niya.

Umalis na ako. Hindi ko kayang pakinggan sila.

Pumunta ako sa rooftop. Gusto kong kalimutan ang lahat na nangyari sa amin.

"Kumusta Lincoln?" napatigil ako sa pagmumuni ng may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ang isang lalaki na matangkad, maputi, medyo malaki ang tenga.

Sino siya?

Napatayo ako, "S-sino ka?" Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Nag-iingat lang ako.

"Hindi ako kalaban, Lincoln. Naramdaman ko rin ang nararamdaman mo ngayon." Umupo siya sa inuupuan ko kanina.

"Anong sinasabi mo?" takang tanong ko sa kanya.

"Niyang pinagdaanan niyo. Napagdaanan ko niyan. Niyong nilaro niyo? Nilaro ko rin nyan. Mga schoolmates at kaibigan nyo na namatay. Mas matindi pa sa akin..."

Diretso pa rin ang tingin niya. Wala kang mababakas kahit ano sa mukha niya.

"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong. Alam ko na ang pinupunto niya pero gusto kong marinig na manggaling sa bibig nya mismo.

"School namin ang unang ginawang venue ng larong napaka-demonyo." Tumayo siya at tumingin sa akin.

"Mas masahol pa sa larong binigay niya sa inyo. Larong kumitil ng buhay ng mga kaibigan ko. Larong muntik na rin nagpabago sa akin. Sa laro na n'yon, ako lang ang natira. Ako lang."

Lumapit siya sa akin at muling nagsalita.

"Mag-iingat kayo, Lincoln. Hindi pa tapos ang larong nasimulan niyo. Hindi pa tapos. Habang buhay pa ang mastermind, hindi pa natatapos ang laro. Mag-iingat kayo." sa sinabi niyang n'yon. Lalo akong kinabahan.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Spencer..." sa sinabi niyang n'yon bigla niyang binuksan ang pinto at umalis.

Hindi agad ako nakagalaw. Prinoproseso pa lang ng utak ko ang lahat ng sinabi niya.

"S-sila ang unang naglaro... M-may alam siya."

Biglang ako tumakbo hinabol siya pero wala ni anino niya ang nakita ko.

Luminga-linga ako. Alam kong hindi pa siya nakakalayo.

Tumakbo ako nang tumakbo pero wala talaga.

"Lincoln!" Lumingon ako sa tumawag sa akin.

Si Gino.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.

"Dadalawin si Rey?" Sabi niya.

Tumango na lang ako.

"Ano bang nangyayari sayo Lincoln?" tanong nya sa akin.

"May kumausap sa akin. Tungkol sa laro. Ewan ko. Basta."

Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng room ni Rey.

Pagkapasok pa lang namin ni Gino. Nagsalita na ako.

"May sasabihin ako sa inyo. May kumausap sa akin kanina sa rooftop... may alam siya tungkol sa laro."

"Anong sinasabi mo?" Tanong ni Fayce.

"Nag-uumpisa pa lang daw ang laro..."

Kinukwento ko lahat ng sinabi sa akin ng misteryong lalaki na n'yon.

Pagkatapos kong magkwento, nagtanong si Rey.

"S-sino n'yong lalaki?"

"Sila raw ang unang naglaro. Sa larong ng demonyo. Siya si... Spencer." sabi ko sa kanila.

Tumayo si Fayce. "Kailangan natin siya. Mas marami siyang alam."

"Hindi pa tapos ang laro. Pwes, tatapusin natin sa tulong ng Spencer na n'yon." mahinang sabi ni Ivan.



Hindi pa tapos ang laro. Hindi pa.



- End of Abaddon School -

Finished: April 26, 2018

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW

Abaddon School (Part 1&2) Where stories live. Discover now