Chapter 25

1.5K 45 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Kinagabihan mula nang turuan ko si Hanna kung paano lumangoy hindi agad ako dinalaw ng antok kaya bumangon ulit ako mula sa pagkakahiga.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Clark.

"Krigggg....kringgg...Kringgggg" nakatatlong ring pa nang sagutin nito ang cellphone.

"Helo Dwight? " inaantok nitong sabi siguro'y nagising ko ito mula sa pagtulog nito. Alas 11:00 na din kasi iyon ng gabi.

"Clark I just wanna ask you something." ako

"So what do you want to ask?" Clark

" Paano mo ba malalaman kapag gf mo na ang isang babae?" tanong ko.

"Seriously? Si Dwight nagtatanong ng ganitong bagay?" gulat na sabi nito na ikinawala pa yata ng antok nito.

"Are you going to answer my question o gusto mong gawin kitang targe ng shutgun ko." seryoso kong sabi.

"Ito naman highblood agad. " -Clark

"So paano nga?" ako

" Alright. Nagtapat kana ba sa babaeng yan tungkol sa nararamdaman mo sa kanya? Nag-i love you kana ba sa kanya o nagdadate na ba kayo?" sunod-sunod na tanong nito.

"Kailangan pa ba yon?" nakakunot noo kong tanong. Akala ko kasi kapag hinalikan mo na ang isang babae ibig sabihin kayo na. So kailangan pala munang magtapat dito.

"Seriouly Dwight? So hindi kapa umamin sa kanya? Eh hindi mo pa pala alam kong pareho kayo nang nararamdan."

Napaisip din ako sa sinabi nito. Paano nga pala kapag wala itong gusto sa akin?

"So kailangan ko bang sabihing mahal ko siya at hintaying sabihin niya din na mahal niya ako bago matawag na gf ko na siya?"

"Hayyy.. Hindi ko alam na ganito ka kainosente sa pag-ibig..syempre no kailangan yon kung ayaw mong magaya sa akin na basta nalang iniwan ng taong mahal ko dahil nag expect ako na mahal niya rin ako." naghugot na naman ito.

"Ok salamat.. Pwedi ka nang matulog ulit." ako

"sana all makakatulog ulit kapag nagising na... Tulad sa love sana all makamove on agad kapag iniwan na." sabi nito na nagdrama na namn sa dating lovelife nito.

Kwento kasi nito sa amin n basta nalang nawala ang babaeng mahal nito na hindi man lang nagpapaalam kaya lagi nalang ito naghuhugot sa pag-ibig.

"Sige bye na." sabi ko sabay patay ng cellphone dahil siguradong may sasabihin pa ito kapag hindi ko inunahan sa pagbaba ng cellphone.

Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Iniisip  ko ang sinabing iyon ni Clark. Paano ako magtatapat kay Hanna. Ano ba ang mga dapat gawin? Hindi ko alam ang mga ganong bagay dahil never pa naman akong nagkagf. Kung nandito sana si Dylan magaling kasi yon sa babae.

Tatawagan ko sana ulit si Clark kaya lang naisip ko baka tulog na ulit iyon. Kaya si Zyrus ang tinawagan ko dahil baka gising pa sa pagbabantay ng internet Cafe nito.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now