SMUC: Chapter 14

3.6K 105 4
                                    

SMUC: Chapter 14

Cyril’s POV

IYAK pa rin ako ng iyak habang nakasakay sa kotse. Parang sinasaksak ang puso ko sa sakit. Gusto ko lang umiyak ng umiyak. Tama ba ang naisip ko? May relasyon na ba sila ni Dhine? Pinasakay niya sa kotse niya si Dhine. Ibig sabihin, mahal na niya ito? It sucks! This feeling sucks! Napakasakit.

Sana sinabi nalang niya sa akin na gusto o mahal na pala niya si Dhine. ‘Di sana, hindi na ako umasa do’n sa mga ginawa niya para sa akin. Binantayan niya ako sa clinic, hinatid niya ako sa classroom at pinagdala pa niya ako ng pagkain. Bakit niya pa ginawa ang mga bagay na ‘yon kung may mahal na pala siyang iba?

Ayaw niya akong lumapit o makipag-usap sa ibang lalaki pero siya may iba na palang karelasyon. Nakakainis! Bakit si Dhine pa? Pareho lang naman kami ha? Mas marami pa nga ako nagawa kesa kay Dhine. Hindi pa ba sapat yung mga panliligaw na ginawa ko sa kanya? Hindi pa ba sapat na nagpakatanga ako ng ilang taon sa kanya? Gusto ko ng saksakin ang sarili ko dahil sa naiisip ko.

Nakarating kami sa bahay. Madali akong pumunta sa kwarto ko at ni-lock ‘yon. Kumakatok ang mga kaibigan ko pero gusto ko muna mapag-isa. Dati, okay lang sa akin na marami siyang sinasamahan na babae, alam ko naman kasi na hindi siya magkakagusto sa mga ‘yon. Pero iba ang sitwasyon ngayon, sinakay niya si Dhine sa kotse niya at malinaw sa akin no’ng sinabi niya na ang babaeng mahal lang daw niya ang kauna-uanahang makakasakay do’n.

Umiyak lang ako ng umiyak. Sumasakit ang sintido ko dahil sa mga iniisip ko. Napahawak ako dito dahil sumakit iyon. Dumagdag pa ito sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tiningnan ko ang oras, may dalawang oras akong nakatulog. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Magang-maga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kanina.

Kinuha ko ang cellphone ko at ni-dial ang number ni mama. Mabilis naman niya itong sinagot.

“Yes baby? Miss me?!” masiglang bati ni mama sa akin.

“Mom?” usal ko.

“Are you okay, baby?” nag-aalalang tanong ni mama sa akin.

“I’m not okay, mom.” Anas ko.

“Why?” tanong niya.

“Mom, bakit ganoon? Kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka niya mahal. Tapos yung lalaking may gusto naman sa’yo, hindi mo makayang mahalin.” Namumuo na naman ang luha ko dahil sa naisip ko.

“Are you inlove anak?” tanong ni mom sa akin.

Sa ilang taong gusto ko si Tyler, hindi ko kailanman binanggit sa mga magulang ko na nagpapakabaliw ako sa isang lalaki. Ayokong malaman nila ang mga pinag-gagawa ko para lang mahalin ako ng taong mahal ko na hindi naman akong magawang mahalin.

“Yes ma. For four years,” naiiyak na usal ko. “But he doesn’t like me. Mahal ko siya pero hindi niya ako mahal dahil may mahal siyang iba,” umiiyak na anas ko. Alam kong pagod na pagod na ang mga mata ko sa kakaiyak pero hindi ko mapigilan ang emosyon ko. “Ginawa ko ang lahat para magustuhan niya ako. Pero baliwala pa rin sa kanya ‘yon.” Dagdag ko pa.

“Anak, when you’re inlove, you need to take risks. Katulad ng ginagawa mo, you’re doing everything to win his heart. Pero anak, kailangan mo ring maisip na, hindi lahat ng bagay, makukuha mo,” sabi ni mom.

Tama siya.

“What should I do?” tanong ko sa kanya. Tama nga naman ang sinasabi nila. Kapag hindi mo na kaya, ang ina mo lang ang matatakbuhan mo. I love my mom, because she understands me. She’s trying to understand me always.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now