Chapter 32

1.4K 31 0
                                    


Hanna's P.O.V.

Napansin kong bigla nalang nag-iba ang expression ng mukha ni Dwight matapos makausap ang tinawagan nito. Malakas ang pakiramdam ko na may masamang nangyari. Nagulat nalang ako nang biglang pagsusutokin nito ang leader ng mga lalaking kumidnap sa amin ni Estifany.

Natigilan ako saglit dahil sa nakitang ganoong reaksyon ni Dwight. Para itong naging isang mabangis na Leon biglang sinunggaban ang kaharap na lalaki.

Sinubukan kong pigilan ito ngunit tinabig ako nito. Aaminin kong nasaktan ako sa ginawa nito pero gusto kong intindihin ito. Ang mga kaibigan na nito ang pumigil sa bandang huli bago paman nito mapatay sa bugbug ang lalaki.

Maya-maya ay bigla nalang itong tumayo at tuloy-tuloy na umalis na hindi man lang nagpaalam. Tinawag ko pa ito nang ilang ulit ngunit parang wala itong narinig at hindi pinansin ang tawag ko. Mas lalong lumikas ang pakiramdam ko na merong hindi magandang nangyayari kaya naging ganon ang pakikitungo nito.

Maya-maya ay dumating na ang mga pulis at hinuli ang mga armadong nandoon. Pinulot ko ang cellphone ni Dwight na nasa sahig. Kinausap naman ni Zyrus ang isang pulis pagkatapos ay umalis na rin kami sa lugar na iyon.

Sa sasakyan ni Zyrus kami sumakay kasama si Estifany. Tahimik lang kaming nakaupo doon. Lahat kami ay may mga malalim na iniisip kaya walang sinuman sa amin ang nagsalita.

Si Dwight ang laman ng isip ko. Palaisipan sa akin biglang pag-iba ng ikinilos nito. Parang pakiramdam ko ay may mabigat itong dinadala bago umalis kanina.

Biglang nagring ang cellphone ni Dwight na hawak ko parin sa kamay ko. Nang buksan ko ay may kaunting crack na ang screen niyon siguro dahil sa malakas na paghagis nito kanina. Ang driver ni lola ang tumawag kaya agad ko iyong sinagot.

"Sir dinala ko na po sa morgue si Maam Dianne.. Sorry po hindi ko siya nagawang protektahan." garalgal ang boses na sabi ni Mang Alfred sa kabilang linya.

Para akong pinagsakluban nang langit sa ibinalita nito.Hindi ko magawang magsalita at sumagot dito dahil kusang tumulo ang mga luha ko.

Ngayon alam ko na kung bakit ganon nalang ang ikinilos ni Dwight kanina. Ngayon alam ko na kung bakit may mga luhang biglang tumulo sa mga mata ko. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Ang sakit na nararamdaman nito ngayon ay parang salamin na biglang nagreflect ang sakit patungo sa puso ko.

Hindi ko napansing umiiyak na rin pala ako.

"Sir? Nanjan kapa ba? Sir?" - pukaw ni mang Alfred.

"M-manong saan pong morgue? Pupunta po ako." gumaralgal na ang boses ko dahil sa pag-iyak.

Ibinigay naman nito ang address kung saang morgue nakahimlay si Lola. Nanginginig ang kamay kong denial ang number ko. Nasa kotse kasi ni Dwight ang cellphone ko.

"What's wrong Hanna?" tanong ni Zyrus siguro napansin nito ang tahimik kung pag-iyak mula sa side mirror.

"Hanna anong nangyari ? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala namang tanong ni Estifany. Hindi ako sumagot dahil sa sakit na nararamdaman ko kundi niyakap ko si Estifany at umiyak sa balikat nito.

Dwight's P.O.V.

Nanginginig ang katawan ko dahil sa halo-halong damdaming lumulukob sa aking pagkatao. Galit, lungkot, sakit, paghihinagpis at pangungulila. Iyon ang saktong nararamdaman ko habang binabagtas ang daan na posibleng daanan ni Grandma papunta sa bahay ni tita Isabel.

Malapit na ako sa bahay ni Tita ngunit hindi ko na makita ang sasakyang sinakyan nito. Halos sasabog na ang utak ko sa kakaisip kong paano nangyari ang lahat ng ito. Inihinto ko sa gilid nang daan ang sasakyan at doon pinagsusuntok ang hamba ng sasakyan habang tumutulo ang mga luha aking mga mata.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now