SMUC: Chapter 19

3.9K 108 7
                                    

SMUC: Chapter 19

Cyril’s POV

Walang paglagyan ang kilig ko sa katawan. Gusto kong maghihiyaw dahil sa mga pagpapakilig na ginagawa ni Tyler ngayon. Hindi niya man parating sinasabi na gusto niya ako, pero patuloy naman niya iyong pinaparamdam sa akin. Humiga siya sa balikat ko kanina sa gym kahit maraming nakakakita. Parang ayos lang sa kanya na malaman ng lahat na ako ang babaing gusto niya.

“Malandi ‘to!” hiyaw ni Anica sa akin.

Sakay kami ng kotse ni Sandra ngayon. Nasa front seat si Katty, nasa driver’s seat si Sandra at nasa back seat kami ni Anica. Tumingin silang tatlo sa akin. Hindi naman ako nasaktan sa sinabi ni Anica sa akin. Kilala ko naman ang mga kaibigan ko, alam kong nagbibiro lang siya. Napangiti ako sa kanila.

“King ina, baliw ‘to!” hiyaw ni Anica sabay turo sa akin.

“Ate CC, bakit po ba ngiti kayo ng ngiti?” kunot-noong tanong ni Katty.

“Masama bang maging masaya?” nakangiting anas ko.

Alam kong kanina pa ako nakangiti, paano ba naman kasi mapapaalis ang ngiti sa labi ko, kung ang lalaking gusto ko’y may gusto rin sa’kin. Hindi rin nangangawit ang panga ko. Parang ang gusto ko lang ay ngumiti.

Napailing-iling nalang sila sa akin dahil alam naman nilang hindi nila matatalo ang pagiging masaya ko ngayon. Nakarating kami sa tapat ng bahay nina Tyler. Bigla akong kinabahan, hindi ito normal na kaba. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay nila. Magarbo at higit sa lahat halata ang karangyaan.

Bumaba na ang mga kaibigan ko sa kotse.

“CC, ano na. Tara na!” hiyaw ni Anica sa akin.

Dahan-dahan akong bumaba sa kotse. Inalalayan ako ni Katty at halata sa kanya na kinikilig siya. Nakita kong papalapit sa amin ang guwapong si Tyler. Napaayos ako ng tayo. Ang guwapo niya talaga.

Napatulala ang mga kaibigan ko sa kanya.

“Tss.” Singhal niya kaya napaayos ang mga kasama ko.

“Tara na sa loob,” yaya ni Sandra. Kinaladkad niya sina Katty at Anica. Naiwan kami ni Tyler sa tapat ng bahay nila.

Kunot ang noo ni Tyler habang nakatitig sa akin.

“Bakit?” tanong ko.

“You look pale,” anas niya. Inayos ko kaagad ang buhok ko pagkasabi niya noon. Madali rin akong tumingin sa side mirror ng kotse ni Sandra at nakita ko nga na ang putla ko. Iniharap ako ni Tyler sa kanya kaya napatulala na naman ako. “Are you okay?” nagsusuring tanong niya. Tumango naman ako.

Kinakabahan ako kay Tyler pero mas lamang talaga ang kilig ko. Patuloy lang ang paglipad ng mga paru-paro sa tiyan ko. Napakasaya ko.

“Pumasok na tayo sa loob,” paanyaya ni Tyler. Nagsimula na siyang maglakad papasok ng bahay kaya sumunod na rin ako.

Nilibot ng mata ko ang kabuuan ng bahay nila. Maganda at higit sa lahat simple lang. Ang dami ng tao ng makarating kami sa kanilang sala. Nandoon ang mga kasama niya sa basket at busy ang lahat na kumakain at nagku-kwentuhan. Umagaw na naman kami ng atensyon.

Pero nagpatuloy lang sa paglalakad si Tyler at sumunod lang ako sa kanya. Halos bumunggo ako sa matigas na likod ni Tyler dahil nakatungo ako habang naglalakad. Bigla siyang huminto, nag-angat ako ng tingin at napatingin ako sa lalaki na kaharap ni Tyler ngayon. Matangkad din ito at napaka-guwapo.

Para silang pinagbiyak na bunga ni Tyler. Pero mababatid mo sa tatay niya na may edad na ito. Kapag tumanda si Tyler ay ganito ang magiging itsura niya. Umalis ako sa may likuran ni Tyler at nakangiting humarap sa tatay niya. Nginitian ako nito.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon