CHAPTER 19

2.4K 43 3
                                    

CHAPTER 19


Naramdaman ko nalang ang pagsagi ni Devi sa balikat ko nang patakbo itong tinungo ang hagdanan at dali daling umakyat.


Nakatitig pa din ako sa batang lalaki na nakatayo sa dulo ng hagdan, nakapikit ito at kinukusot ang dalawang mata.


Pagkalapit ni Devi sa bata ay kaagad siyang lumuhod para magpantay sila nito, hinawakan niya ang magkabilang pisnge nito tapos ay lumingon dito sa baba, napatingin din ako sa sahig kung nasaan ang duguang katawan ng lalaki.


Napapikit ako at bumuntong hininga, hindi ko alam ang nangyayari sa akin, parang wala na akong maramdanan.


"Hey, why did you get up? hindi pa umaga sweetheart." malambing ang tono ng boses ni Devi.


"Mommy nawiwiwi ako."


Nang marinig ko ulit ang boses ng bata ay mabilis akong lumingon ulit sa itaas, napaawang ang labi ko, nabitawan ko din ang hawak kong kutsilyo, hindi naman ganoong kataas ang kinaroroonan nila para hindi makita ang mukha ng bata.


"Halika na sa kwarto, sasamahan ka ni mommy sa CR." tumayo si Devi at kinarga ang bata halatang iniiwasan niyang mapatingin ang bata dito sa ibaba, muli ay lumingon siya sa akin na agad naman niyang binawi tapos ay naglakad na sa itaas.


Nang hindi ko na makita ang dalawa ay saka ko nalang napakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigil, napapikit ako at ramdam na ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.


Kinalma ko ang sarili at naglakad palabas ng apartment, agad kong tinungo ang kotse kong nakaparada sa di kalayuan at pinaandar iyon sa tapat ng apartment ni Devi, bumalik ulit ako sa loob at tinignan ang bangkay.


Pinulot ko muna ang nahulog kong patalim sa sahig bago hatakin ang bangkay palabas ng apartment, bawat madaanan ng katawan nito ay nagiiwan ng bakas ng dugo sa sahig, nang maidala ko ito sa tapat ng pinto ay tinignan ko muna ang labas, nang makasigurong walang katao tao ay inakay ko ang katawan at nilagay ito sa compartment ng sasakyan, pinilit ko itong ipagkasaya sa loob dahil sa taas nito ay nahirapan akong pagkasyahin siya sa compartment ng kotse ko.


Pagkasara ko ng compartment ay napaangat ang tingin ko sa itaas ng apartment, kita sa bintana ang munting ilaw na nanggagaling doon.


"Si Chip."


Napapikit ako ng alalahanin ang mukha ng bata, ang mga pagkikita namin noong nakaraan, ang paghawak ng maliit nitong kamay sa akin, ang pagngiti nito, ang pag aayos nito ng kanyang salamin, ang pagiging mahiyain nito.


Anak siya ni Devi.


Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan ang pinagkakatiwalaang tao na si Bart, sinabihan ko itong pumunta sa bahay ko.


Pagkababa ko ng tawag ay naglakad na ako para makasakay sa kotse, bago ko pa man buksan ang pinto ng driver seat ay napasulyap ulit ako sa bintana sa taas, wala na ang ilaw doon.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon