Chapter 23

1.5K 43 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Napaupo ako sa kama dahil pagkabigo. Wala man lang akong nadala na pampaligo sa laki ng bag ko. Hawak ko ang isang sports bra na sinusuot ko kapag maluwag ang damit ko at sa kabilang kamay hawak ko naman ang maiksing shorts na silk ang tela.

Dahil wala akong choice iyon na ang napili kong suotin. Pagkatapos makapagbihis ay lumabas na ako agad baka naghihintay na doon si Dwight. Saktong pagkasara ko ng pinto ng makita ko itong pababa ng hagdan kaya hinintay ko nalang ito. Nakashort ito na parang parachute na sinusuot sa beach at t-shirt na puti. Infairness may puting t-shirt din pala ito puro kasi black ang nakikita kong suot nito mula nang mapadpad ako dito.

Medyo na disappoint lang ako dahil ang iniiexpect ko magsusuot ito ng boxer shorts. Hehehe


"You're beautiful." seryosong sabi nito na ikapula ng pisnge ko. Hindi kasi ako sanay na makarinig ng mga complement mula dito. Mas nasanay pa akong laging sinisinghalan nito.

"Thanks." tipid kong sagot.

"Are you ready?" tanong ulit nito.

"Yes!"

Nagpatiuna na ito sa paglalakad na sinundan ko naman. Pagdating namin sa pool may dalawang tuwalya na doon na nakatupi at nakapatong sa maliit na mesa. Lumapit ito doon at bigla nitong hinubad ang suot na T-shirt.

Halos mapigtas ang  mga ugat ko sa liig sa pagpipigil nang hininga habang nakatibgin dito. Alam kung napanganga  ako at hindi ko nakuhang itikom ang bibig sa ganda ng view na nasa aking harapan. Gusto ko tuloy maupo doon habang nagkakape at tinitingnan ang nag-uumbukan na anim na pandesal nito.

Alam kong maganda ang katawan nito pero hindi ko ineexpect na ganon ka perpekto ang makikita ko. Dahan-dahan itong lumapit sa harap ko na mas lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko pa nga para akong pinagpapawisan kahit malamig naman doon.

"Laway mo tumutulo na." bulong nito kaya bigla kong natikom ang aking bibig.

Napahalakhak naman ito habang naglalakad papunta sa pool. Para akong namagnet habang pinagmamasdan ang tumatawang si Dwight. Firsttime kong marinig ang halakhak nito kahit sandali lang. Parang may humaplos na malamig na bagay sa puso ko. Alam kong masaya akong makita ito masaya.

Sumunod ako dito. Nasa tubig na ito habang ako ay nag-aalangan kung lulusong o hindi. Sa taas nitong 6ft hanggang liig nito ang tubig. At ako naman ay 5'4" at hanggang liig din ako ni Dwight. So ibig sabihin ay kapantay ko ang tubig. Kapag bigla akong tatalon doon siguradong malulunod ako.

Nang mapansin nitong hindi parin ako gumagalaw. Iniabit nito sa akin ang isang kamay nito. "Don't be scared Han.. I'm here to protect you. Hinding-hindi kita hahayaang malunod." puno ng assurance na sabi nito.

Nakaramdam ako ng kapanatagan sa sinabi nito kaya inabot ko ang kamay nito. Inilalayan ako nito hanggang makababa ako ng pool. Napakapit naman ako sa balikat nito sa takot na baka bigla nalang ako lumubog.

"Relax baby... Alam mo ba na ang takot ang isa sa dahilan bakit nalulunod ang isang tao?"- sabi pa nito.

oo takot akong malunod sa tubig pero mas takot akong malunod sayo baka bigla lang akong umasa at masakatn sa huli." isip ko habang nirerelax ko nag sarili.

"Enhale...exhale...enhale..." sinunod ko ang sinasabi nito hanggang naramdaman kong na nawawala na ang kaba sa dibdib ko.

"Now  humawak ka sa mga kamay ko. Wag kang mag-exert ng force at e-relax mo lang ang sarili mo na parang wala lang " dahan dahan ko ngang nililipat ang kamay ko mula sa balikat nito, sa mga braso hanggang sa kamay nito. Ngunit bigla akong nagpanic nang maramdaman kong parang malulunod ako. Kaya bigla akong kumapit sa braso nito sabay yakap nito.

Narinig kong tumawa ulit ito. At iyon ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob ulit. Hiniwalay ko ang katawan ko mula sa pagkakayakap nito at tumingin sa nakatawang mukha nito.

"Bakit ka tumatawa?" kunwaring sita ko dito.

"Because I'm happy.. At namiss ko ang pakiramdam nang pagiging masaya. Iyon ay dahil sayo kaya salamat." hala ang tamis ng ngiti ni Dwight.

Pakiramdam ko tuloy naging ibang tao ito. Pero hindi ko maitatago na mas gusto ko ang masayang Dwight ngayon kaysa sa masungit at laging seryosong Dwight dati. Lihim kong hiniling na sana ganito nalang ito lagi.

Tinuruan niya ako kung paano magfloat sa dagat. Ito daw kasi ang first step para matuto sa paglalangoy. Kaya nagpursegi akong matuto agad magfloating. Dahil sa tulong nito nakuha ko ngang magfloat. Tuwang-tuwa naman ito habang pinapanood akong nagfofloating.

Nang mapagod umahon na kami sa tubig. Humiling ito ng meryenda sa katulong dahil nakakagutom palang magstay ng matagal sa tubig. Isinuot nito muli ang tshirt. Naghinayang tuloy akong hindi ko na makita ang mga abs nito.

Ipinatong nito sa balikat ko ang isang tuwalyang nandoon tyaka naupo ito sa harap ko. Napakasweet nito hindi ko na tuloy kayang pigilan ang puso.

Lihim kong nahiling na sana kami na nito. Bigla akong kinilig sa iniisip.

Pagkatapos naming kumain ng meryenda ay inihatid pa ako nito hanggang sa pintuan ng aking kwarto tiyaka ito umakyat sa taas.

"Bakit ba pafall ngayon ang dating ni Dwight? Sana totoo lahat ng ginagawa nito, parang napaka- especial kasi ng turing nito sa akin kaya... Kaya parang mahal ko na tuloy si Dwight Zane."

Nasa harap ako ng malaking salamin. May banyo kasi sa kwarto ko at may salamin doon. Nakita kong ang ningning sa mga mata ko at isa lang ang ibig sabihin non. Inlove na ako sa aking Knight in shining armor.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon