4

11 1 0
                                    

J,

Same year noong nagka crush ako sa kaklase mo ikaw yong naging partner ko sa JS Prom diba? Bakit hindi nga ba yong crush ko? Ewan ko din. Kung aalalahanin ko ngayon yong time na ikaw yong partner ko, masasabi ko na masaya ako. Ang saya mo maging partner. Palagi mo ako inaasar tapos oo nga pala. Ako pinapasuot mo ng armband mo kasi sobrang init everytime na may practice tayo. Yong cap mo ako din palaging may suot. Ganon pala talaga tayo ka close noon.

J, inaamin ko yong mga kwinekwento ko ngayon ay hindi ko napagtutuunan ng pansin noon kasi diba yong kaklase mo yong crush ko. Tinutulungan mo pa nga ako mapalapit sa kanya diba.
Ngayon, sana ikaw na lang yon. Siguro ang saya saya ko talaga noon. Kung ikaw yong crush ko then ikaw din yong partner ko. Ang saya saya siguro nun J.

Pero alam mo iniisip ko ngayon, masaya pa din ako noon. Napapatawa mo ako every practice . Inaasar mo ako always kainis ka hahaha

Ewan ko din kung alam mo ba. Pero napaiyak mo ako noon. Kasi diba lagi mo ako kinukuhaan ng picture tas ang papangit ko pa dun. nakakaasar ka talaga. Sinabihan mo pa ako ng gumawa ka ng album sa phone mo ng mga epic pictures ko. Grabe mo talaga ako asarin noon.

Thank you J, you're always there everytime na iniiyakan ko yong crush ko. hahaha yong mismong night ng JS prom umiyak ako diba. ikaw yong nasa tabi ko noon, hindi ko yon makakalimutan. Kahit wala ka sinasabi, nasa tabi lang kita. sobrang salamat pa din.

J, hindi ko man alam yong mga nararamdaman mo nung time na yon atleast dito masasabi ko sayo kung ano naman yong sakin. Wag mo akong pagtawanan ha. Kilala na kita, alam kong tatawanan mo ako.

------
A

For You, JWhere stories live. Discover now