23

10.7K 231 0
                                    


NAGISING si Myka dahil sa lamig. Her whole body was shivering. Pero kasabay niyon ay gusto niyang mapasigaw ng malakas. Para kasing bawat muscle sa katawan niya ay nagproprotesta sa paggalaw. Her whole body hurt like hell.

Dahan-dahang idinilat ni Myka ang mga mata. She immediately saw that her right hand was handcuffed to the floor. Sinubukan niyang iangat ang ulo sa pagkakahiga at agad na napangiwi siya. She really felt like shit. Pakiramdam niya ay paulit-ulit na iniuntog ang ulo niya sa pader pagkatapos ay dinaganan siya ng isang ten-wheeler truck. Speaking of that, bigla niyang naalala ang nangyari bago siya nawalan ng malay. Something smashed their car. Kasunod ng alaalang iyon ay agad na binalot siya ng takot. Si Luke, hindi na niya alam kung ano ang nangyari dito. Nasaan na kaya ito?

Myka badly wanted to move, escape, and find Luke. But her whole body was screaming in pain. Kaya sinubukan na muna niyang i-assess ang sarili. "Damn," mahinang bulong ni Myka nang maramdamang nahihirapan siyang huminga. It's like there was a piercing pain in her ribs when she tried to suck in a deep breath. She then realized that she was lying on the cold floor. Nang sa wakas ay magawa niyang makabangon at makaupo ay saka niya napansin na nakapaa siya. Wala na din ang suot niyang shoulder holster at manipis na jacket. Ang kanyang buhok ay nawala na sa pagkakatali. Nahanginan ang likod ni Myka at agad na kinilabutan siya sa lamig. Noon naman niya napagtantong basang-basa ang suot niyang tank top at pantalon.

"Gising ka na pala." Nilingon ni Myka ang lalaking nagsalita. He looked like one of those stupid goons in some stupid action flick movie complete with mustache and a bad haircut. Hindi sumagot si Myka at nagpatuloy lang sa pagmamasid sa lalaki. She shivered again when cold air fanned her body.

"Pasensiya ka na sa lamig. Utos ni Boss, eh. Pati na yang pagkabasa mo. Para daw siguradong masisira ang lahat ng electronic device na nakatago sa katawan mo." Then the man looked down on Myka's body. Kinilabutan nanaman siya pero alam niyang hindi na iyon dahil sa lamig. Nakakakilabot kasi ang paraan ng pagtingin sa kanya ng lalaki na parang ngayon lang ito nakakita ng isang babae. "Ano'ng pangalan mo?" By that time, nakaluhod na sa harap ni Myka ang lalaki. Ang isa nitong kamay ay nakapatong sa isang tuhod nito at ang isa naman ay nakaangat na parang gusto siyang hawakan.

Pumiksi si Myka nang maramdaman ang pagdampi ng palad ng lalaki sa kanyang pisngi. "Shh..." mabilis na alo nito. "Hindi kita sasaktan."

Yeah, right, wika ni Myka sa isip. She was done with this helpless female act. She couldn't stomach being touched by this man anymore. Kaya nang muling ilapit ng lalaki ang kamay sa kanyang mukha ay pinigilan na iyon ni Myka. She gripped the man's wrist so hard that she could swear her nails were digging into his flesh.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Nakatingin ito sa kanya na parang hindi makapaniwala sa nangyayari. Sa buong pagkakataong iyon ay walang kahit anong reaksiyong ipinakita si Myka. She blocked out the pain and raised her right hand to circle the man's neck. Kasabay niyon ay pumaikot din sa leeg nito ang mahabang chain na nagkokonekta sa posas at sa sahig. The man struggled to free himself but he was no match with Myka's expert maneuvering. Ang hindi lang inaasahan ni Myka ay ang pagpindot nito sa kung anumang gadget na nakasuksok sa belt nito. Ilang sandali pa ay may dalawa pang lalaking pumasok sa kuwartong iyon.

"Dante, ano'ng-" agad na natigilan ang unang lalaking pumasok nang makita ang lalaking tinawag nitong Dante na nakahiga sa sahig habang si Myka ay nakaupo sa tabi nito. The chain on her handcuff was still around the man's neck.

"Bakit, pre?" tanong ng lalaking nakasunod dito. Halatang hindi nag-e-expect ang mga ito ng panganib.

Then Myka watched the faces of the two men turn white with anger. "Ano'ng ginawa mo?" galit na tanong ng unang lalaki na nakalapit na kay Myka. Inalis nito ang pagkakapalibot ng chain sa leeg ni Dante at hinaklit ang kanyang kaliwang kamay.

Kahit na ayaw ni Myka na magreact ay hindi parin niya napigilan ang sariling dumaing. Damn, that really hurt! Nang dumiin ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang kaliwang braso ay awtomatiko ang naging galaw niya. Myka kicked him between the legs. She knew how men treasured that thing between their legs and she never passed up the opportunity to use that to her advantage. Ang mga kapwa niya STAID agents na lalaki ay lagi siyang sinasabihan na wala siyang awa dahil doon pero wala siyang pakialam. As long as she got the results she wanted, she didn't mind being cruel one bit.

Malakas na nagmura ang lalaking sinipa ni Myka. Lumuwag din ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Iyon lang ang hinihintay niya bago ini-apply dito ang mga one-handed techniques na matagal na niyang gustong gamitin. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang naglabas ng baril ang pangalawang lalaki. Shit! It would be hard to reach him. Nasa kabilang dulo kasi ito ng kuwarto na malapit sa pinto. The man could run out anytime. Hindi iyon gusto ni Myka. The last thing she needed was for the other guards to come here.

Myka mentally calculated her next move. Ang tanging paraan para maabot niya ang pangalawang lalaki ay kung hihiga siya sa sahig at sisipain ito. So she slowly lowered her body to the floor and her knee hit the floor with a thud. Napangiwi si Myka sa sakit.

"Wag kang gagalaw," babala ng lalaki habang nakatutok sa kanya ang baril. But Myka was never really the obedient type. Nagpatuloy siya sa paggalaw hanggang sa maiunat niya ang paa. And in one quick motion, she swiped her leg on the floor. Napahiga ang lalaki. And again, she targeted the man's "treasure" with one forceful kick. Ang problema lang ay napindot ng lalaki ang trigger ng hawak na baril.

"Damn, amateur!" Myka muttered under her breath. Hindi ba alam ng lalaking ito ang tamang paghawak ng baril? You weren't supposed to put your index finger against the trigger until you're ready to shoot. Mabuti na lang at hindi siya tinamaan. Pero hindi naman iyon ang inaalala niya. She was pissed that all the people in that place probably heard the gunshot. At hindi nga siya nagkamali. Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng mga paparating na yabag. "Shit!"

Mabilis na inagaw ni Myka ang baril sa lalaking namimilipit pa rin sa sakit. At dahil hindi na niya kailangan pang manatiling tahimik ay binaril niya ang parte ng sahig kung saan nakakabit ang chain. She fired three times until she was able to pull the whole thing off the floor. Kahit pa gusto niyang makawala agad sa pagkakaposas ay naisip niyang maaari niya iyong magamit bilang armas.

Nang magsidatingan ang mga guwardiya ay hinawakan ni Myka ng mahigpit ang chain at mabilis na iwinasiwas iyon sa ere. May tinamaang isang lalaki. Inulit niya ang ginawa at may tinamaan muling dalawa pa. Naisip niya na convenient din palang gamitin ang chain kapag madami ang kalaban. In the next few seconds, all the four men who came in were either dead or unconscious.

Dali-daling lumabas si Myka. Hindi niya alintana ang pananakit ng katawan. Ni hindi niya pinansin ang sugat sa kanyang kamay na nakuha niya mula sa posas. Her blood could fucking drip all over the place but she didn't care. All she cared about right now was finding Luke.

************************


S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon