Chapter 63

1.7K 38 8
                                    

Hanna's P.O.V.

Mabilis ang naging recovery ni Dwight kaya pagkatapos ng isang linggo nakalabas agad ito ng ospital. Ako naman ay palaging nakasuporta at nakaalalay dito. Hindi ako umalis sa tabi nito dahil bawat araw na kasama ko siya talagang pinapahalagahan ko. Natuto akong pahalagahan ang bawat oras na nagdaan mula ng muntik na itong mawala sa akin.

Nang makalabas naman ito araw-araw itong tumutulong sa karenderya namin bilang tagaserve ng pagkain. Minsan nga ito din ang nagluluto dahil masarap naman talaga itong magluto. Mas dumami tuloy ang customer namin lalo na ang mga kababaihan na nagwagwapohan dito. Npapangiti nalang ako kapag may babaeng lumalapit dito para humingi ng number dahil ang number ko ang binibigay nito.

Iba-iba narin ito. Hindi na ito ang Dwight na kilala ko. Ang Dwight na masungit, suplado, tahimik at higit sa lahat may nakatagong lungkot sa puso ay wala na. Ang Dwight na nasa harap ko ngayon ay palangiti, maalaga at masaya na sa piling ko.

Katatapos lang namin tumulong sa kanten ng araw na iyon. Lumapit ito kaagad sa akin.

"Mhine...halika ipagpapaalam kita kay nanay at tatay may pupuntahan tayo." nakangiting sabi nito.

"Ahmm... Saan naman tayo pupunta." ako

"Secret!" Dwight

Natatawang sumunod ako dito dahil may pasecret secret na itong nalalaman ngayon. Pagkatapos makapagpaalam ay sumakay kami ng sasakyan nito. Pamilyar sa akin ang daang tinatahak namin. Patungo iyon sa hidden paradise na pinagdalhan nito noon sa akin.

Pagdating doon bumaba kami ngunit napansin kong may malaking gate na bakal na iyon. Dati kasi parang cyclon wire lang ang nagsisilbing harang doon.

Pumasok kami sa loob at bumungad sa akin ang isang malaking bahay na kulay puti. Wala ito pa ito doon noon kaya hindi ko inaasahan iyon.

"Sa bahay na iyan bubuuhin natin ang ating pamilya... Jan tayo bubuo ng isang dosenang anak." sabi nito mula sa likuran ko.

Naramdaman kong unti-unti itong lumapit sa tabi ko. Hinawakan nito ang kamay ko at parang may singsing na unti-unting pinasok sa palasingsingan ko kaya napatingin ako. Tama nga ang hinala ko na singsing iyon. Isa iyong napakagandang diamond ring.

"Pakasal na tayo.. Hindi ko na mahihintay ang araw na maging ina ka ng magiging anak ko Hanna." seryoso itong habang natingin sa akin. "I'm sorry if nahuli ang pagbibigay ko ng engagement ring natin."

Nayakap ko nalang ito dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.

"Oo Dwight... Pakasal na tayo dahil gusto ko na ring makita ang mga little Dwight natin." naluluha kong sagot.

Sa ilalim ng palubog na araw... Sa may dalampasigan kami nakaupo sa buhangin habang tinitingnan ang tuluyang paglubog ng araw. Nakahilig ako sa balikat nito at nakahawak sa kamay nito.

"Araw-araw .. Sa paraisong ito sabay nating panunoorin ang paglubog ng araw mula sa araw na ito." Dwight

"Oo tama ka.. Sa bawat paglubog ng araw ay dapat nating ipagpasalamat dahil natapos ang araw na magkasama parin tayo." ako

"Kapag dumating man ang araw na mag-away tayo.. O mawala ang pagmamahal mo sa akin sabihin mo lang dahil babalik tayo sa simula.. Liligawan ulit kita hanggang sa makuha ko ulit ang puso mo." Dwight

"Hindi mangyayari yan dahil ang pag-ibig ko sayo ay panghabang buhay. Kung dumating man yan hindi parin kita iiwan dahil para sa akin ikaw lang ang tanging taong nakalaan sa akin. Muling alalahanin ko ang mga araw na inalay mo ang buhay mo sa akin para sa kaligtasan ko dahil ikaw ang dahilan kung bakit buhay parin ako." ako

Sa seryosong pag-uusap namin biglang nagring ang phone ni Dwight.

"Helo Dylan bakit napatawag ka?" Dwight

"Dwight pumunta ka sa ospital si Yesha manganganak na " natataranta nitong sabi.  Iyon ang unang beses na nakita kong nataranta ito dahil kahit anong laban at kahit gano pa karami ang nakakalaban namin minsan man hindi ko ito nakitang natakot o natataranta kay Yesha lang. Sadyang ganyan nga siguro ang pag-_ibig dahil wala akong kinakatakotan dati ngayon si Hanna na ang kahinaan ko.

"Anong nangyari bakit napatawag si Dylan?"

"Manganganak na daw si Yesha." ako

"Ano? Halikana puntahan na natin sila sa ospital." Hanna

Umalis na nga kami kaagad at pinunthan si Dylan at Hanna sa ospital.

Dylan's P.O.V.

Nahihirapan akong tinangnan si Yesha habang naglalabor. Parang gusto kong akuin lahat ng sakit na nararamdaman nito kung pwedi lang. Maya-maya ay pinasok na ito sa isang kwarto ngunit hindi ako pweding pumasok sa loob kaya naiwan ako doon na hindi mapakali. Si Ate Lauren naman ay tinitingnan lang ako.At sa ilang saglit lang narinig ko mula sa labas ang pag-iyak ng  isang sanggol nailabas nga nito ang baby girl namin.

Nakahiga na si Yesha sa kama. Pagod na pagod ang mukha nito ngunit nakikita mo sa mga mata nitong masayang-masaya ito.

Maya-maya lang ay dinala ng nurse ang baby namin at hiniga binigay kay Yesha. Parang may malamig na palad na humaplos sa puso ko habang nakikita ko sa ganong ayos ang mag-ina ko. Kaya hindi ko napigilang kunan ito ng litrato.

"Moon.. Ang baby natin." naluluhang sabi nito. Kinuha ko ang baby mula dito.

Iyon pala ang pakiramdam kapag nakita mo na ang anak mo. Parang wala kanang mahihiling pa sa sobrang saya.

"Welcome to the world baby Shanayah." sabi ko habang hawak-hawak ang maliliit na kamay nito.

"Thank you star for giving birth with this beautiful angel." Maluha-luha kong sabi ko kay Yesha.

Ngayon buo na ang pamilya namin dahil sa pagdating ng isang regalo mula sa langit. Kamukhang-kamukha nito ang baby namin mula sa mga mata nito, ilong at pati ang mga labi nito talagang kuha-kuha nito kay Yesha. Naluluhang tiningnan ko ang baby namin habang payapang natutulog.

Maya-maya ay nakatulog na rin si Yesha. Dumating naman doon si Dylan at Hanna. Sumunod din si Ayesha. Isa-isa nilang binuhat si Baby. Nakikita ko din kay Dwight na masaya na ito ngayon sa piling ni Hanna.


Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon