Chapter 3: A Whore?

Start from the beginning
                                    

"Then that will be your last time holding a butt." Sumeryoso ang aking mukha at humarap sa kaniya.

Pagkatapos ay walang pakundangang sinipa ang kayamanan niya, dahilan upang mamilipit siya sa sakit. Ngunit hindi pa ako nakuntento at hinawakan ang kamay niya at ipinakot ito papunta sa likuran niya. Marahas ko siyang isinandal paharap sa pinto ng elevator, at idiniin ang pagkakasandal dito. Rinig na rinig ko ang impit niya boses dahil sa ginagawa ko at mas lalo pang itinaas ang braso niya sa likuran.

"Magpasalamat ka at wala ako sa mood para balian ka ng kamay. Pero sa susunod na gawin mo pa ito sa akin, o kahit na sinong babae, hindi lang kita babaliin ng kamay, puputulan pa kita." Makahulugan kong wika, kasabay ng muling pagbukas ng elevator, hudyat na nakarating na ako sa pakay kong palapag.

Sinipa ko palabas ang lalaking hawak ko dahilan upang sumubsob siya sa sahig at umagaw sa atensyon ng mga taong nasa palapag na iyon. I just don't give a damn on their gazes and glared at the man lying on the floor. I just scoffed at him and walked like nothing happened.

Naglakad ako palapit sa pinto kung nasaan ang pakay ko. Pero mabilis akong hinarang ng isang babae.

"Excuse me, may appointment po ba kayo?" Tanong nito at tinaasan pa ako ng kilay.

Pinasadahan ko lang siya ng tingin. She looks clueless for who I am. "I'm here to check my husband." Sagot ko.

Namilog ang kaniyang mga mata at napatakip ng bibig na parang nagulat sa sinabi ko. Pagkatapos ay tinignan ako mula ulo hanggang paa bago muling ibalik ang tingin sa akin. I'm just wearing a white shirt, gray trousers and a pair of black Kaluci slippers.

"Are you one of Mr. Sandoval's whore?" Tanong niya na ikinataas ko ng kilay.

Whore? Huh!

Hindi pa ako nakakapagsalita nang muli siyang magsalita. "Excuse me, pero wala si Mr. Sandoval ngayon, nasa business trip siya. Kung ako tawagan mo na lang siya at sa motel na lang kayo magkita. Dahil hindi maganda na pumupunta ka pa dito sa opisina niya para mamalimos." Umirap ito. "Mga pulubi ng naman." Pang-iinsulto niya at ikinumpas pa ang kamay na parang itinataboy ako.

Narinig kong napasinghap ang mga tao sa paligid. This bitch is clueless.

"Ano pang hinihintay mo, alis na!" Pag-uulit nito at nagpatuloy sa pagkumpas ng kamay.

Napatingala na lang ako at bumuga ng hangin, bago siya tignan.

"First, you stepped in front of me. Second, you called me whore. Third, you shoo me away like a stray dog. Fourth, you called me beggar not knowing that I'm wearing expensive items. Fifth, you insulted me infront of other people." Paliwanag ko ngunit ngumiti lamang siya at tumango na parang tama lahat ng sinabi ko.

Napatingala akong muli at bumuga ng hangin. Nagtitimping basagin ang pagmumukha ng damuho na ito, bago siya muling tignan.

"Do you love your job, lady?" Pinilit kong itago ang inis na nararamdaman sa kaniya.

Mabilis naman siyang tumango. "At ang trabaho ko ay paalisin ka dito. Hindi puwedeng pakalat-kalat ang mga nang-aagaw ng lakas at namamalimos sa kompanya." Nakangiti nitong wika.

I just scoffed and shooked my head in disbelief. This girl hitted me to the core. "What's your name, lady?" Tanong ko.

Magiliw itong ngumiti. "Louise Rivera, head of the finance." May pagmamalaki nitong wika.

Tumango-tango naman ako. "Hindi ko alam na ang pang-iinsulto at pagtataboy ng tao ang trabaho ng isang head of finance." I said cockily at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. I'd just sent some text to Jessie at ibinalik na ito sa bulsa. "Please expect you have no job starting tomorrow." Seryosong sambit ko.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK III]Where stories live. Discover now