SMUC: Chapter 24

3.8K 106 0
                                    

SMUC: Chapter 24

 Cyril’s POV

 Tulala lang ako habang si Martin naman ay palakad-lakad sa loob ng kwarto ko. Kanina pa ako nahihilo sa kanya. Pero hindi ko na muna siya pinapansin pa, dahil nakatuon ang atensyon ko sa mga sinabi ni Sandra.

 Kung nablackmailed si Tyler. Baka hindi totoong ginamit niya lang ako. Nagmula na ‘yon mismo sa kaibigan ko, alam kong hindi naman siya magsisinungaling sa akin. Napabuntong-hininga ako. Naalala ko ang lahat ng mga sinabi ni Sandra.

 “Cyril. H’wag mong isipin na ikaw lang ang nasasaktan dito. Dahil ang totoo, si Tyler ang mas higit na nasasaktan kesa sa’yo,”

 Pero paano naman siyang masasaktan? Bakit naman siya masasaktan? At paano siyang higit na nasasaktan kesa sa akin?

 “Hindi siya ang dapat mong kamuhian. Ang mga dapat mong kamuhian ay ang mga taong totoong nanloko sa’yo.”

 Anong ibig sabihin ni Sandra sa sinabi niyang iyon? Nung una ang akala ko ay ipinagtatanggol niya lang si Tyler. Pero naisip ko, bakit naman niya ‘yon gagawin? Pero sino ang mga dapat kong kamuhian? Napakagat ako sa labi ko dahil ayoko talaga na maraming iniisip. Pero parang may laman ang mga sinabi ni Sandra sa akin kanina. May alam ba sila na hindi ko alam?

 “Cyril, I have something to tell you,” anas ni Martin. Makikita mo ang pag-aalala sa mukha niya. Ginamot na ng mga nurse ang mga sugat niya sa mukha. Malaki pa rin ang tanong sa isip ko, bakit niya nagawang saktan si Martin ng gano’n? May kasalanan ba si Martin kay Tyler?

 Hindi naman niya ‘to kilala. Hindi nga ba?

 Magtatanong na sana ako pero biglang bumukas ang pinto. Nagulat pa ako ng makita kung sino ito, ang mommy ko! Kaagad na lumapit sa akin si mommy para yakapin ako. Kasunod niyang pumasok si Dad, napakadignified niyang tingnan. Pero alam ko naman na ayaw lang ipakita ni Daddy ang emosyon niya sa lahat.

 Alalang-alala ang mukha ni mommy habang sinusuri ako.

 “I’m okay mom,” malumanay na sagot ko.

 My father cleared his throat. Natakot naman ako dahil alam kong seryoso si daddy. Napalunok ako. Baka naman pabalikin na niya ako sa America. Pero bakit naman? Dahil sa love problems ko? Natural lang na pinagdadaanan ng isang katulad ko ang bagay na ito. They need to understand.

 Nagkatinginan si mommy at daddy. Parang may pinag-uusapan sila na sila lang ang nagkakaintindihan. Pero ano naman ‘yon?

 “Lalabas na muna kami, CC.” anas ni Anica. Nagpaalam sila sa mommy at daddy ko saka lumabas. Sumunod si Katty at Sandra.

 Umupo si mommy sa tabi ko at hinahaplos ang buhok ko. May kutob na ako sa mangyayari.

 “Mom,” anas ko.

 “Kinausap na namin ang mga doctors na tumingin sa’yo dito.” Seryosong anas ni mom. Ano bang problema? May sakit ba ako? Am I dying?

 “Ano bang problema? May sakit ba ako? Mamatay na ba ako?” tuloy-tuloy na tanong ko. Ang weird lang nilang lahat. Tinanong ko si Anica kahapon about my condition, pero ang tanging naisagot niya lang ay, you should ask your parents.

 Napabuntong hininga si daddy.

 “Is there something that I need to know?” kunot-noong tanong ko. “Mom,” anas ko kay mom saka tiningnan siya pero hindi siya makatingin sa akin.

 “We will go back to America with you. We’ll go back there, whether you like it or not,” pinal na sabi ni daddy. Pero bakit?

 “Is it about my love problems? Dad, I can handle this.” Anas ko.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now