"Gusto ko lang naman na makitang masaya si Kuya Kyle." Sabi pa niya. "Bakit?" Tanong ko.

"Aalis na kasi ako next week papuntang Canada. Doon daw ako mag-aaral eh. Kaso ayaw ipaalam ni Mama kay Kuya Kyle. Kasi close kami ni Kuya eh, at hindi siya papayag kapag nalaman niya yun."

Tinignan ko siya. Medyo may lungkot sa mukha niya. Pero nakangiti siyang nakatingin sa pinsan niya.

"Babalik ka pa ba?" Tanong ko.

"Ewan ko. Baka Oo, baka Hindi."

Bigla akong nalungkot. Nahahawa ako sa nararamdaman niya. Siguro dahil ang lungkot niya magsalita.

"Bleh, ang drama ko." Sabi niya. "Tara, dun tayo sa kanila." Pagiiba niya ng topic.

Ganun pala ang pinagdadaanan ni Brisa. Pero she still decides to stay happy.

Lumapit si Brisa kina Violet at nakipag-usap.

Naisipan ko lang na umupo dito mag-isa. I want to free my mind.

Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang hangin.

Maya maya pa ay may kumalabit sa akin. Minulat ko agad ang mata ko.

"Anong ginagawa mo jan?" Tanong ni Darren. Umupo din siya sa tabi ko.

"Wala. Nag-rerelax ng isipan." Sabi ko. "Feeling ko kasi sasabog na ako sa daming iniisip."

"Bakit, ano ba ang mga iniisip mo?"

Ikaw, gusto kong sabihin, pero hindi ko na sinabi. Imbes ay iba ang sinagot ko.

"Mga projects, activities, life, si Kelvin-"

Bigla akong napahinto.

Humarap ako sa kanya. "Nasaan kaya siya? Ni hindi na siya nagpaparamdam sa akin eh. Nagalit ba siya sakin?"

"Sinubukan mo na ba na kausapin siya?"

"Oo. Kaso ewan ko ba, kung anong nangyayari sa lalaking yun. Bigla nalang nawawala."

Inakbayan niya ako. "Nandito naman ako diba?"

And with that, napangiti niya ako.

∽•∽

Kelvin's P.O.V.

"I love you." Sabi ni Megan sa akin.

Ilang linggo ko pa lang uli siya nakakasama, pero nahuhulog na ulit ako sa kanya.

Ayaw niya daw muna umuwi sa bahay nila kasi may problema sila sa pamilya. Tinanggap ko naman siya sa bahay namin. Madalas kaming nag-kuwekwentuhan.

"Nagsisisi na ako sa ginawa ko sayo noon. Napaka-stupid ko para gawin yun sayo. Hindi man lang ako nag-isip." Sabi niya. "Kelvin, I'm sorry."

Niyakap ko lang siya. At naramdaman ko na alam na niya na pinapatawad ko na siya.

"You need to chill a bit." Sabi ko. "Movie?"

∽•∽

Via's P.O.V.

Sa dinami dami ng problema, ang napunta pa sakin ay Love Life Problems. Teka teka, may love life ba ako?

Ewan ko ba! Ang gulo gulo! Sana malinawan na ako. Paki untog nga ako ng matauhan na.

"Order ako ng snacks sa loob, gusto mo?"

Tumango lang ako.

Umalis na siya papasok ng restaurant.

"Via! Sali ka!" Tawag ni Brisa.

Perfectly Mine (Darren Espanto) | ✓Where stories live. Discover now