Nakatingala sa akin si Ashton nang lingunin ko. Para namang nahiya na binawi nya ang kamay na nakahawak sa akin. Tumingin sya sa ibang direksyon. Umupo na ulit ako sa sofa. Huminga ako nang malalim nang lumubog ako sa inuupan ko, ang lambot talaga.

Tumingin ako sa fireplace. Pumikit ako sandali at muling dumilat. Nakita ko ang gitara ni Ashton sa lamesa sa harap namin.

“Palagi mong dala ang gitara mo kahit saan ka pumunta, no?”

Tumikhim sya at umayos ng upo. “Importante kasi sa’kin yan.”

Tumango ako. “Good luck sa college ha. Mamimiss ka ng kapatid mo kasi sa music school ka na papasok. Kaya palagi mo syang tawagan.”

“Do you think I should go?”

“Go saan?”

Yumuko sya at pinaglaruan ang cellphone nya sa kamay nya.

“S-Sa music school.”

“Oo naman,” mabilis kong sagot sa kanya.

Tumingin sya sakin. “Bakit?”

“Tulad ng sabi ni Lola, baka masayang ang talent mo kung di mo hahasain.”

Kumunot saglit ang noo nya. “Malayo ang school ko.”

Umayos ako ng upo paharap sa kanya.

“Hindi ka ba uuwi every weekend? May kinuha raw na apartment sina Tito para sa’yo ron diba? Para malapit ka lang sa school. Ang sarap siguro ng feeling na independent.”

Sumandal sya sa sofa at diretso lang ang tingin sa apoy na naglalaro sa fireplace. Ang seryoso ng mukha nya, parang may malalim syang iniisip. Napatitig ako sa mukha nya. Hindi ko na namalayan kung ilang minuto ko na syang tinititigan. Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba ang ginagawa ko?

“Ayaw mo ba sa magiging school mo?”

“Masyadong malayo.”

“Alam mo ba, balak kong pumunta sa Paris para kumuha ng patisserie courses. Mas malayo yon kaysa sa school mo.”

“B-Bakit ka lalayo pa? Meron din naman dito?” Yun din ang sabi sakin nina Mama at Papa.

“Oo, pero gusto ko rin kasi na maexperience ‘yon. Mapalibutan ng mga taong sagad ang passion pagdating sa baking. Gusto kong matutunan ang style nila pagdating sa pastries.” Ngumiti ako nang malapad. Naiimagine ko na ang future ko.

Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Ashton kaya nilingon ko sya.

“May nakapag-sabi sakin nito dati; may alam ang bawat isa sa atin na hindi alam ng iba. Katulad nalang ng baking, doon ako magaling at ikaw naman sa music. Kung saan ka interesadong subject, doon ka mag-eexcel. Kaya mas lumakas ang loob ko na umalis at pumunta sa France para mag-aral. Gusto kong maging magaling na pastry chef.” Kapag nakauwi na ako galing sa France na may ipon, magtatayo ako ng bakeshop o coffee shop. Na-eexcite na ako! “Ikaw Ashton? Ano ba ang pangarap mo?”

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon