= 4 =

85 4 0
                                    

Ace's POV

"T-teka! Ano ba pinagsasabi niyo?" Nagtatakang tanong ko.

"I told them to tell it to you guys na sasamahan niyo sila bukas at sa Wednesday" napalingon kami sa boses nayon.

Si principal pala! Kakapasok lang niya sa SSG Office.

"Goodafternoon Sir" bati ni luna at sabay sabay kaming nag bow.

"Okay stand straight" utos nito na sinunod naman naming walo "Pansin niyo namang puro babae ang nakakataas sa SSG Officers natin kaya naisip kong samahan niyo sila, okay lang sana na sila lang eh kaso malayo ang pupuntahan nila sa wednesday. Sasamahan niyo sila sa Baguio dahil nandon ang relatives ko na nag susupply ng flowers makakamura tayo pag dun kukuha, we need some sunflower and rose's for our guests at the closing program" pagpapaliwanag neto pero nagtataka padin ako.

"Pero bakit ho kami?" Tanong ko.

"Great question! kasi mukang mapagkakatiwalaan at maasahan kayo, kaya kayo ang pinili ko. You guys won't mind about my request right?"

"Uh no sir we all agree hehehe" nagtatakang napalingon kami kay maxen sa sagot niya.

"Okay that's good! Tutulungan niyo sila Luna bukas mag design dito sa grounds ha? Pupunta ako bukas dito para icheck kalagayan niyo. That's all thank you again President luna and SSG Officers for your hardwork see you guys tomorrow" nakangiting paalam nito sa amin saka tuluyang lumabas.

"Shit naman maxen bakit ka sumang ayon?!" Singhal ko dito, na kinainis niya.

"Parang may choice tayo ah?! Principal na nakiusap satin kaya pano natin matatanggihan yon?!" Sigaw nito saken.

"Tama na kung ayaw niyo naman edi wag madali lang naman kami kausap tch, kaya wag na kayo mag away" sabi ni luna sa malamig at seryoso nanamang boses na dumaan sa gitna namin ni maxen at saka umalis, na sinundan ni jiselle sunod ni xena.

"Pag mag babago isip niyo punta kayo dito ng six ng umaga malaking tulong sana magagawa niyo bukas kung pupunta kayo pero okay lang naman kung hinde hehe salamat at paalam" sumunod nading umalis si blaze.

"Tawagan niyo nalang ako pag sang ayon nadin kayo, sa ayaw at gusto niyo tutulong ako bukas! kawawa sila lam niyo yon? pito lang sila tapos dedesignan nila buong grounds ng school? Baka next year na sila matapos non mga tol, sige mauuna na ako" halatang inis na sabi ni maxen saka tuluyang lumabas.

"Tama si maxen tol pag isipan mo muna tara na" tapik sakin ni lhor.

At sabay sabay na kaming tatlo lumabas ng school papuntang parking lot, pagkadating namin don wala ng sasakyan ni maxen kaming nakita.

"Mauuna nako mga tol tawagan niyo nalang din ako ingat kayo" paalam ni lhor na tumango naman ako.

"Ingat din tol" sabi ni axel at saka umalis si lhor.

"Sige na tol mauna kana" sabi ko na ikanatango naman nito.

"Sana makapag desisyon kana tol ingat ka ah mauna na ako"

"Sige tol ingat susunod na ako" tumango ito saka sumakay sa sasakyan niya at umalis.

Makalipas ang sampung minuto ay nakapag desisyon nakong umalis, pero bago ako makasakay sa aking sasakyan ay nag ring ang aking phone.

Nakalagay sa aking screen ay si mom kaya sinagot ko.

"Baby aalis kami ng dad mo may emergency meeting kasi kami sa korea ikaw na muna bahala sa bahay"

"Pero mom kakadating niyo lang ni dad??"

"Yes baby i know we also want to stay here for long but this is really urgent i'm sorry baby babawi nalang ako sayo"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ExchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon