Chapter 40

1.3K 35 2
                                    

Dylan's P.O.V.

Kinaumagahan bumisita muna ako kina Yesha para pormal na hingin kay tita Karla nagusto kong pakasalan ang anak nito. Niyakapa ako nito sa tuwa dahil ako daw talaga ang gusto nitong maging asawa ng anak nito.

Kaming dalawa nalang ni Yesha ang naiwan sa salas. Lumapit ako dito at tinabihan ito. Humilig naman ito sa balikat ko. Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo nito bago magsalita.

"Star?"

"Hmmm."

"Pano kapag meron pala tayong kapatid?" panimula ko

Bigla itong kumawala mula sa pagkakasandal at napatingin sa akin.

"Bakit mo naman natanong ang bagay na iyon?" -Yesha

Tumikhim ako bago nagsalita muli.

"Naisip ko kasi... Pano kung yong papa mo... at ang mama ko nagkaanak pala?" tanong ko ulit.

Umayos ito nang upo at tinitigan akong mabuti. Para akong napapaso sa pagkakatitig nito pero sinubukan ko paring salubungin ang mga tingin nito. Gusto ko rin kasing malaman kung ano ang mararamdaman nito.

"Meron ka bang itinatago sa akin? Paano mo naisip ang ganitong bagay." -nagtatakang tanong nito.

"Hindi naman kasi imposibleng mangyati yon diba? Alam natin pareho na nagmamahalan noon ang mga magulang natin." paliwanag ko.

"Hmmm. Sabagay tama ka. Siguro magiging masaya ako. Akalain mo may kuya o ate pa pala ako.? Alam mong gustong-gusto kong may kuya ako noon dahil nang nawala si papa parang ako na ang naging kuya ni Ayesha kahit babae ako kaya gusto ko ding maranasang magkaroon ng kuya o nakakatang kapatid." mahabang sabi nito.

Medyo nakahinga ako nang maluwang nang marinig ang pisitibong sagot ni Yesha.

"Nasabi ko na ba sayong napakabuti mong anak at kapatid kay Ayesha?"

"Bakit kaya nagiging emosyonal ka yata ngayon at napakaseryoso pa nang mukha mo?" tanong nito.

"Wala, masayang-masaya lang ako dahil hindi parin ako makapaniwalang akin kana ulit... at hindi na ako makapaghintay na ma-iharap ka sa altar." masaya kong sabi dito.

Nang bandang alas 3:00 ng hapon nagpaalam muna ako ditong pupunta ng Hideout. Tenext ko kasi ang grupo na magkikita kami ngayon.

Nasa hideout na lahat ng dumating ako. Umupo ako sa pwesto ko bago magsalita.

"Kaya ko kayo ipinatawag dahil nais kong personal na ipaalam sa inyo na ikakasal na kami ni Yesha." masaya kong balita dito.

"Wow congratz sa inyo... " zyrus

"Sana all may happy ending." Clark

"Wag mo naman ipamukha sa aking ikaw ang pinili." Liam

"Ikaw Dwight bakit ang lalim yata ng iniisip mo?" puna ko dito ng mapansing nakatulala lang ito.

"Hayy..wag mo nang tanungin pareho kaming broken hearted niyan." Liam

Nagulat ako sa sinabi ni Liam. Wala kasi akong kaalam-alam na may babae itong nagugustohan.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now