Abaddon School Part 1.11

194 39 1
                                    

Chapter Eleven:

LINCOLN'S POV


Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Parang pinokpok ng martilyo ang ulo ko. Urgh! Shete! Ang sakit!

Napatayo ako sa malambot na kamang hinihigaan ko. teka? Kama? Napabangon ako bigla. Nasaan ako?

Nilibot ko ng tingin ang kwartong kinalalagyan ko. Puro puti ang nakikita ko, parang nasa hospital room ako? P-pero ang layo ng hospital ng Abaddon School sa mismong school namin. P-paanong?

Urgh! Lumapit ako sa pintuan, bubuksan ko na sana ito pero hindi ko mabuksan. Shete!! Mukhang ni-lock yata ako rito. Pilit ko pa rin binubuksan ang pintuan pero walang epek. P*tcha!

Maya-maya lang nagbukas ang isang tv screen.

"Good day, player. As you can see, you are trap in the white room. The only solution to open that door to find the key in your room. And after that, you need to find other player and be partner because once you alone the tempter will be chase you and you be dead. Goodluck. Timer start now!"

Sa sinabi niyang n'yon, may lumabas na timer na naka-setup sa labing-limang minuto. Shete!

Nagsimula na akong maghalughog sa kwartong 'to. Maski sulok-sulokan ng kwarto 'to hindi ko pinalampas.

Tngina! Nasaan kana ba susi. Napapagaya na tuloy ako kay Fayce. Paker!

Limang minuto na lang para makalabas ako rito. Ano bang mangyayari sa akin kung hindi ako makalabas? Pero, ayoko ng malaman, alam ko namang kamatayan ang hahatungan ko eh.

Sheteeee! Nandyan ka lang pala, umakyat ako sa kama at kinuha ang susi na nakalambitin sa ilaw. Paker!

Tatlong minuto, lumapit agad ako sa pintuan. Pagkabukas ko, tumambad sa akin ang isang tahimik na corridor. Ibig bang sabihin ako pa lang ang nakakalabas?

Lumabas ako sa silid ko, tumingin ako sa kaliwa't kanan ko baka nandyan n'yong tempter na sinabi ng kung sino man ang nilalang na n'yon.

Nang masigurado kong wala, lumabas ako at naglakad sa tahimik na corridor.

Putek! Nasaan na ba sila? Kinakabahan na ako!

May bigla akong narinig na boses.

"Waaaaaah! T-tulong! Tulungan niyo ko!"

S-si Faye n'yon?! Dali-dali kong sinundan ang boses niya. P*tcha naman!

"Faye! Faye, nasaan ka?" paulit-ulit na sigaw ko.

"Lincoln!!!" nakita ko si Faye na tumatakbo papunta sa lugar ko at ang nasa likod niya ay isang tempter - ang itsura niya ay naka-all black siya at may dalawang sungay na parang kinulot, ang kanyang mga kamay ay sobrang tulis - feeling ko pagnadaplisan ka lang nun, may sugat ka agad, at ang mga mata nila mapupula na parang mata ng diyablo.

Sinalubong ko na si Faye. Nang mahawakan ko si faye, doon tumigil sa paghabol ang tempter.

"S-salamat, Lincoln. A-akala ko katapusan ko na! Kanina pa ako hinahabol ng hudas na tempter na n'yon! Buti na lang talaga!"

Kahit hinihingal ang isang 'to, hindi pa rin talaga nawawala n'yong pagiging jolly niya at pagiging mataray minsan.

"Nasaan ang iba Faye? Alam mo ba kung nasaan sila?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya sa akin "Hindi ko nga rin alam eh, basta pagkagising ko nasa isang puting kwarto na ako. Tapos may lumabas sa tv screen then gotcha! Nung lumabas ako hinabol na ako ng tempter na'yon. Buti na lang talaga narinig mo 'yong sigaw ko. At saka pala, ilan tayo? Diba 15 tayo then nabawasan tayo ng 2 dahil kina Amchel at Ryan... so 13 na lang us?"

Abaddon School (Part 1&2) Where stories live. Discover now