23.1 (Deleted Scene)

1.4K 47 1
                                    

THE GIRL had guts. Mapait na napangiti si Fred habang pinapanood ang mga video feeds na mula sa mga security cameras na nakapalibot sa buong lugar. A long time ago when he was still called Agent Rookie, he also had that kind of guts. Ganyang-ganyan din siya noong hindi pa nako-corrupt ng katotohanan at reyalidad ng buhay ang kanyang mga paniniwala at prinsipyo.

Tumutulo ang dugo mula sa kamay ng babae. May sugat ito. Siguradong nakuha nito iyon sa posas. Imposibleng nasugatan ito ng mga mga tauhan niya. Speaking of those men, they were all a bunch of idiots. Pinagsabihan na niya ang mga ito pero hindi sila nakinig sa kanya. Pero hindi naman talaga niya masisisi ang mga ito. The woman looked harmless enough. Idagdag pa na maganda talaga ito. But Fred knew better.

"Kayong dalawa," humarap siya sa dalawa niyang tauhan na nakabantay sa likod niya. He didn't need bodyguards but he liked having those men around. It just gave him some sense of power. Pinagmasadan niya ang dalawang lalaki. Ang isa sa mga ito ay medyo bata pa. Anak ito ng isa sa mga dati niyang assets. Randy ang pangalan nito pero mas gusto nitong tinatawag itong Big R. Fred didn't know why and he didn't care. Ang kasama nitong lalaki ay mas matanda dito ng kaunti. Hindi na niya matandaan ang tunay nitong pangalan pero ang tawag nila dito ay Spike.

"Ano yun, Sir Bossing?" eager na tanong ni Big R.

Fred didn't show any emotion. He didn't know where Big R got that Sir Bossing thing but he usually didn't care what they call him. "Tawagan niyo si Ryder at pabalikin dito."

"Hindi ba may misyon pa si Ryder?" tanong ni Spike.

Tiningnan lang niya si Spike. He never answered to anyone. He only answered to himself.

"Ahm, sige, Sir Bossing. Tatawagan agad namin siya," kabadong singit ni Big R.

That's what Fred wanted to hear. Ayaw niya na kinukwestiyon pa ang mga ginagawa niya. Bumaling na siyang muli sa monitor at pinanood ang babae. By now, she had already almost cleared the entire floor. Pero hindi naman nito alam na nasa isang underground building sila. Kaya kahit pa mapatumba nito ang lahat ng guwardiya niya sa floor na iyon ay kakailanganin pa rin nitong i-access ang elevator para makaalis doon. The elevator cannot be easily tampered with. Hahayaan na lang muna niya ang babae sa ginagawa nito hanggang sa mapagod ito. By then, Ryder would probably be here already.

Nang maalala si Ryder ay napangiti si Fred. Ryder was like the son he never had. Unlike his other men, Ryder seemed to have a good brain in his head and a common sense. He liked Ryder. But it didn't mean that he trusted the man completely. He can only trust Ryder to a certain level. Wala siyang pinagkakatiwalaang tao maliban sa sarili niya. Sa klase ng buhay na mayroon siya, hindi niya kayang magtiwala. A long time ago, he gave his trust to someone else. But that didn't do him any good. He just ended up losing so much of himself. A perfectly good hand was one of the things he lost. Mapait na napangiti nanaman siya habang hinahaplos ang monitor gamit ang kanyang pekeng kamay. Salamat na lang sa makabagong technology at kahit paano ay mukha pa rin iyong normal. But every day whenever he looked at the robotic hand on his right arm, he was always reminded of that time when he wrongfully trusted his so-called bestfriends.

IPINIKIT-PIKIT ni Myka ang mga mata. Hindi siya sigurado kung nanlalabo na ba iyon o sadyang mapusyaw lang ang mga ilaw sa mahabang hallway na iyon. "Ahh, damn!" napadaing si Myka nang kumirot ang kanyang tagiliran. Her left ribs didn't feel broken but it hurt like hell.

Myka tried to gasp for air even if it hurt her. Pero dahil sa ginawa niya ay parang lalong nanlabo ang paningin niya. Napasandal siya sa pader. She was hungry, thirsty, tired, bruised, and worried like hell. Those were not good physical and mental states. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng isang beep na parang doorbell. Humigpit ang pagkakahawak ng kaliwang kamay ni Myka sa baril habang ang kanan naman ay ipinaikot niya sa chain. Hindi niya alam kung ilan pa ang natitirang bala ng baril na iyon. But it would have to do for now until she get her hands on another weapon.

Ilang sandali pa ay nakarinig si Myka ng mga yabag. Masyadong nanlalabo na ang isip niya para mabilang kung ilang pares ng mga paa ang naririnig niya. Three? Maybe four? And then one pair of shoes came into her line of vision. Mabilis na gumalaw si Myka kahit na nagproprotesta ang lahat ng muscles sa katawan niya. She swung her right hand and hit the man on his chest. Pero agad na gumalaw ang lalaking nasa likod nito at pumaikot kay Myka. Then another man appeared and positioned himself on her right. Nang muling iikot ni Myka ang chain ay nahuli iyon ng isa sa mga lalaki. Nauubos na yata talaga ang lakas ni Myka dahil mabilis na natangay siya nang hilain ng lalaki ang chain. Still, she wouldn't go down without a fight. She aimed her gun to the nearest man and shot him. She kicked another man and drove her elbow to another. Narinig niyang nagmumura ang mga ito sa tuwing may tatamaan siya.

"Ryder, ano pang itinatayo mo diyan?" Narinig ni Myka na tanong ng isa sa mga lalaking nasipa niya.

May nagmura pa ng malakas. "Tinamaan ako, pre."

"Daplis lang yan," sagot ng isa pang tinig. Nakuha niyon ang atensiyon ni Myka. There was something familiar with the man's voice but she couldn't see him.

"Sabi ko naman sayo, Ryder, dapat tinira na agad natin ng pampatulog ang babaeng yan eh," pagalit na wika ng isang lalaki na sinang-ayunan agad ng iba pa nitong kasama.

Myka panicked a little. No, she couldn't allow that, damn it! Kaya naman lalo niyang nilakasan ang pagsipa sa lalaking muling umatake sa kanya. She tried to shoot the other man coming at her but the gun had already ran out of bullets.

"Fine," Myka heard that familiar voice again. And before she knew it, she came face to face with a man she just saw that morning. Or was is the other morning? Hindi sigurado si Myka kung gaano katagal siyang nawalan ng malay at kung gaano katagal na siya doon.

"E-Ethan?" Walang boses na lumabas sa bibig ni Myka kaya pabulong lang iyon.

Biglang dumilim ang mukha ni Ethan at itinaas ang dalawang kamay. Myka felt rage build up inside her. She wanted to drive her fist into Ethan's face over and over. "Myka, give it up."

"Kilala mo ang babaeng yan, Ryder?"

"Ryder?" ulit ni Myka sa pangalang itinawag dito ng mga kasama nitong goons.

"Quiet," saway naman ni Ryder aka Ethan sa mga lalaki. Pagkatapos ay itinutok na nito ang atensiyon kay Myka. "You'll just hurt yourself more, Myka."

"Damn you," wika ni Myka sa pinakamalambing na tinig na kaya niyang gawin at saka inatake si Ryder. She heard him curse but he immediately blocked her attack. Ang mga lalaking kasama nito ay nagsitabi na.

Myka continued attacking Ryder. It didn't matter than he easily blocked all her attacks. Inaamin niya na magaling ang lalaki. Sa lagay na ito ay hindi pa ito umaatake. Ryder was just letting her do all the attacking. "Damn you!" ulit ni Myka sa mas matigas na tinig. Pagkatapos ay ginamit niya ang dalawang kamay para kontrolin ang chain. It paid off because she was able to hit Ryder in the stomach.

"That's it," tumalim ang mga mata ni Ryder. "Ayaw sana kitang saktan, Myka. But you gave me no choice." And with just a few moves, Ryder was able to subdue Myka. Bahagya na lang na namalayan ni Myka na lumapit sa kanila ang mga kasama ni Ryder na lalaki. Pagkatapos ay naramdaman niyang may tumusok sa kaliwa niyang braso.

"Ano yan?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Myka habang tinitingnan ang injection na hawak ng isa sa mga lalaki.

"Wag kang mag-alala. It will just make you relax," tanging sagot ni Ryder bago naramdaman ni Myka ang panlalambot ng kanyang buong katawan. Agad naman siyang binuhat ni Ryder.

Hinang-hina ang pakiramdam ni Myka. Ang tanging parte lang yata ng katawan niya na kaya niyang igalaw ay ang kanyang mga mata. It was kind of weird because her mind was conscious. "Ano yung ininject niyo sa akin?" muling tanong ni Myka kay Ryder.

"It's just a muscle relaxant. You'll be conscious, pero hindi ka makakagalaw." Iyon lang at naglakad na ito habang buhat siya.

S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon