Chapter 3

2.1K 46 2
                                    

Hanna's P.O.V.

Nakipagpalit ako ng day-off sa katrabaho at kaibigan kong si Estifany dahil kailangan kong makipagkita sa lalaking ka-chat ko kagabi. Maong na pantalon at hanging blouse na kulay pink ang suot kong damit na ipinares ko sa sapatos na kulay puti.

"Saan ang punta mo bakit hindi ka yata nakasuot ng uniform mo?" sita sa akin ni Izzy na kumakain ng breakfast sa kanten.

Nauna kasi ito sa akin dahil 8:30 ng umaga ang pasok nito sa school. Ako naman alas 10:00 pa naman kami magkikita ng lalaki base sa oras na binigay nito kaninang umaga.

Nag-ayos lang ako ng maaga dahil medyo may kalayuan ang binigay nitong lugar kung saan kami magkikita dalawang sakay pa iyon sa dyip.

Alas 9:40AM na ako nakarating ng mall na sinasabi nito. Saktong kabubukas lang iyon kaya naglibot-libot muna ako habang hinihintay ang next instruction nito. Bandang alas 9:53 AM nang maka-recieve ako ulit ng chat mula rito.

"I'm at the entrance of the mall. I hate crowded places kaya rito na lang kita hihintayin." sabi nito.

Nasa 3rd floor na ako ng mall dahil nandoon ang food court kaya akala ko roon kami magkikita. Nagmamadali tuloy akong sumakay ng escalator pababa.

Saktong alas 10:00 ng makarating ako sa entrance. Medyo hinihingal pa ako dahil sa bilis ng lakad ko makalabas lang agad. Kinuha ko ang cellphone ko para sabihing nandoon na ako.
"Nandito na ako, saan ka nakapuwesto?" send ko.

Nakatingin ako sa screen ng phone ko habang hinihintay ang reply nito nang maramdaman ko ang paglapit ng isang lalaki sa harapan ko. Unti-unti akong nagtaas ng paningin. Halos tumigil yata saglit ang pag-ikot ng mundo nang bigla kung nahigit ang hininga dahil sa gwapong nilalang na nasa harap ko.

"Miss Hanna, right?" seryosong tanong nito.

"Y-Yes a-ako n-nga." nauutal pa yata ako.

Baka isipin nitong may speech deffect ako. Bakit naman kasi mas gwapo pa ito sa personal nautal tuloy ako. Mas maitim pa sa gabi ang mga magagandang mata nito. Napakasarap tuloy titigan.

"Doon na lang tayo mag-usap mas makakapag-usap tayo roon ng maayos." sh*t ang mga labi nito kay sarap titigan habang nagsasalita.

"Hey? Miss, nakikinig ka ba?" tanong nito. Napansin siguro nito ang pagblangko ng utak ko.

"Umayos ka, Hanna, mas kailangan mo ang pera ngayon kaya umayos ka para tanggapin ka sa inaalok sa ‘yong trabaho." bulong ko sa isip.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili dahil sa saglit na pagkalimot.
Tiningnan ko ang lugar na itinuro nito. Isa iyong coffee shop.

Sa pagkakaalam ko dolyar ang halaga ng kape na tinitinda roon, e pareho lang naman ang lasa sa mga instant coffee na nabibili sa tindahan. Pero dahil iyon ang gusto nito sumunod na lang ako rito.

Pagkapasok pa lang namin sa loob. Maaamoy mo na ang mabangong halimoyak ng kape. Sabagay magtataka ako kung barbecue ang maaamoy ko sa loob ng coffee shop.

Doon ito pumuwesto sa pinakadulong bahagi kung saan walang dumadaan. Sumunod naman ako rito at naupo sa harapan nito.

Lumapit naman kaagad sa amim ang isang waiter at binigyan kami ng tig-iisang menu.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kakaibang pangalan ng kape. Pero mas nagulat ako sa mga nakalagay ng price doon. Bigla kong itinupe ang menu at ibinigay sa waiter.

"Tubig na lang sa akin." nakangiti kong sabi. Nakita kong napasulyap sa akin ang lalaking hindi ko pa alam ang pangalan.

May inorder ito sa waiter na hindi ko maintindihan.

"So, puwede na ba kitang interbyuhin?" sabi nito pagkatapos makaalis ang waiter.

Buo ang boses nito na may halong softness na napakasarap sa pandinig. Ngunit napakaseryoso nito kaya naiilang ako. Tumango na lang ako bilang tugon dito.

"Alright. Alam mo ba, na sa bahay ka titira kapag tinanggap kita?" deretsong tanong nito.
Pati ang maiitim na mga mata nito ay tuwid ring nakatingin sa mga mata ko kaya napalunok ako bigla at tinanguan ulit ito.

Actually madaldal ako pero nagtaka ako kung bakit bigla yatang umurong ang dila ko ngayon.

Dwight's P.O.V.

Nagugustohan ko na ang ugali ng babae dahil tahimik lang ito at hindi madaldal. Nang makita ko ito kanina sa labas ng mall nakilala ko agad ito. Mas gumanda lang ito sa personal.

"Pwede ka na magsimula bukas." nakita ko ang biglang paglaki ng mata nito. Siguro nagulat ito dahil hindi nito inaasahang ganoon kadali ko itong tinanggap.

"B-Bukas na kaagad?" tila nag-aalangang tanong nito.

"You heard it right. Ise-send ko na lang mamaya ang address ng bahay."
Maraming dahilan kung bakit ko ito tinanggap agad.

Una, aalis na si Felicity sa makalawa kaya kailangan kong makahanap agad ng kapalit nito.

Pangalawa, mukha namang mapagkakatiwalaan ito. Pero susubukan ko muna obserbahan ito sa isang linggo.

Pangatlo, mukhang tahimik ito na gusto ko sa isang tao dahil ayaw ko ng madaldal at maingay.

Hanna's P.O.V.

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil para akong abnoy sumagot na pautal-utal. Sa ingay at daldal ko sa iba, bigla yata nag-preno ngayon.

"T-Tama p-po ba ang nar-rinig ko? T-Tanggap na a-ako?" mas lalo pa yata akong nautal. Naging katawa-tawa tuloy ang una naming pagkikita.

Bigla namang dumating ang waiter at inilagay ang inorder nito. Isang black coffee ‘yong sa lalaki at parang creamy na kape naman ang sa ‘kin na kakulay ng kopiko na kape.

"I don't know what you like but…I know most girls likes sweet kaya iyan ang inorder ko." paliwanag nito.

Dahil sa hindi pa rin ako makapaniwalang tanggap na ako kaya bigla kong ininom ang kape.

"Waaahh." bigla kong naibuga sa mukha ng lalaki ang ininom kong kape dahil sa sobrang init niyon.
Nakita ko ang pasalubong ng mga kilay nito at biglang pagdilim ng mukha nito habang ako ay bigla yatang hindi makagalaw sa kinalalagyan ko.

"What the--."

"I-I'm s-sorry Mr." halos magkandarapa ako sa pagkuha ng panyo at pinunas sa mukha nito nang makabawi.

Bigla itong tumayo at tinabig ang kamay ko ng bahagya na nagpunas sa mukha nito.

"Excuse me." malamig nitong sabi. Bigla itong tumayo at dumeretso sa restroom.

Nanghihinang napaupo ako ulit nang makaalis ito.

"Ang tangadoll ko naman! Unang pagkikita pa lang puro na katangahan pinaggagawa ko. Pa’no na lang kung bawiin nito bigla ang pag-hire sa akin?" kastigo ko sa sarili.

Mayamaya bumalik din ito. Basa pa ang sa bandang noo na buhok nito na halatang naghilamos. Umupo ito ulit sa rating puwesto.

"S-Sorry talaga." paumanhin ko habang nakayuko.

"Forget it. Hindi na ako magtatagal may lakad pa ako ngayong araw." bigla itong tumayo.

Tuloy-tuloy na itong umalis kahit hindi pa ako nakapagpaalam dito.
Hayyy bakit ba ang palpak ko ngayong araw. Mabuti na lang hindi ako minalas dahil tinanggap pa rin ako sa trabaho.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now