Abaddon School Part 1.4

276 47 4
                                    

Chapter Four:

LINCOLN'S POV:

Naghiwa-hiwalay kaming lima. Magkakasama sina Fayce, Amchel at Joaqui para hanapin si Faye at ang iba pang estudyante na nakaligtas. At, kami ni Ivan ang magkasama para hanapin naman si Debra.

Tumatakbo kami papunta sa 3rd floor kung nasaan ang classroom namin nina Debra at Fayce. Ang classroom naman nina Ivan at Faye ay nasa second floor.

Nang maka-akyat kami sa third floor halos masuka ako sa nakita at naamoy namin ni Ivan. Nagkalat sa corridor ang mga dugo at mukhang sariwa pa ang mga ito.

Habang naglalakad kami, unting-unti namin nakikita ang kasuklam-suklam na nangyari sa mga ka-schoolmates namin.

Kada classroom na makikita namin ay punong-puno ng mga dugo't laman-loob ng mga kapwa naming estudyante. Ang iba pa ay halos hindi na namin makilala kung babae ito o lalaki 'man dahil sa sabog ang mga ulo't katawan ng mga ito. Ang tanging paraan lang namin para makilala ito ay sa school uniform namin - palda/skirt for girls and Slacks for boys.

Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa mga nakikita ko pero tinatagan ko ito para kay Debra. Tumingin ako sa gawi ni Ivan, maski man siya ay nanginginig na rin.

"Ligtas naman siguro siya diba?" alangan na tanong ko sa kanya.

Imbis na sumagot ang mokong, lumakad ito na parang walang nakikitang laman-loob at dugo sa corridor na dinadaanan namin. "Ligtas siya. Alam kong nakaligtas siya." matapang na sabi ni Ivan sa akin. Alam kong pinapalakas lang niya ang sarili niya.

Nang makarating kami sa dulo, kung nasaan ang classroom namin. Pumasok agad ako at halos manlumo ako sa nakita ko. Kung ano ang nakita namin ni Ivan sa ibang classroom, ganoon din ang nangyari sa classroom namin pero mas malala nga lang dahil sa sobrang dami ng mga sabog na katawan.

Hindi ako makahakbang papasok. Parang may humihila sa akin. Napabalik na lang ako sa wisyo ko ng makita ko si Ivan, na binabaligtad ang mga bangkay ng mga kaklase ko.

"Sh*t! Hindi ka sana si Debra!" Iyan lagi ang sinasabi niya kada may binabaligtad siyang bangkay.

"Oy mokong! Anong tinitignan mo diyan ha! Tulungan mo ko dito. T*ngina nakakadiri!" Dahil sa sinabi niya n'yon, lumapit na rin ako sa mga kaklase ko para tignan kung isa sa kanila si Debra.

"Lincoln!!" malakas na tawag niya sa akin.

Lumingon ako sa gawi niya, tinitignan pala niya ang isang bag. Kaninong bag niyon?

Lumapit ako sa kanya nang makita ko ng malapitan ang bag...namutla ako. H-hindi p'wede...alam kong buhay pa siya.

"K-kay Debra 'to diba? Alam kong kay Debra 'to! A-ako ang nagbigay nito..." sa sinabi niyang n'yon bigla niyang sinukbit ang bag sa likod niya at umiyak.

"ANO BA IVAN! WAG KANG UMIYAK! HINDI PA NATIN ALAM KUNG PATAY NA BA TALAGA SI DEBRA. BAKIT...NAKITA MO NA BA ANG BANGKAY NI DEBRA? H-HINDI PA DIBA?" Sa sinabi kong iyon, mukhang nabuhayan ang ogag.

Binaliktad niya lahat ang mga bangkay ng mga kaklase ko. At, tinitignan ng mabuti kung si Debra ba ang isa sa kanila. Ang iba naman ay nakilala namin dahil sa mga ID na nakasukbit sa mga leeg nila. Hindi pinansin ni Ivan ang mga dugo't laman-loob na nahahawakan na niya dahil sa kakabaliktad niya.

"S-sh*t! N-nasaan siya?" lumingon ako kay Ivan na ngayon ay nakaupo na sa sahig na puro dugo.

"IVAN! Pare naman! Tumayo ka diyan, puro dugo na niyang uniform mo! T*ngina pare ang lansa mo!" Kanina natitiis ko pa 'yong amoy ng mga 'to, pero ngayon hindi na lalo na't kumapit na kay Ivan 'yong amoy.

Hindi ako pinansin ni ogag, lumapit ako sa mga bag ng isa kong kaklase na lalaki at naghalukay ako roon.

"A-ano ginagawa mo dyan sa bag na niyan?" tanong ni Ivan sa akin. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin.

"Kukuha ng pabango, hindi ko na kaya yong amoy eh. Ang lansa na talaga eh." sabi ko sa kanya na hindi lumilingon.

Nang makuha ko ang pakay ko, inispray ko agad sa akin at kay Ivan ang pabango. Pati na rin sa loob ng classroom namin.

"Oh! Edi bumango! Pusanggala oh! Ganyan dapat ang amoy!"

Nilibot ko ang tingin ko ng makita ko si Ivan na may tinitignan sa mga nakasabit na decoration sa classroom namin.

"Uy! Ano hinahanap mo? Baka makatulong ako. Pinapaalala lang kita classroom namin 'to!" sabi ko kay mokong. Kahit ganito ako, matulungin pa rin ako sa kapwa. Hahaha. Ayaw niyong maniwala. Tsk!

"Maghanap ka ng pwedeng mapakinabangan. Incase na ang larong ito ay patayan talaga..." mahinang sabi niya sa dulo.

"T*ngina! Ano ba pinagsasabi mo Ivan, pati ako rito kinakabahan sayo eh!" yae oh! Ayoko ng ganito ng feeling. Mukha akong basagulero pero hindi pa ako nakakapatay. Saka, mas basagulero si Fayce, Ivan at si Rey. T*nginang mokong n'yon. Si Rey pa pala!

Sa sobrang taranta ko, lumapit ako kay Ivan. At, niyuyugyog siya. "T*ngina ka Lincoln. 'Wag mo kong yugyugin. Bata pa ako ogag!" Pusanggalang 'to! Mas bata pa ako sayo.

"Sh*t! 'Wag mo ko paandarin sa ganyan! S-si Rey! Si Rey pare!" sa sinabi kong niyon, tumayo agad ang mokong.

"Pusa naman oh! Si Rey pa pala!" Naglakad si mokong sa harapan ko pabalik-balik na parang nag-iisip.

Huminto siya "Ganito gagawin natin... hanapin mo si Debra, buhay pa siya. Wala ang bangkay niya rito. Kaya alam kong buhay pa siya. Kay Rey naman, ako na bahala maghanap." Dire-diretsong sabi niya sa akin.

Sa puntong iyon kinabahan ako, kinabahan ako para sa kanya. Syempre mas malakas ako sa mokong na 'yon. Hahaha!

Sa sinabi niya n'yon, lumabas na kami ng classroom na ang bitbit ay kahoy na nakuha namin doon. Para kaming siga rito na tumatakbo. Para kaming susugod sa riot hahaha.

Nang nasa hagdanan na kami, paakyat na sana siya sa 4th floor kung nasaan ang classroom nila Rey "Ivan... kapag hindi mo nakita si Rey, Bumaba na kana. Magkita tayo sa tambayan natin, kagaya ng napag-usapan." sabi ko sa kanya. Kahit ganito ako, mahalaga pa rin ang mga kaibigan ko sa akin.

"Okay! Basta hanapin mo si Debra." pagkasabi niya n'yon ay siyang akyat niya sa 4th floor.

Ako naman ay pababa na para hanapin si Debra. Saan ko kaya siya hahanapin, ang laki ng school na ito.

Pero, isa lang ang siguradong alam ko kung nasaan siya. Sa tambayan nila ni Ivan. Sa likod ng garden. Alam kong nandoon siya.

Tumakbo ako papunta sa garden. May mga nakakasalubong akong mga ka-schoolmates namin, maski sila puro duguan ang mga uniform at mga nanginginig dahil sa sobrang takot.

Hindi ko alam kung saan sila papunta...basta ako hahanapin ko si Debra sa lugar na n'yon...

- end of chapter 4 -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank you!❤

Abaddon School (Part 1&2) Where stories live. Discover now