Hay uuwi nalang ako baka nga tama si Ced baka nandun lang si Deanna baka may pinuntahan lang na maaga hinatid naman ako ni Mang Berto pagdating sa condo walang bakas ng Deanna

Sinubukan kong tawagan pero nakapatay ang phone nya, Deanna Wong! Asan ka ba talaga pinaparanas mo ba ang maramdaman mo kagabi ng hindi ako nagpaalam?

Naghihiganti ka ba? Nagsorry naman ako akala ko ba okay na tayo? Hay para na akong tanga na kinakausap ang sarili ko

Kalma Jemalyn baka may pinuntahan lang talaga sya wag kang paranoid

Gabi na pero walang Deanna na dumating, nag-a-act lang ako na okay para hindi mag-alala sila Lola pero ang totoo parang gusto ko ng sakalin si Deanna pagkakita ko nanggigigil na talaga ako

Oo alam ko kasalanan ko yung nangyari kagabi, pero ngayon sya naman ang gumawa. Nag-aalala na ako ng sobra baka kung napano na sya o saan kaya sya pumunta hindi na rin ako makakain ng maayos

Bwisit ka Deanna Wong! I hate you! ARGH! Asan ka ba kasi! napapasabunot nalang ako sa sarili ko

Bigla naman bumukas ang pinto, at ang kanina ko pang hinahanap ang tao ang iniluwa ng pinto na pasuray-suray teka saan sya nag-inom
at sinong kasama nya? ganun ba kahalaga ang pag-iinom nya at umabsent sya sa trabaho? umiinit lalo ang ulo ko hinayaan ko sya

Dumiretyo sya sa bathroom bahala nga sya jan, nag-inom inom sya hindi ko sya pinansin dahil talagang naiinis ako

Paglabas nya umupo na sya sa gilid ng kama namin saka tumingin sa akin

Saan ka galing?! inis na tanong ko hay sarap nyang sakalin

" D-Dyan l-lang s-sa t-tabi-tabi L-Love " nauutal na sagot nya

Love mo mukha mo! walang lugar na tabi-tabi Deanna Wong! saan nga! aba tumawa pa lalo tuloy uminit ang ulo ko

" B-Basta L-Love p-pahinga na t-tayo po n-nahihilo ako " sabay hatak sa akin iniwasan ko sya kaya napasubsob sya sa bed namin lihim nalang akong napatawa sa itsura nya

Bakit ka uminom at sinong kasama mo! sagutin mo ako! Hindi ka pumasok sa office mo akala mo ba hindi ko malalaman?! Ganun ba kahalaga ang taong kasama o pinuntahan mo! Deanna naman! Nagdrive kang ganyan ang itsura mo?! Paano kung naaksidente ka! sigaw ko sa kanya para lang syang batang nakikinig sa akin

" L-Love n-naman b-bukas mo na a-ako p-pagalitan po, si T-Tatay k-kasi " sabi nya kaya nagulat ako

ANO?! SINONG TATAY?! MAY JOWA KANA?! DEANNA! wala ng sumagot sa akin nakakarinig na ako ng mahinang ungol bwisit! tulog na sya

ARGH! Sinong Tatay? ang sinasabi nya? Lasing lang ba sya kaya kung anu-ano ang sinasabi nya?

Sinubukan kong matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok paulit-ulit kong maririnig yung sinabi nya sinong tatay ang tinutukoy nya?

Hindi sya nagpaalam na may pupuntahan, hindi sya pumasok sa trabaho nya, naka-off ang phone nya, umuwi syang lasing

Ano ba talaga ang nangyari Deanna at saan ka nanggaling? sabay tingin ko sa kanyang maamong mukha

Biglang nagring ang phone ko huh? ganitong oras tumatawag sila Nanay? nakaramdam ako ng kaba baka mamaya may emergency sila kaya sinagot ko na.

Me: Nay napatawag po kayo may problema po ba? nag-aalalang tanong ko

Hindi ito ang Nanay mo si Tatay to seryoso ang boses ni Tatay kaya lalo akong kinabahan

Me: T-Tay b-bakit po? sh*t bakit ngayon pa ako nauutal nakarinig ako ng buntong hininga

Tay: Umuwi ka dito bukas wala ng maraming tanong kailangan natin mag-usap diretyong tanong nya alam na kaya nila? tinignan ko lang si Deanna

Me: O-Opo T-Tay m-magpapaalam po ako kay Boss Deanna sagot ko

Tay: Isama mo sya, kailangan marinig nya ang pag-uusapan natin napapamura nalang ako sa isip ko so alam na nila?

Me: S-Susubukan ko po T-Tay

Tay: Kung talaga gusto nyang patunayan ang sarili nya pupunta sya dito kasama ka ramdam ko ang tension sa pagitan namin ni Tatay. Anong patunayan ni Deanna?

Me: S-Sige po Tay d-darating po k-kami

Tay: Sige mag-iingat kayo, matulog kana

Me: Opo Tay kayo din po

E N D C A L L

Deanna si Tatay ba yung sinabi mo kanina kaya nalasing ka? Omg! Pinuntahan mo ba sila? Sinabi mo na ba ang totoo? Pero bakit hindi mo sinabi sa akin ang balak mo?! ARRRGGGHHHH! DEANNA WOOONNNNGGGG! Pinapasakit mo ang ulo ko!



A/N
* Hello dear readers goodafternoon😊
* Boss D ano na?😅 ano ba kasing ginawa mo?
* Sorry sa typos/errors/grammars Godbless us all😇

I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now