= 1 =

125 6 19
                                    

Ace's POV

"Mom papasok na ho ako" sabi ko kay mom at tumango naman siya kaya hinalikan ko siya sa pisnge bago tuluyang umalis.

Habang nagmamaneho ako kinuha ko yung phone ko at dinial ang number ni lhor.

"Oh napatawag ka?" Halatang bagong gising na tanong niya.

"Anak ng pusa kanaman tol anong oras na kakagising mo palang?"

"Pake mo ba napasarap tulog ko eh!"

"Hays bilisan mo na nga jan! maaga tayo ngayon kasi may meeting daw sabi ni Mam Lida, tatawagan ko nalang din sila maxen"

"Sige tol kikilos na ako, salamat salamat"

Inend ko na ang call namen at saka sinunod tawagan si maxen at axel. Papunta na ang dalawa si lhor nalang talaga, sabagay ayon ang prinsesa namin eh napakabagal kumilos kala mo naman nag aayos pa.

Dahil malapit lang naman ang FAU samen ay narating ko ka agad ito, pinark ko ang aking sasakyan sa palagi kong pwesto. Nilingon ko ang katabi ko ay wala pa ang mga kaibigan ko.

"Ha! Ang bait ko talaga ako nanaman ang pinaka maaga tss"

Sumandal muna ako sa kotse ko para intayin sila, alam ko namang paparating nadin yon sila.

Maya maya lang ay magkasunod ng dumating ang dalawang kotse, nag park ito sa dalawang gilid ko kaya naman ang sasakyan ko ang pumagitna.

"Yow wazzup our dear ace!" masayang bati ni maxen.

Sinamaan ko naman siya ng tingin "bading!" singhal ko na ikinasira ng muka niya.

"Ulol bading ka jan masaya lang bading na agad?"

"Magandang umaga ace" mahinahong bati ni axel saken.

"Hmm goodmorning" blankong bati ko.

"Muka ngang masaya ka ngayon maxen at bakit naman?" Tanong ni axel na ikinangiti naman ulit ni maxen.

'tss bading!'

"Syempre! Makikita ko nanaman si baby ko hehehe"

"Ulol feelingero! baby baby ka jan eh ni pag amin nga ng nararamdaman mo di mo magawa eh tapos pa baby baby kapa jan! Saka wag ka nga wala kang baby wala kanamang gusto tss" singhal ko ulit na ikinasama ng tingin niya saken.

"Hayaan mo na pre ganyan talaga pag ngsb" tinapik ni axel ang balikat ni maxen na tumatango'ng sang ayon nito.

"Gago!" Sinamaan ko sila ng tingin.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Tawanan nila.

Buti nalang at may humarurot na sasakyan sa harapan. At kilala na namin kung sino yon.

"Lhor..."

"Himala bilis mo yata ngayon tol" nakangiting tanong ni maxen.

"Kingina tol syempre! Ayokong malate noh hahahahaha!" tawa naman nito at nakitawa naman si axel.

Itong dalawang toh ang laging tumatawa saming apat, kadalasan ay bigla bigla nalang tatawa yung dalawang yan na parang mga siraulo. Sila talaga ang mood maker samen, kaya sila ang pinaka masayahin.

ExchangeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant