Chapter 61

1.4K 41 1
                                    

Hanna's P.O.V.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng isang kamay sa buhok ko. Unti-unti kong iminulat ang luhaang mga mata. Ang maamong mukha ng lalaking mahal ko ang unang bumungad sa akin. Thankz God panaginip lang pala iyon.


"Namiss kita... Akala ko.. Akala ko.... " sabi ko sa pagitan ng paghikbi at nakayakap dito.

"Shhhhh... Nandito na ako ngayon kaya wag kanang umiyak ok?" pang-aalo nito ngunit hindi ko parin magawang itigil ang pag-iyak.

Nasa ganong tagpo kami nang bumukas ang pintuan. Lahat ng mga kakilala ni Dwight ay sumugod doon. Lahat ng member ng cute knight, ang kambal at si Jason na pinsan nito.

Ayesha's P.O.V.

Nasa internet cafe ako kasama ang boyfriend kong si Zyrus nang mag ring ang phone ko. Si Hanna ang tumawag kaya sinagot ko agad ito.

"Helo Hanna?" ako

"Aye ang kuya mo.. Nererevive dahil bigla nalang bumagsak ang vital sign niya." umiiyak nitong sabi. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko sa takot at pag-aalala kay Dwight. Nakita siguro ni Zyrus ang biglang pagbabago ng mukha ko kaya lumapit ito sa tabi ko at hinawakan ang isang kamay ko.

"Hanna.. Calm down pupuntahan kita jan." sabi ko pagkatapos ay pinatay ang phone. Hinarap ko si Zyrus at sinabi dito ang balitang iyon. Tinawagan nito si Dylan para ipaalam ang nangyari. Sabay na kaming umalis doon dahil sumama ito matapos maisarado ang cafe.

Dylan's P.O.V.

Nasa kusina kami ni Yesha at kumakain ng pananghalian ng tumawag si Zyrus. Bigla akong napatingin kay Yesha na kumakain. Walang kaalam-alam ito sa nangyari sa kapatid namin.

"Moon bakit parang natuklaw ng ahas yang mukha mo? " tanong nito. Hindi ko napansing bigla akong natulala pagkatapos makausap si Zyrus.

"Ehmm.. Aalis muna ako star my emergency kasi." tumikhim muna ako bago sumagot.

Bigla itong tumigil kumain at hinarap ako.

"Pupuntahan mo ba si kuya sa ospital?" nagtatakang napatitig ako sa mukha nito dahil sinabi ko dito noong nagbakasyon si Dwight kasama ni Hanna.

"Hanggang kailan mo itatago sa akin ang kalagayan ni Dwight?"

"Paano mo nala--"

"Mula umpisa alam ko ang nangyari kay Kuya Dwight... " putol nito sa sasabihin ko.

"Star I'm sorry kung nagsinungaling ako sayo..gusto ko lang na wag kang mag-alala dahil sa kalagayan mo ngayon" sagot ko

"I know.. Kaya nga hindi ako galit sayo dahil alam kong inaalala mo ako at ang magiging anak natin.. Don't worry Moon I am a strong woman kaya kong e-handle ang ganitong problema." paliwanag nito. Tumayo ako at niyakap ito.

"Thank you.. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kong paano sasabihin sayo lahat ng iyan." sabi ko.

"So may problema ba kaya ka tinawagan ni Zyrus?" bigla kong naalala nag sinabi ni Zyrus ng banggitin ni Yesha ulit ang pangalan nito.

"Yeah.. We need to go to the hospital pero.. Tingin mo kaya mo?" nag-alaala kong tanong.

"Yeah.. I'm fine" sagot nito. Kaya sinama ko itong umalis at pumunta ng hospital.

Yesha's P.O.V.

Duda ako sa sinabi ni Dylan na umalis si Dwight kasama ni Hanna dahil napakaimposibleng hindi ito magpapaalam sa akin. Sa aming tatlo ako kasi ang mas malapit dito. Alam kong nagsisinungaling sa akin si Dylan kaya sekretong pumunta ako sa ospital para alamin kung nadischarge na nga si Dwight.

Doon ko nalaman ang lahat. Ang pagkakasaksak nito at pagka-comatose nito ngayon.

Hindi ko magawang magalit kay Dylan sa pagsisinungaling nito dahil may dahilan ito. Alam ko na nais lang nitong protektahan kami ng magiging anak namin.

Nagkunwari ako na walang alam dahil ayokong mag-alala din ito kapag nalaman nitong alam ko na ang lahat.

Pero dahil hindi maipinta ang mukha nito habang kumakain doon ko na sinabi ang lahat.

Ngayon nakasakay kami ng kotse papuntang ospital. Hindi ko alam ang buong detalye pero kinakabahan na ako.

Saktong pagkababa namin ng sasakyan nang makita ko sina Ayesha at Zyrus kaya sabay na kaming pumunta sa room ni Dwight.

Saktong pagkabukas namin ang magkayakap na Dwight at Hanna ang naabutan namin. Nagbitaw naman sila ng dumating kami. Napansin ko din ang pagdating ng isang lalaking hindi ko kilala kasunod si Liam at Clark.

Dwight's P.O.V.

"Dwight thanks God at gising kana." lumapit kaagad si Jason sa kinaroroonan ko. Alam kong palagi itong dumadalaw doon dahil naririnig ko ang mga kwento nito.

"Kuya.. I'm proud of you dahil gising kana." lumapit din si Ayesha at niyakap ako.

Sunod naman si Yesha at Dylan. Si Zyrus naman ay nagmamasid kasama ni Liam at Clark.

Parang reunion ang naganap sa ospital dahil lahat ng taong mahalaga sa akin ay nandoon. Lalong-lalo na si Hanna na hindi ako iniwan kailan man.

"I want to take this opportunity... Meron akong gustong sabihin kay Hanna." maya-maya ay sabi ko sa mga ito. Bigla namang tumahimik ang lahat.

Hinawakan ko ang mga kamay ni Hanna na nasa tabi ko.

"Han... Pwedi bang umpisan na natin ngayon sa pagtupad ang mga bagay na gusto nating gawin ng magkasama? Marami na tayong oras na nasayang kaya ayokong magsayang pa ulit kaya pwedi bang magpakasal na tayo?" madamdamin kong sabi. Narinig ko naman ang tuksuan at hiyawan ng mga tao sa paligid namin.

Biglang tumahimik naman ang mga ito nang sumagot si Hanna.

"Yes Dwight.. Umpisahan nating tuparin lahat ng iyon kaya pakakasalan kita kahit ngayon na." nagpalakpakan naman ang lahat.

Napakasaya ko nang araw na iyon because I know iyon na ang simula sa maganda at masayang buhay na kasama si Hanna.. Ang tanging babaeng nagbalik ng ngiti sa mga labi ko.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now