Kuya Ash and I didn't interact anymore pagkatapos no'ng salu-salo sakanilang bahay. Hindi rin naman ako gumagala ng STEM building dahil baka maligaw ako at ma-late sa klase. Binalik ko kaagad ang aking atensyon sakanya. Bakita nga ulit siya nandito?

“Si Miranda Geneva Flores, nandito ba?”

Wait..

WHAT?!

Wait a minute! Tinawag niya ba pangalan ko? I stopped functioning for a while, dahil ang tagal ma proseso ng kaniyang sinabi sa aking utak. Nagsimulang magsigawan ang mga classmates ko at luminga-linga para magtanong kung may kilala ba silang Miranda. Nakakalungkot lang dahil nasa gitna nila ako pero hindi nila ako kakilala o natatandaan.

Sa dinami-dami ng estudyante ay nagkaroon ng pagkakataon ba magtagpo ang aming mata. I gulped and tried to deny his presence but i can't! Oh pak, crush mo pa nga lang si Ash, ang rupok mo na!

“Tapos ka na bang mag lunch, Miranda?” tanong niya. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. ‘Yong pakiramdam na parang kayo lang dalawa nabubuhay sa mundo! Gano’n!

Tipid akong umiling. “Nope.”

“May gusto akong puntahan ngayon, pwede mo ba ako samahan?”

Mas lalo pa iyong nagpatigil sa mundo ko. Ilang months kaming walang ugnayan tas ito lang mangyayari? Wow. Ang ganda, ang sarap ng mabuhay kung ganito.

Hindi ko matandaan kung ano ‘yung sinasabi ni Kuya Ash kanina. Nakahilig kase ako sa bandang bintana ng kaniyang kotse at nakatingin sa daan. He's discussing about something, pero ako, wala akong cares. Una sa lahat, gutom na ako e, walang kain ‘tas ang tagal pa magdrive. Mas mabagal pa sa pagong. Pagkatapos ng medyo mahabang biyahe ay sawakas, narating na namin ang aming destinasyon, ang isa't-isa.

‘De joke! Baka magkatotoo!

Nang bumalik ako sa tamang huwisyo ay natagpuan nalang namin ang aming mga sarili sa harapan ng isang magandang beach resort.

“Na-miss mo ba dito?”

Nung una ay ‘di ko matandaan ang kaniyang tinutukoy, pero nang makita ko ang isang landmark sa lugar na iyon ay naghahalumpasay ako sa saya. Walang katao-tao ang buong resort, sobrang private tignan, kase private naman talaga ‘to.

I still remember how we used to spend our summer's here in Tito Alexandre's private resort. Noong bata pa ako ay ito ang pinaka paborito kong lugar sa lahat, dahil pwede mong gawin ang mga gusto mo dito. Di ako mapigilan nila Papa at Mama tuwing nag i-enjoy ako sa paglalaro. Minsan nga ay nagiging kulay hotdog na ako dahil bilad ako ng bilad sa araw.

Gustuhin mo mang puntahan ang tubig ay hindi ko magawa. Ang bilin ni Kuya Ash ay kakain daw muna kami bago maligo o gumawa ng mga activities. Gusto ko siyang tanungin kung bakit kami nandito sa oras ng klase, pero siguro mamaya na, kung tapos na.

“Salamat pala sa pagsama saakin dito.” sumubo ulit ako ng isang kutsarang kanin.

He just nod as reply.

Kuya Ash and I used to spend our summer time together, no'ng mga bata pa kami. As I've said, palagi kami lang magkapamilya ang nagsasaya, dahil kami-kami lang din ang close. Medyo nakakagulat lang nung bata pa ako dahil hindi niya ako kailan man nilaglag sa tubig. Hindi pa naman ako marunong lumangoy!

“Naalala mo pa no'ng umiyak kase kakabili mo lang ng ice cream e, nahulog na sa buhangin?”

Akala ko ay hindi na niya muling uungkatin ang pangyayaring iyon. Ang totoo ay tinatakot niya ako dahil matutunaw daw ang ice cream ng isang iglap lang. Kaya napatakbo ako ng mabilis nun, in the end, natisod ako, kaya nadulas ang cone sa kamay ko dahilan para mahulog.

“Sino bang hindi makakalimot no'n?” napairap ako sakanya. “Sama ng ugali mo no'n, nananakot ng bata. E, ikaw? Naalala mo pa yung pagkakataon na ni-lock kita sa closet?”

We both laughed, inaalala ang mga kalokohan na ginawa, parang kahapon lang ang mga iyon. Aba! Akala niya ay siya lang ang may naalala e, ako din! Naihi nga siya sa takot dahil akala niya ay multo ang naglock sakanya sa loob ng closet.

“Hmm, how ‘bout the confession you did to your crush when we were younger?”

Namula ako sa kaniyang sinabi. That confession was meant to be for him not for Zandro. Nag-uusap kami ni Zandro ‘nung araw na iyon at nag-rehearsal kami kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya nang marinig niya iyon at ma misinterpret. “That's another misunderstanding, Kuya.”

“But that Zandro guy likes you so much way back then!” he point out.

“Yup but..” i like you that time. “..you know, hanggang crush lang talaga ako. Hanggang bibig lang, hindi kayang pangatawanan.”

Nang matapos ang asaran namin ni Kuya Ash ay naglakad na ako papunta sa tubig. Sobrang na-miss ko ang lugar na ito, sa totoo lang. Warm breeze of air embraced my whole body. The waves crashes the shore, synchronizing my heart beat. Ang tunog ng dalampasigan ay parang musika sa aking mga tenga.

Edited: 05-29-21

Oblivion Love (Love Series #1)Where stories live. Discover now