dumako ang tingin niya sa katawan ni Chip na nakadapa sa sahig, parang dinudurog ang puso niya habang unti unti siyang lumalapit sa katawan nito.


Napaluhod siya sa tapat ng lalaki, binitawan niya ang hawak na baril at sinapo ang ulo nito at inilagay sa kanyang kandungan, sunod sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.


nahihilam na siya sa sarili niyang mga luha habang nakatitig sa gwapong mukha ng mahal niya.


ang tagal niyang tiniis ang sakit na hindi ito makasama, tiniis niya ang pangungulila sa lalaki at tiniis niya ito noong iniwan niya.


"C-chip." basag ang boses na sambit ni Devi sa pangalan ng lalaki, parang gusto niyang sumigaw dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman.


nanginginig ang kamay niyang hinaplos niya ang mukha nito, natigilan siya ng maramdaman ang pagpintig sa bandang leeg nito na nahawakan ng isang daliri niya.


mabilis niyang pinawi ang luha sa mata at pinulsuhan ang lalaki, nanlaki ang mata niya ng maramdaman niyang may pumipintig pa doon.


Parang nabuhayan ng loob si Devi, Hindi pa patay si Chip, pwede pa itong mabuhay, kailangan niyang magmadali, kailangan niyang dalhin sa hospital si Chip, kailangan nitong mabuhay, kailangan niya ito, kailangan nila ng anak niya si Chip.


"M-mommy.."


mabilis na binalingan ni Devi ang anak, namumula ang mga mata at ilong nito dahil sa ginawang pag iyak, bakas na bakas din sa bata ang takot nito.


dahan dahan at maingat na inalis ni Devi ang pagkakaunan ng ulo ni Chip sa kanyang hita, tumayo siya at nilapitan ang anak.


"Baby.." pinilit niyang ngitian ang anak, napababa ang tingin niya sa kadenang nakagapos sa anak, hindi nanaman niya mapigilan na manlumo sa murang katawan ng anak na iginapos sa poste ng kwarto gamit ang malalaki at malamig na kadena.


"Don't worry baby, aalis na tayo sa lugar na to. dadalhin natin ang daddy mo sa ospital." sabi niya habang pilit na inaalis ang kadenang nakapulupot sa katawan ng anak.


"D-daddy?" natigilan sandali si Devi ng marinig niya ang sinabi ng anak, tinignan niya ito at ngumiti tapos ay tumango dito.


"Yes anak, ang daddy mo." napababa ang tingin ng bata sa nakadapang katawan ni Chip sa sahig.


"Si m-mister? d-daddy ko po?" mahina at inosenteng sabi nito, tumango tango si Devi habang pilit pa rin inaalis ang kadena sa katawan ng anak.


Hindi na mapigilan ni Devi na mapaluha habang lumilipas ang minuto na hindi niya pa din matanggal ang kadena sa katawan ng anak ay ang paglagay sa buhay ni Chip sa bingit ng kamatayan.


madami ng dugong nawala dito at kapag mas tumagal pa sila doon ay mangyari ang kinatatakutan niya, ang mawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon