= 2 =

53 3 15
                                    

Ace's POV

"Goodmorning to all of you my schoolmates it will be my pleasure to announce all of this but first i have to introduce myself i am Luna Blair your SSG President" nag bow siya pagkatapos mag pakilala.

'kinginang ganda yan oh!'

Tss pero anong pake ko sa ganda niya mamaya lampa naman yan, ganda lang meron siya.

Gusto ko sa isang babae mabango, maganda pero dapat cute din lalo na pag bagong gising, matangkad, sexy, player ng kahit anong sports, maganda ang mga ngiti, mataas ang iq o matalino, marunong magluto, mabait at higit sa lahat malambot katawan dancer man o hinde basta makitaan ko ng galing sa pagsasayaw turn on saken yon.

Oh ano? Ganyan ang gusto ko sa isang babae lupet diba? Kaya di pa ko nagkakagirlfriend kasi napaka arte ko eh namimili pa hahahaha!

Syempre noh para pag nahanap ko nayan pwede ng asawahin agad hahahaha!

Kaya yang Luna nayan tss wala pa yata sa kalahati ng tipo ko sa babae ang nasa kanya.

"Ikinagagalak kong banggitin sa inyo na may magaganap na sportfest sa atin next month...........jiselle" tawag nito sa secretary na may inabot sa kanyang clipboard saka ito bumalik sa upuan nila sa gitna ng stage kasama ng ibang Officer.

"This sportsfest is for everyone in the college department, here in Filipinas Académica University we only have six courses. So this six courses will be the contestants who will be joining the sportsfest and the exciting part of this sportsfest is principal have already talked with some of our professors na ang mga mananalo na players ay mae- exempted sa midterm exam but per subjects ito, kung ilan ang sinalihan mo ayun ang exemption mo and you have the rights to choose what subject you want to exempt"

"Whoooooooooooooo!!!"

"Ayossss yannn!!!"

"And to be fair for those students who doesn't know how to play any sports ay pag nakita silang mag cheer bibigyan sila ng plus points since naghirap din naman ang kanilang boses"

"Yun oh!"

"Yes naman!!"

"Wait there's more there will be an opening and closing program before and after our sportsfest. So in the opening this is for girls only and in the closing is for boys only, in the opening the girls will compete for the best performance in dancing and our principal will choose kung ano ang sasayawin then for the closing naman there will be some challenges that only boys is allowed to participate"

At kung ano ano pa ang pinagsasabi niya tungkol sa sportfest nayan.

"Ang habilin sakin ng principal natin ay pagkadating ng eight o'clock ay may break tayo for eating breakfast until eight thirty, so.......it's already eight you guys may take your break"

Di ko namalayang unti unti na palang nag alisan ang mga tao dahil sa kakatitig ko sa Luna nayan!tss.

"Tol mamaya mo na ulit siyang pag masdan may mamaya pa naman eh" biro ni maxen kaya sinamaan ko siya ng tingin "biro lang ito naman tara na kasi sa canteen nagugutom na ako eh!" Pagdra-drama nito.

Tumingin muli ako sa stage bago tumayo at don nakita kong pababa na sila mukang makakasabay pa namin sila sa pag labas sa gymnasium ah.

At totoo nga nasa unahan namin silang apat.

"Kawawa naman ang ate mo luna ubos ang boses kaka announce hahahaha!" Sabi nung pinaka matangkad sa kanila na si blaze.

"Sana all masipag diba tch, buti nalang di ako ang naging president kasi sa tingin ko di ko kayang i-handle ang anim na courses ng school natin, jusko po bat naman kase may SSG pa sa atin eh diba pang secondary lang yon!" Reklamo ni xena.

ExchangeWhere stories live. Discover now