SMUC: Chapter 5

4.5K 137 5
                                    

SMUC : Chapter five

Cyril’s POV

KILIG na kilig naman sa nakikita ang mga kasama ko. Binigyan kami ni Carlo ng kaniyang matamis na ngiti. Hindi ko alam pero nakakadala ang mga ngiti niya. Ang guwapo niya sa suot niyang damit na ngayon ko lang napagtuunan ng pansin. Matangkad din siya at halatang may magandang katawan.

        “Ang pogi,” anas ni Anica.

        “Mas pogi si Tyler,” sagot ko.

        “Grabe, bakat na bakat ang mga abs,” anas naman ni Sandra habang nakakagat labi.

        “Mas maganda mga abs ni Tyler,” sagot ko ulit.

        “Ang guwapo niya at ang lakas ng dating,” kinikilig na dagdag ni Anica.

        “Duh?! Perfect si Tyler,” sagot ko ulit.

        “Away-away kaya ulit tayo?” iritadong anas ni Anica.

        “Bakit?” tanong ko.

        “Ayan ka na naman, pinagtatanggol mo na naman si Tyler eh.” Sagot naman ni Anica.

        Hindi ako nakaimik dahil tama sila. Hindi ko naman kasi maiwasan minsan. Nakalapit na sa amin si Carlo. Nginitian siya ng mga kasama ko. Alam ko naman na gustong-gusto nila si Carlo para sa akin.

        “Ihahatid na kita,” nakangiting anas niya sa akin. Gusto kong magwelga dahil nakakamatay talaga ng ngiti niya. At saka kung pagmamasdan mo lang talaga siya, mas guwapo pala talaga siya sa malapitan. Ang puti niya at super linis ng kanyang mukha.

        “Sige,” pagpayag ko. Halos magkandirit sa kakakilig ang tatlong kasama ko. Alam kong masaya sila sa ginagawa ko ngayon.

        “Let’s go?” usal ni Carlo. Tumango naman ako.

        Pinagbuksan niya ako ng kotse. Nasa kalagitnaan na kami ng aming byahe pero wala pa rin naglalakas ng loob na magsalita sa amin. Wala naman kasi ako alam sabihin.

        “Cyril?” usal ni Carlo sa pangalan ko. Napatingin ako sa kanya pero diretso ang tingin niya sa daan.

        “Yes?” sagot ko.

        “Buti pumayag ka na ihatid kita?” nakangiting tanong niya.

        “Hindi ko alam,” natatawang anas ko. Natawa naman rin siya sa sagot ko. Actually, napaisip ako sa tanong niya. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko sa kanya ang totoo.

        “Para mapagselos si Tyler?” tanong ni Carlo pero nakangiti pa rin siya. Pero totoo ba ‘tong nakikita ko? Naging malungkot ang mga mata niya. Parang sinasabi ng mga ‘yon na masasaktan ko siya kapag sinabi kong ‘oo’.

        “Hindi,” sagot ko. Napatingin siya sa akin at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya, “Nung una siguro, gusto ko lang siyang mapagselos. Pero naisip ko, para san nga ba? Eh wala naman siyang gusto sa akin,” nakangiti ngunit malungkot na turan ko.

        Hindi na nasundan pa ang kaniyang tanong. Marahil ay na-gets na niya na mas masasaktan pa ako kapag nagtanong siya about kay Tyler. Naihatid na niya ako sa bahay. Inalok ko pa siyang pumasok sa bahay pero tumanggi na siya. Ang sabi niya ay kailangan daw niyang magpahinga  ng maaga dahil sa date namin bukas. Nakakatuwa lang dahil nakita ko ang excitement sa kanya. Paano kaya kung si Tyler ang ganun sa’kin? Marahil ay—ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Pero malayong mangyari ‘yon.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon