Chapter Eight

Mulai dari awal
                                    

Nakabihis na si Xander ng pantulog nang lumabas ng shower. He saw Beatrix asleep on the bed. Balot na balot ito ng kumot na nakasiksik sa isang gilid ng kama. He chuckled. Kung gugustuhin niyang ipilit ang sarili rito ay natitiyak niyang walang kahirap hirap niya itong makukuha, ngunit wala siyang intensyong gawin iyon.

Lumapit siya sa kama at maingat na naupo sa tabi nito. He can't help himself surveying her face. She looked so peaceful kahit pa nabakas pa rin niya ang mga luhang natuyo sa mga mata nito. He gently reached out to touch her beautiful face. "Silly girl" aniya at banayad na hinila ang kumot upang mas maigi itong makumutan.






Beatrix opened her eyes and immediately looked beside her. Wala siyang katabi. She lazily pulled herself up to sit on the bed. Agad nagbalik sa ala-ala ang mga pangyayari ng nagdaang gabi. She felt her face turn red. Something almost happened between them kung hindi lamang siya natauhan. She would willingly give herself to him kung hindi isang masamang babae ang tingin nito sa kanya. Labis ang sakit na dulot sa kanyang pagkatao ang isiping sa tagal nilang magkakilala ay ganoon na lamang kababa ang pagkakakilala ng binata sa kanya.

Nasa ganoon pa siyang pagmumuni-muni nang bumukas ang pintuan at pumasok si Xander. Nakaayos na ito at tila handa ng mag check out. Agad siyang muling nahiga at tinakpan ng kumot ang sarili, pretending to be asleep. She felt Xander sit on her side of the bed. Nagsimula ang matinding pagkabog ng kanyang puso. Paano kung may tangka ulit itong gawin? Will she have the strength this time to push him away?

"Alam kong gising ka Beatrix...let's talk" anito sa malumanay na tinig.

Hindi tuminag si Beatrix sa ilalim ng kumot. She heard him give out a sigh bago muling nagsalita.

"Look. I'm sorry for last night, okay?" he paused, as if hesitating to say the next words "I went too far"

Hmp! Good you know! Gusto niyang isagot ngunit sa halip ay nanahimik.

"Alam mo namang labag sa loob ko ang kasal na ito Beatrix, pero dahil naririto na ito, I want to lay some ground rules"

She removed the blanket covering her "what rules?"

"Unang una, we will go live in San Gabriel after you finish this semester" walang gatol na pahayag nito.

"What?!" Nanlaki ang mga mata niya sa tinuran ni Xander. No way! There's no way she can live in that province! My God! She almost rolled her eyes at him kung hindi niya napigilan ang sarili

"Ayaw mo?" Hamon nito "then we can tell your parents we're annulling our marriage"

"N-no..."

"I thought so" the corner of his lips curled up again into a mocking smile "secondly, walang sinoman sa unibersidad maliban sa mga kaibigan mo ang makakaalam na kasal tayo".

"Okay."  Bahagya siyang nasaktan. Talagang ikinakahiya nito ang pagiging mag-asawa nila.

"Third" he paused to look her directly in the eye "mag asawa lang tayo sa papel, kaya huwag mo akong pakikialaman sa mga lakad ko"

"You mean, you'll be going on dates with other women?! Or with...with... Frances?" She felt the sharp pain in her heart upon thinking na makikipag kita pa ang asawa sa dating nobya.

"You can't expect me to just end things with my girlfriend dahil lang pinilit mo ako sa kasal na ito?"

"P-pero mag..mag-asawa na tayo, Xander" she bit her lower lip. This is really turning into a nightmare!

"Katulad ng sinabi ko kanina, mag asawa lang tayo sa papel, Beatrix" malamig na tugon nito

"Kaya ba gusto mong sa San Gabriel manirahan para mas mapalapit ka sa babaeng yon?!" Hindi niya maitago ng lubusan ang galit sa tinig.

"At kung sabihin kong oo? Hindi mo ba kaya? Why don't you just let me go then?"

She gritted her teeth as she shook her head "akin ka Xander. No other woman can have you!" She stubbornly declared

Tumayo si Xander sa kama at tinalikuran siya bago muling nagsalita "ang akala ko noon spoiled ka lang Beatrix. Hindi ko akalaing ganito ka kasakim!" Yuon lamang ang nagtuloy ito upang damputin ang bag na nakapatong sa couch bago tinungo ang pintuan "Mag ayos ka na at hihintayin na lang kita sa lobby" he went out of the room without giving her a second look.






"Sooo...." kinikilig na bungad sa kanya ni Monique sa unang araw ng pagbabalik eskuwela niya "kumusta ang honeymoon? Magkuwento ka naman!"

"Shhh!" Saway niya rito sabay linga sa paligid "baka may makarinig sa'yo!"

"Bakit? Sikreto ba?"

"Well, he laid out some 'rules' para sa pagsasama namin" she said the word rules na itinaas pa ang magkabilang kamay upang gumawa ng quotation marks sa hangin.

"Anong rules?" Tanong naman ni Andrea na napukaw ang kyuryosidad.

"Well, he gave 3 rules and one of them is that we have to keep our marriage a secret from the university" she replied in a low tone.

"Ganon?! Oh eh ano pa yung dalawa?" Sabat muli ni Monique.

Malalim siyang bumuntong hininga "that after this sem is over..." she paused, hindi alam kung paanong itutuloy ang sasabihin "na sa San Gabriel daw kami titira!" Mangiyak ngiyak niyang sabi.

"What?!" Magkasabay na bulalas ng dalawang kaibigan niya.

"What about your studies? Saka my Gosh! Paano ka titira sa bukid?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Andrea.

"I guess, I have to transfer to the university there" she replied, halos kilabutan siya sa sariling sinabi.

Eksaherado siyang hinawakan ni Monique sa magkabilang balikat at niyugyog "wake up B! Alam kong mahal mo si Xander but this is crazy! Sigurado kong ginagawa niya ito para gantihan ka!"

"Well what do you want me to do?" Malungkot na sagot niya "it's either I go with him or he will annul our marriage!" Tila walang pag asang protesta niya.

"Maybe it's better kung ipa annul mo na lang" ani Andrea. Nakasimangot ito. "Asshole naman pala yang asawa mo eh!

Idinukdok niya ang ulo sa mesa at mahinang iniumpog iyon doon. She really doesn't know what to do anymore! Ano ba itong napasukan niya?!

Wild HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang