27 - Updated

11K 212 3
                                    

MYKA watched Luke freeze on the spot. Hindi niya ma-imagine kung anong klase ng imahe ang nakikita ni Luke ngayon habang buhat siya ni Ryder. Ang kanyang ulo ay nakapatong sa balikat ni Ryder. Ang isa niyang kamay ay nasa ibabaw ng kanyang tiyan habang ang isa naman ay nahulog na sa gilid niya. Pakiramdam niya ay isa siyang lantang gulay. Then she saw the pure confusion in Luke's eyes. She couldn't take it.

"Luke," tawag dito ni Myka pero walang lumabas na tunog sa kanyang bibig.

"Don't try to talk," wika naman ni Ryder sa mahinang tinig.

"Pero—"

"Shut up, Myka. Hindi papatayin ni Fred si Luke. Madami pa siyang plano para sa boyfriend mo," pahayag ni Ryder bago ibinaba si Myka sa isang bangko. Or was it just a long chair. She didn't know and she didn't care.

"Myka?" Luke called in a wary voice just as one of the men he was fighting with tried to punch him in the face. Muntik nang hindi nakaiwas si Luke. Agad na napahikbi si Myka.

"Wag mo nang panoorin," advice ni Ryder na sinubukang ibaling palayo ang mukha ni Myka.

But Myka answered with a firm "No!" Naramdaman niya ang titig ni Ryder sa kanya pero wala siyang pakialam. Maya-maya pa ay nagpakawala ito ng isang buntong-hininga.

"You wanna watch your boyfriend get smacked around? Be my guest," Ryder said in a gruff voice.

Myka didn't care about Ryder's opinion. All she cared about right now was Luke. Parang gusto nang umiyak ni Myka nang mapansin na parang wala nang buhay ang mga galaw ni Luke. He could barely avoid the punches of the other men. Pati ang mata nito ay parang wala na ring buhay. Kitang-kita yon ni Myka sa tuwing mapapasulyap si Luke sa kanya. It's like all the light in his eyes were all gone.

"Wag kang mag-alala kay Myka. Hindi pa siya mamamatay," mula sa kung saan ay wika ni Fred. "I promised her that I would let her watch."

"Watch what?" Luke asked incredulously.

"Kung anuman ang ipapagawa ko sa'yo," tila tuwang-tuwang pahayag ni Fred.

"Ano?" Dahil doon ay hindi nakaiwas si Luke sa isang suntok. Nasundan agad iyon ng isang sipa. Ayaw makita ni Myka na nasasaktan ito pero hindi niya mailayo ang mga mata.

Nanlalabo na ang mga mata ni Myka dahil sa luha kaya siguro hindi na niya nabilang kung ilang suntok at sipa ang tinanggap ni Luke bago itinaas ni Fred ang isang kamay para patigilin ang mga tauhan nito. Napaluhod na si Luke at yumuko naman si Fred. "Nakita ko ang ginawa mo sa baba. You've got potential. But damn! I can't believe Striker raised a son like you. You probably couldn't kill a mosquito!"

Hinaplos ni Luke ang baba nito. Then he spit blood on the ground. "What can I say? I'm pro life."

At that, Myka heard Fred laugh. "Bakit ba inisip ko agad na kay Striker ka nagmana? That sounded more like something Starlight would say. So tama pala ang desisyon ko noon na si Adam ang kunin. I bet he was more like Striker."

Biglang tumalim ang mga mata ni Luke at nagfocus kay Fred. "Don't talk about my family like you know them."

"I do know them, Luke. Once upon a time ay tinawag kong bestfriends ang mga magulang mo. Si Adam, well, we had a brief but memorable acquaintance. At siyempre, paano ko ba naman malilimutan ang bunso niyong si Raelyn. Your sweet, trusting little sister." The way Fred talked about Raen gave Myka a shiver of fear.

Myka watched as Luke scanned the area until it settled on someone. Hula ni Myka ay kay Ryder ito nakatingin. Pagkatapos ay dahan-dahan itong bumaling sa kanya. At that moment, Myka understood exactly why people became martyrs. Dahil sa puntong iyon ay willing na siyang gawin ang lahat para lang hindi makita ang pagkabahala sa sugatang mukha ni Luke. Kung pwede lang na magpalit sila ng sitwasyon. She would make a pact with the devil or seek out an evil witch if that's what it takes to spare Luke the pain and agony. But all Myka could do was mouth the three words that she hoped could at least lessen the weight of everything. I love you.

S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now